STORY 4

14 0 0
                                    

Ate Mesy may bagong lipat sa tapat  o may naghahakot ng mga gamit. sabi ni Veronica.

Oo nga no, sana may dalagang kaedad ko para may bagong friend naman. sagot ni mesy.

Ate Mesy makikiusyoso lang ako doon. sabi ni Veronica.

Wag ka lang mananakot ha. Alalahanin mo multo ka na lang. paaalala ni Mesy.

Tumawa ito at naglaho na parang bula. Isang oras ang lumi- pas at lumitaw ulit si Veronica sa harap ni Mesy sa loob mismo ng  laptop ni Mesy.

Ate Mesy may kasamang multo ang bagong lipat, lalaki at guapo. sabi ni Veronica.

E di maganda may barkada ka na at di ako ang kinukulit mo. Umalis ka na diyan sa laptop at marami akong ginagawa. sagot ni Mesy.

Ate Mesy, di ako nagbibiro nagsasabi ako ng totoo.  Palaging nakadikit ang multong yon sa babae. sagot ulit ni Veronica.

Napilitang tumayo si Mesy at sinilip ang bagong lipat. Pinuntahan niya ito kasama si Veronica. Nagpakilala siya at nakipagkwentuhan pero tahimik lang si Rosalie, ang babaeng may katabing multong lalaki.

Napansin ng multong lalaki si Veronica at nakita niyang kina- kausap nito si Mesy. Lumapit siya at tinanong si Veronica.

Bata di ba patay ka na? tanong nito kay Veronica.

oo ako nga pala si Veronica, ikaw sino ka naman bakit lagi kang nakabuntot kay ate Rosalie? tanong ni Veronica sa lalaki.

Ako si Angelito, kasintahan ko si
Rosalie namatay lang ako last month, nabangga ako.sagot nito.

Ikaw pano mo nakakausap si Mesy? tanong nito.

May 3rd eye sya. Tinulungan niya kong makausap ang parents ko. sagot ni Veronica.

Mabilis na lumapit si Angelito kay Mesy at kinausap niya ito.

Mesy gusto kong kausapin mo si Rosalie para sa akin.utos nito kay Mesy .

Nagulat si Mesy sa biglang pag- sulpot ni Angelito sa harap niya.
At di niya ito nagustuhan kaya di niya ito pinansin. Biglang pumasok sa katawan niya si Angelito at nanlaban si Mesy.

Labas! labas! lumabas ka sa katawan ko. sigaw ni Mesy . Pero wala syang nagawa dahil naka- pasok na ang kaluluwa ni Angelito sa katawan niya. Nakatingin ang lahat sa kanya, dahil tumahimik siya at lumapit kay  Rosalie. Hinawakan niya sa braso si Rosalie at........

Rosalie, kailangan kita...............
di ba may pangako tayo sa isat isa na magsasama hanggang kamatayan. sabi ni Mesy pero ang boses niya kay Angelito.

Angelito nasa katawan ka ni Mesy  sagot ni Rosalie.

Oo, kailangan mamatay ka Rosalie, para magsama na tayo.
Magpakamatay ka Rosalie. at humigpit  ang hawak nito kay Rosalie .

Tinulak ni Veronica si Mesy at humiwalay ang kaluluwa ni Angelito sa katawan ni Mesy.

Bad ka, Angelito bat ka nagiisip ng ganyan kay ate Rosalie. sigaw ni Veronica

Tumayo si Mesy na parang nahihilo. Nagaway naman ang dalawang kaluluwa.

Huwag kang makialam.sabi ni Angelito.

Ate Mesy, si Angelito nakakatakot siya may maitim siyang awra. sigaw  ni Veronica.

Natakot ang mga taong nagaayos ng mga gamit kabilang na ang pamilya ni Rosalie.

Samantala si Rosalie ay umiiyak  na nagsasalita.

Angelito ikaw ba yan ,bat ka nagsasalita ng ganyan. Angelito mahal na mahal kita ng higit pa sa buhay ko, pero di ibig sabihin non na kailangan kong mamatay para lang magsama tayo. Dios lang ang may karapatan para bawiin ang buhay na ipinahiram sa atin. sabi ni Rosalie habang umiiyak.

Hindi! hindi! Hindi ako papayag aaaahhhh sigaw ni Angelito  at nagliparan ang, mga gamit at may maitim na usok ang lumi- pad palabas ng bahay. Natakot ang mga magulang ni Rosalie at pinabless ang bahay at pinalagyan ng pangontra si Rosalie para di malapitan ng kaluluwa ni Angelito.

Ilang araw din ang lumipas, naging tahimik sa bahay nila Rosalie. At isang gabi habang tulog ang lahat si Rosalie tumayo at lumabas ng kuwarto ng nakapikit papunta ng terrace akmang tatalon na sana siya ng biglang may tumulak sa kanya pabalik at nagising si Rosalie .

Nagaway ang dalawang kaluluwa si Angelito at Veronica at kitang kita ito ni Rosalie. Nahuli ni Angelito si Veronica at ikinulong sa isang maliit na itim na baul. At aktong susugod na siya kay Rosalie, nabuhusan siya ni Mesy ng holy water.

Sa pangalan ni Hesuskristo, mananahimik na ang kaluluwa mo alang alang sa pagmamahalan nyo ni Rosalie. sabi ni Mesy. Kasabay nito ng pagbuhos  ng holy water.

Aaaaaahhhhhh.................
sigaw ni angelito na nagaapoy ang kanyang kaluluwa at unti unti itong naglaho.

Pinalabas ni Mesy ang kaluluwa ni Veronica sa maliit na itim na baul. Tuwang tuwa itong niyakap si Mesy, ganoon din si Mesy at nagpasalamat sila sa dios at walang masamang nangyari.

Kinaumagahan, dinalaw nila ang puntod ni Angelito at nagtirik ng kandila si Rosalie. Habang nagdarasal sila ay nagpakita si Angelito kay Mesy  at Veronica. Kulay puti ang awra nito.

Salamat mesy at nakawala ako sa maitim kong budhi na humahadlang para makapasok sa pinto ng langit.

Niyakap nito si Rosalie, pero walang naramdaman si Rosalie.
Ang naramdaman lang niya ay ang paglamig ng hangin na parang may ibinubulong sa kanya.

Salamat mahal ko, kaylan man di ka mabubura sa puso ko dahil di lang ito nakasulat nakabaon pa ito. sabi nito.

MESY THIRD EYEWhere stories live. Discover now