STORY 2

23 0 0
                                    

CASSANDRA- ang babae sa ilalim ng kama .

Aaaah!!!! sigaw ni Mesy sabay silang paatras na paupo ng babaeng nakaharap niya. At gumapang itong patago sa sulok
Hinabol nila Mesy at Veronica ang babae ngunit naglaho na ito at di nila nakita.

Sino yon? Ang akala ko ikaw lang ang multo dito sa bahay, meron pa pala. sabi ni Mesy kay Veronica.

Lumipas pa ang dalawang araw at naglilinis ng ilalim ng kama si Mesy, pagsilip niya sa ilalim ay muntik na siyang mapasigaw. Ang babaeng nakita nila nong isang araw nagtatago sa ilalim ng kama. Lumabas ito at nagsalita

Wag kang maingay, baka makita tayo ni tatay. Bubugbugin na naman ako noon. sabi nito.

Bakit? Anong kasalanan mo at bubugbugin ka? E ang dami dami ng mga pasa mo e.sagot ni Mesy. Sisilip muna ito sa pinto at magsasalita.

Mula ng umalis si Nanay at sumama kay Tito Rey, palagi ng galit si tatay.Konting pagkakamali lang binubogbog na kami ng mga kapatid ko . Katulad ng isang araw, kausap ko lang si Raymond parang nagflashback ang kwento ni Cassandra.

Si Raymond tinawag niya si Cassandra, niyaya niya ito sa isang party. At naabutan sila ng tatay niya at sa galit nito , hinila ang buhok ni Cassandra at dinala sa kuwarto at doon binubogbog
Ng lumabas ang tatay ni Cassandra duguan ang kamay at kinandado ang pintuan. Walang nagbukas sa mga kapatid ni Cassandra ng pinto hanggang sa umalis ang tatay nila. At doon lang nabuksan ang kuwarto ni Cassandra, Si Cassandra wala ng buhay.

Patay ka na pala e bat nagmumulto ka pa? tanong ni Mesy.

Buhay pa ang tatay ko, gusto ko siyang tanungin kung bakit nagawa niya sa akin to? Di ako makaalis sa kuwartong ito, dahil sa nangyari sa akin. sagot ni Cassandra.

E pano naman makikita ang tatay mo? E patay ka na, saka saan mo siya hahanapin. tanong ni Veronica.

Dinadalaw ko siya sa panaginip at nararamdaman ko pupunta siya dito. sabi ni Cassandra. At nagtago na naman iti sa ilalim ng kama.

Kawawa naman siya namatay siya ng ganoon lang . sabi ni Veronica

Pano kaya natin siya matutulungan? tanong ni Mesy.

Kinabukasan may taong naghihintay sa pintuan ni Mesy.

Magandang araw po !.

Sino po ang hinahanap nyo dyan tanong ni Mesy.

A..wala ako nga pala si edwin dating nakatira diyan. Napapanaginipan ko kasi ang bahay na ito ng madalas, kaya naisip kong silipin. sabi nito.

Baka yan ang tatay ni Cassandra
papasukin mo na ate Mesy. sabi ni Veronica. Aalis na sana ito pinigilan ni Mesy at niyayang magkape sandali sa loob,ayaw pa sanang pumasok ito ngunit tinulak ni veronica papasok sa loob. Nagtitimpla ng kape si Mesy at nakaupo naman si edwin  ay may narinig siyang ingay sa kuwarto dati ni Cassandra.  Tumayo siya at parang pinipigilan ang sarili na wag lumapit sa kuwarto pero nasa tapat na siya nito. At sa pag hawak niya ng doorknob bumalik ang alaala ng kuwartong iyon.

Ng makita niya ang anak na may kausap na lalaki. Naibuhos niya ang galit sa anak na kamukhang kamukha ng asawa niya. Ang paghila niya sa buhok nito at pag hila hanggang kuwarto at pag bugbog niya dito na di niya akalaing ikakamatay nito. Pinihit niya ang doorknob, bumukas ang pinto at may halong gulat at takot ng makita ang anak na si Cassandra, duguan puro pasa ang mukha at katawan at umiiyak.

Tay  .. bakit  nagawa nyo sa akin ito? sabi ni Cassandra.
Napaluhod ang tatay ni Cassandra at umiyak.

Patawarin mo ako anak galit na galit ako sa ina mo ng mga oras na iyon. Patawarin mo ako   hu...hu...hu......Ako ang pumatay saiyo at niyakap ang anak.

Tay ... pinapatawad ko ba kayo sabi ni Cassandra At nawala ang mga sugat at pasa ni  Cassandra sa mukha at katawan nito.

Salamat Tay makakaalis na ako ng kuwartong ito. At syay
naglaho ng parang bula.
  Hinanap ni Edwin ang ibang anak at sinabi ang nangyari at huminge siya ng tawad sa mga anak.

Pinabless ni Mesy ang bahay  at ang kuwarto.

Ay salamat ghost free na ang kuwarto ko. sabi ni Mesy.

Bawal na ba ko dito ate? tanong ni Veronica.

Hindi naman buntot na yata kita e.sagot ni Mesy at nagtawanan silang dalawa.

MESY THIRD EYEWhere stories live. Discover now