STORY 1

38 0 0
                                    

Nagsimula ang lahat ng mapadaan ako sa sementeryo.
Na di sinasadya na may ma- bangga ako at nauntog ang aking ulo. At ng magising ako ay nasa opisina na ako ng sementeryo.

Anong ginagawa ko dito? tanong ko sa sarili ko.

Miss nabangga kita at nagkauntugan tayo at nawalan ka ng malay, kaya dinala ka namin dito. sabi nito. Laking pasasalamat ko at walang masa- mang nangyari sa akin at nagsa- bi na uuwi na ako.

Pababa na ako ng hagdanan ng may nangungulit sa akin na isang batang babae. Maayos naman ang damit niya subalit may pasa siya sa mukha braso at binti.

Ate! Ate! tulungan mo naman ako! sigaw nito.

Ha? Bakit sino ka ba? saka bakit ang dami mong pasa sa katawan. tanong ko sa kanya.

Miss! Miss! okey ka ba talaga ? sigaw ng guardiya.

Okay na nga ko! Itong bata ang tulungan nyo. sagot ko

Bata? e wala ka namang kausap na bata.sagot ng guardiya. Pag- tingin ko sa batang kausap ko ay wala na siya . Napahawak na lang ako sa ulo at mabilis na umalis sa lugar na yon . Pag dating ko ng bahay ay tuloy tuloy ako sa kuwarto at nagbihis.

Salamat sa diyos at nakauwi na ako , grabe ang nangyari sa araw na ito. Habang nagbibihis.

Talagang grabe ang layo pala ng bahay mo sabi ng bata.

Natulala ako sa narinig at dahan dahang hunarap at

Ikaw ,,,bat nandito ka di ba nasa senenteryo ka? tanong ko sa kanya .Tumango ito at nagsalita.

Ako nga! Ako nga pala si Veronica, 8 years old patay na ako. Namatay ako dahil sa may sakit akong leukemia. sabi nito.

Pa,,,,,tay patay kana? tumango ito sa kanya. E bat nakikita kita? mamatay na rin ba ako.tanong ko sa kanya.

Hindi no! napansin ko kasi na nakikita mo ko ng manlaki ang mata mo sa mga pasa ko. sagot nito.

E bat mo ko sinundan? tanong ko ulit sa kanya .

Gusto ko kasing makipagkaibigan saiyo, mukha ka kasing mabait at huminge ng tulong saiyo na sabihin kay Mama na ayos lang ako at mahal na mahal ko siya. sabi nito nag- pakita ito ng mga pangyayari sa salamin na parang tv. Malakas siya hanggang sa magkasakit at mamatay.

E paano naman kita matutulungan? Baka sabihan pa ko ng nababaliw na. tanong ko sa kanya.

Sa isang malaking malamansion na gusali nagdoorbell ako. Ng magbukas ito, tinanong ako kung sino.

Ako nga pala Mesy, kaibigan ko po si Vanessa dadalawin ko po sana siya.

Tinanong ako ng lolot lola ni Veronica dahil di raw nila ko kilala, sabi ko di naman kami gaanong close ni Vanessa.May sasabihin lang po akong importante. Sinamahan nila ko sa kuwarto at si Vanessa nakahiga sa kama, namumugto ang mata nakatingin lang sa bintana kahit na tinatawag na siya ng mamat papa niya.

Vanessa may bisita ka, kaibigan mo raw siya si Mesy.

Lumapit ako sa kanya at humarap.

Vanessa,,,,,,,ako nga pala si Mesy sana pakinggan mo muna ako bago mag react sa sasabihin ko.

Nandito ako dahil kay Veronica seryosong sabi ko.Napatingin silang lahat sa akin ang lolot lola ni Veronica at ang mama nitong si Vanessa.

Sabi ko na nga ba, mahirap sabihin ito , baka isipin nila nababaliw ako.

