Chapter 21

29.9K 1.1K 293
                                    

Demi's PoV:



Kanina pa kami nag uusap netong si Stacey. Ang hirap nya pala kausap tsk. Super guys. Share ko lang. Napahilot ako sa aking sentido ng wala sa oras. Patang sumasakit tuloy ang ulo ko sa kanya mygoodness.




We're here now in a coffee shop na malapit lang sa University. Nang matapos ang school hours ay diito agad kami dumiretso. We decided na dito na lang I discuss ang schedule naming dalawa. Sya ang nagsabi ng place na ito. Buti naman at maganda at napaka calm ng ambiance cause kapag hindi ay ma jojombag ko sya bigla dyan. Joke lang.




"8-10 pm na lang ng gabi ang pag tutor mo sa akin." she suggested. 9 to 11pm ang una nyang suhestyon sa akin. Napamulagat naman ako dahil doon.



Wala na bang mas aaga pa sa binigay nyang time?



"Lower yung mas maaga naman." I said to her. Kung tutuusin nga ay dapat ako ang magtatakda ng oras naming dalawa eh cause I'm her tutor pero bakit parang sya pa ang nasusunod sa aming dalawa.



"What? Ano bang gusto mo? After class kaagad?" nakataas kilay netong tanong sa akin.




"May narinig ka bang sinabi ko?" nakatanggap lang naman ako isang malakas na hampas dahil sa aking sinambit. Huhuhu... Ano bang mali don?




"Okay sige agahan natin ng kaunti." bakit kaunti lang. Dapat itodo na ng bongga.



"7-9 pm na lang. What do you think?" she asked while sipping her coffee. Hayst.



"Bakit ba gabi ang gusto mong oras ha?" hindi ko mapigilang itanong.




"Why? May masama ba don?" balik tanong nito sa akin. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pag guhit ng ngisi sa kanyang mga labi. Oh no. Base don, I think may iba pa syang plano.




"Oo gabing gabi na tapos mag dadrive pa ako pauwi sa condo unit ko."




"Sus ang dali dali lang nyan eh pinoproblema mo pa. Edi sa matulog ka sa unit ko. Parang hindi mo naman nagawa yon?" she said at hindi pa rin mawala wala ang ngisi sa labi nito. I notice na mapula ito ngayon. Parang na temp tuloy akong halikan. I shook my head and rapidly erase that thought. Mukhang nakita nya ang pagtitig ko sa kanyang lips dahil nakita kong  nagkagat labi ito.



Argh. Ano ba to? Dapat hindi ako mag paakit sa kanya. Kaya mo yan Demi! Strong independent woman ka remember?



"Paalala ko lang sayo hoy, tutor session ang gagawin natin ha. Hindi make out session or mas grabe pa don. Hindi iba't ibang paraan ng kiss ang ituturo ko sa yo kung hindi lesson. Mas maganda na yung malinaw. " prangka kong saad sa kanya. Mas mabuti na iyong ganto. Akala ko ay ma ooffend sya sa sinabi ko ngunit hindi. Imbes ay tumawa pa talaga ang loka.






"Silly ganon pala ang naiisip mo ha?" nakakalokong tanong nito sa akin. Mabilis kong umiling bilang sagot sa kanyang tanong. Ang assuming naman pala nya hmp.




"Anyways that's a good idea huh. Pumasok rin yan sa isipan ko eh. Naunahan mo lang akong sabihin." napamulagat naman ako nang marinig iyon sa kanya. So sineryoso nya nga yung sinabi ko. Argh.



"Ayaw mo ba non? After ng session natin ay may sexy time tayong dalawa you know. You and me in my bed. " nakaka akit netong sabi sa akin. Napalunok naman ako dahil doon. Hindi ko rin maiwasang mamula. Wala talagang preno ang bunganga nya jusko.





"H-hoy b-bat ba tayo napunta sa ganitong usapan? Kung iniisip mo na gagawa tayo ng milagro, walang ganon." I said to her. I need to stay still sa aking decision. Hindi ka marupok Demi. Tandaan mo yan. Nagulat ako ng biglang tumawa si Stacey. Nahihibang na ata sya. But Damn. Ang sarap pakinggan. Pero bakit naman kaya? Hayst ewan. Ang gulo mo self.





University Series : Stacey Desire ZuluetaWhere stories live. Discover now