Chapter 33

20.4K 878 368
                                    

Demi's PoV:




"Class Dismissed." Our prof said bago lumabas na syang  naging dahilan kung bakit kami napahiyaw in happiness. Of course, ito lagi ang inaantay namin at the end of the today. Excited na kaming matapos 'to at umuwi eh.





Agad kong inaayos ang aking mga gamit at inalagay ang mga ito sa aking bag. I go after my friends.





"Mygoodness, buti na lang talaga at dismissal na." Natutuwang saad ni Alexa. Kuhang kuha nya hahaha...




We chitchatted for a while. Tamang chismisan lang muna sa gedli hehehe. Kahit anong matopic, okay lang. Pampatanggal na rin ng stress sa studies.




"Uy girl, andyan na yung girlfriend mo oh." Saad ni Allysa na syang ikinatigil naming lahat.




"Huh? Sinong may girlfriend na sa atin?" Nakakunot-noo kong tanong sa kanila. Gosh, hindi naman ako nainform na may baliko na rin pala sa amin maliban sa akin.




Nice. Hindi lang ako nag-iisa hihihi. May kadamay na rin ako.




Nabalik ang aking atensyon nang sabay-sabay silang napahagikgik. Infairness, plinano ba nila yon? In sync kase eh.




Pero wait lang. Sa pagkakatanda ko naman ay wala akong sinabing joke or nakakatawa. Weird.




"Bakit kayo tumatawa?" Owemji. Don't tell me, may nakikita silang hindi ko nakikita. Suddenly, I realized something. "Gusto nyo bang tumawag na ako sa mental hospital?" Nagcecare pa rin naman ako sa kanila eh.




Automatic na tumigil sila bigla. "Pfft--- Silly hindi noh hahahha..." Leanne said.





"Ikaw kaya yung may girlfriend sa ating apat." Dagdag pa nya sa akin. Napakagat-labi ako bigla sa sinabi nya. "Andon na nga sya sa labas oh. Inaantay ka."





Sukat doon, napatingin ako bigla sa tinutukoy nila and there I saw Stacey. Ngunit may kakaiba sa kanya, unlike dati ay nakangiti sya pero ngayon wala akong makitang expression. Hindi maipinta ang kanyang mukha.





Hindi ko maiwasang mapalunok at makaramdam ng kaba bigla.




"Sige na. Puntahan mo na yung girlfriend mo. Mukhang galit eh. May ginawa ka sigurong hindi nya gusto." Pangangantyaw pa ni Al.




Napailing na lang ako sa kawalan. Hay nako, kahit kelan talaga sila oh hahaha.






"Che! Magkaibigan lang kami noh." Masungit kong saad sa kanila. Suddenly, naalala ko bigla yung pagkakasabi ni Stacey sa akin nyan. Yeah right. Nothing more nothing less. Hanggang ngayon masakit pa rin sa heart hahaha.





"Bakit? Babaeng kaibigan mo naman talaga sya ah." At ngumis pa talaga ng nakakaloko. "Unless, may iba pa."





Hmp. Wala na ako masay sa kanila. Masasanay rin ako. Tingin ko nga ay nakakahalata na sila eh or more on may alam na sila but they respect me, kaya hindi sila nagtatanong.




"Sige na nga. Babush na. Kitakits na lang tayo bukas ha." At nakipagbeso-beso pa sa kanila.




Nang maiayos ko na ang lahat, bumaling na ako kay Stacey na nasa labas ngayon. Hindi pa rin nagbabago ang expression na nakapaskil sa kanyang mukha.




"Hey kanina ka pa ba di---" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang




"Let's go. Kailangan nating mag-usap." May halong diin nyang turan. Hindi pa ako nakakaalma nang marahan na nyang hinila ang aking pulsuhan.




University Series : Stacey Desire ZuluetaWhere stories live. Discover now