Please ate Mesy nandito ka na. sagot ni Veronica.

Napaupo ang mama ni Veronica..

Ano ang tungkol sa anak ko?tanong nito.

Sa maniwala kayo o hindi kasana ko dito si Veronica at gusto niyang sabihin na  Ma,,,,

Binabastos mo va kami Miss o gusto mo kaming pasakitan.Patay na ang apo namin sabat ng lolo ni Veronica.

Lalo mo lang pinahihirapan ang anak namin! Lumayas ka dito sa pamamahay namin. sagot ng lola ni Veronica at itinutulak niyang palabas ng kuwarto si Mesy.

Isigaw mo Dido ! dido! sabi ni Veronica.

Dido! dido! sigaw ni Mesy.
Meaning I love you at apat lang kayo ang nakakaalam nito. Ang daddy mommy lolot lola ni Veronica. Inuulit ni Mesy ang sinasabi ni Veronica. Napatulala ang tatlo na naoatingin sa isat isa.

Hindi ko kayo kilala o si Veronica, pero totoo lahat ang sasabihin ko sa inyo. Para maniwala kayo ilalarawan ko ang kabuuan ni Veronica. Ng masabi na niya ang hitsura nito.

Nakaupo po siya diyan sa tabi mo Vanessa at hawak niya ang kamay mo at gusto niyang sabihin na magmove on na raw kayo kasi nahihirapan siyang umakyat sa langit dahil dama niya ang hirap ng loob niyo. Mahal na mahal raw po niya kayong lahat at may ibibigay daw po siyang regalo sa inyong lahat na nasa loob ng kahong yon. sabi ni Mesy.

Binuksan nila ang kahon may cd tape ang mga gamit sa loob. Pinanood nila ito at si Veronica nagsasalita.

Mommy! Daddy! lolo lola Dido..............umiiyak ito. Wag po kayong malulungkot pag wala na ako, kasi kasama ko naman si papa Jesus . Lolo regalo ko po to sa inyo flashlight para di po kayo mabangga pag lalabas kayo sa gabi.  Lola ito naman po sa inyo. Idagdag niyo sa ginagantsilyo niyo. Mommy Daddy mahal na mahal ko po kayo. Yong mga baon ko sinasave ko dito kay piggy ,request ko po sana na idonate po ninyo sa mga batang may malubhang sakit na walang perang panggamot.

Mommy yong mga toys ko, ibigay mo sa magiging baby sister ko, para di lang nila malaman maramdaman rin niya na may ate siyang nagmamahal sa kanya. At wag kayong malungkot sasabihin ko kay papa jesus  na ibigay na ang  kapatid ko  sa inyo  . Sige po Mommy napapagod na po ako.

Nagiyakan silang lahat at nagpasalamat kay Mesy. Nagpaalam na rin si Veronica kay Mesy at sumama na ito sa liwanag .

Umuwi na si Mesy at pagod na pagod na  nakatulog, nagising siya sa ingay sa kusina na parang may nagluluto. Napabangon siya at sinilip ito. Nakita niya si Veronica, hinahandaan siya ng almusal.

Nandito ka pa rin. Akala ko nasa heaven ka na? tanong ni Mesy kay Veronica.

Di ko pa raw oras oara sumama kaya dito muna ko please ate. pakiusap ni Veronica.

Okay, ano pa ba ang magagawa ko basta wag mo akong kakausapin pag may tao at baka mapagkamalan akong baliw. sagot ni Mesy.

Habang kumakain si Mesy at kakwentuhan si Veronica, napansin nilang parang may sumisilip sa kanila sa pintuan ng kusina. At dahan dahan silang lumapit sa pinto para silipin kung sino yon di inaasahan ni Mesy na magface to face sila ng isang babae na may mahabang buhok, nangingitim ang mga mata at may mga pasa at sugat sa
mukha.

MESY THIRD EYEWhere stories live. Discover now