Chapter 36

23K 900 533
                                    

Stacey's PoV:






"Relax Stacey. Kawawa naman yung hawak mong Doraemon oh." I heard Jared said. Napatingin naman ako sa stuff toy na hawak-hawak ko ngayon at oo nga, kawawa naman sya.







Agad ko itong binatawan at ibinalik muli ang tingin sa dalawang taong walang katapusan kung maglandian. Ang sakit nila sa mata sa totoo lang.








We're here now in our private room. Well, may meeting lahat ng professor kaya free ang time namin ngayon. Walang mga class to be exact.









Argh! Nakakagigil. Nakakainis. Parang gusto kong bigyan ng mag-asawang sampal ang maharot na babaeng yon.







"Hay nako Stacey. Kung ako sa'yo, ipapalapa ko na sa mga crocodile ang mga ganong klaseng babae." Napatingin ako bigla kay Ella at nakita kong may napakalawak na ngisi ang nakapaskil sa kanyang labi.






"Para hindi na makaharot pa." Dagdag pa nya.






"Bitch sample-an mo kase. Payag ka ba na ginaganon ka lang?" Tanong naman sa akin ni Athena sa akin. Napakuyom ang aking kamao.







"Of course not! Makikita nya talaga!" Nagngingitngit kong saad. Argh. That Lorraine girl. Hinding hindi ko yun papalampasin. Mukhang I need to unleash the bitchy side of me.






Narinig kong sabay na napatili si Ella aat Athena.







"Girl that's the spirit! Wag kang papatalo. Remember? Daig ng una ang pangalawa." I highy agree with that hihihi. Atsaka I know for sure na I'm Demi's first at take note, sa lahat pa duh. Mas malakas pa rin ako. Nasa akin ang alas.






Sabay kaming natawang tatlo. Oh my. Kaya nga siguro kami magbebestfriend eh dahil nagkakaintindihan kami hahaha.







Suddenly, narinig naming tumikhim si Jared.







"Excuse me girls pero bakit magkakaron ng pangalawa kung okay sya sa una?" Sabat nya at ngumisi pa talaga ng nakakaloko.







Automatic na sinamaan namin sya tingin. Aba't. Panira naman ang isang to hmp.







I don't know why pero parang hindi ako nakailag sa sinabi nya na yun. Lalo na't sa nakikita kong sitwasyon ngayon. Argh. Damn this guy.







"Ugh. Nakakaasar ka talaga Jared kahit kelan!" Naiinis na saad ni Athena.







May pumasok bigla sa isipan ko. "Narinig mo yun? Kaya ka siguro binasted ni Athena dati eh." Now it's my turn para mapangisi ng malawak.






Nakita namin kung paano nagbago ang expression ni Jared. Now he's frowning. Hahahaha.





"Ugh! Sabi ko nga dapat nanahimik na lang ako." Kitang kita ang pagka-asar sa mukha nya. Naungkat tuloy yung nakaraan.





Napailing na lang ako sa kawalan at ipinagpatuloy ang pagtingin sa dalawang taong kanina ko pa binabantayan.





Automatic na nagsalubong ang dalawa kong kilay. What the hell?!







Nakita ko lang naman na magkayap silang dalawa! Parang bulkan na gusto kong sumabog dahil sa inis. This is too much!





Nasa direction namin na kaharap si Lorraine kaya kitang kita ko kung anong reaction nya. Ang maharot na babaeng ito argh!





University Series : Stacey Desire ZuluetaWhere stories live. Discover now