STORY 3

15 0 0
                                    

Tama na friend, wala tayong magagawa hanggang dito na lang ang buhay niya. sabi ni Mesy habang inaalo ang kaibigang si Jane.

Si Jane isa sa malapit na kaibigan ni Mesy. Bagong kasal lang ito kay Ryan at dalawang araw pa lamang silang nagsasama at binawian na ito ng buhay sa di malamang dahilan.

Muling sumilip si Mesy sa ataul.
Pinagmasdan si Ryan sa ataul guapo ito at parang lahat ay per-
pekto. At ng may mapansin siya sa labi nito isang mahabang buhok na kumikinang. Tinitigan niya ito ng husto ng bigla siya nitong hawakan sa kamay.

Tulungan mo ako..........sabi ng patay.

Aaaahhhh! napasigaw si Mesy.
Hinawakan siya ni Jane at tinanong.

Mesy bakit ka napasigaw? tanong ni Jane

Napatingin lang si Mesy kay Jane at tiningnan ulit si Ryan sa ataul, ganon pa rin ang hitsura nito.

Namumutla ka, baka gutom ka maupo ka na lang muna roon. sabi ni jane kay Mesy..

Nanghihinang umupona lang si Mesy at nagtataka sa nangyari sa kanya. Bakit may gintong buhok sa la ini Ryan at humihinge ito ng tulong sa kanya. Paguwi niya sa bahay , kinausap niya ang kaibigang multo ba si Veronica.

Veronica sa palagay mo bakit nanghihinge ng tulong sa akin si Ryan. Nagililusyon lang ba ako? tanong ni Mesy.

Ate Mesy sa aking palagay yong sinasabi mong si Ryan ay hindi talagang si Ryan. sagot ni Veronica.

Diko magets na si Ryan ay di talagang si Ryan. sagot ni Mesy.

Ganito na lang ate Mesy, ang hirap kasing magexplain. Pag nailibing na yong patay, hukayin natin ulit at doon natin malalaman kung yong patay na yon ay patay na talaga

Ikinuwento ni Mesy ang pangitaing nakita niya kay Jane at tinanong kung may kakaibang nangyari, bago mamatay si Ryan.
Wala naman daw nangyaring kakaiba maliban sa may babaeng lumapit at nagpakilala kay Ryan. Isang babae na maganda at may mahabang buhok na pilit na hi- nahawakan ang kamay ni Ryan.
Pagkalibing ni Ryan sikretong hinukay ni Jane at Mesy ang libinganni Ryan at nagulat sila sa nakita sa loob nito.

Isang putol na kahoy sabi nila.

Binalikan nila ang lugar kung saan nagoakilala ang babae at sa tapat pala yon ng isang malaking puno. Lumapit si Mesy sa puno at dinantay ang palad dito.

Nagkaroon ng butas ang puno at lumiwanag sa paningin niya. Nakita niya ang kagandahanng lugar na maiisip mo na isang paraiso.

Napatingin siya sa kaliwang banda nakita niya ang oag kakasiyahan ng mga maliliit na parang lambana. Magaganda at ibat ibang kulay ng pakpak na nagsasabog ng makikinang na kulay.

At sa bandang kanan ay makikita ang malalaking nilalang na nakaupo at naninigarilyo na parang nagpapaligsahanng mga usok.

At sa gitna ay makikita ang mga naggagandahang babae na may mahahabang buhok kulay puti, itim at ginto at isang lalaki na nakatali ang mga kamay ng kadena at parang si Ryan.

Ryan.............pasalitang sabi ni Mesy. Napalingon ang babaeng may ginintuang buhok at biglang nanlisik ang mga mata sabay kumpas sa kanang kamay na nagpasara sa lagusan ng puno.

Nakita mo si Ryan? Nakita mo ang asawa ko? Tanong ni Jane.

Nakita ko siya Jane, nakakadena ang mga kamay niya. Bihag siya ng mga babaeng may mahahabang buhok. At ng mabigkas ko ang pangalan ni Ryan, narinig niya ako. Narinig ako ng babaeng may gintong buhok at nanlisik ang kanyang mga mata, kaya isinara niya ang lagusan. sagot ni Mesy.

Ate Mesy may nakausap akong kapre, wala na raw lagusan ang punong ito. sabi ni Veronica.

Pani yan hindi na natin maililigtas ang asawa ko. hu! hu! umiiyak na sabi ni Jane.

Magtiwala tayo sa diyos Jane. Siya lang ang may karapatang bumawi sa atin, dahil siya ang naglalang sa atin. Ang dapat nating gawin ay manalig sa ating panginoong Hesus. sabi ni Mesy.

Sa tulong ni Veronica at sa kapreng di nakapasok sa lagusan ay nakahanap sila ng bagong lagusan papasok sa ikatlong lupa At naghanda sila sa pagpasok sa lagusan sa isang liblib na lugar na parang kuweba na nakasara.

Pano tayo makakapasok dito e sarado. sabi ni Mesy.

Kailangang patuluiin mo ng dugo mo, bilang kabayaran sa pagbu- bukas ng lagusan. sabi ng kapre.

E bakit si ate Mesy? Ikaw na lang sana, mas marami yata ang dugo mo kaysa kay ate Mesy. sabi ni Veronica.

Mortal lang ang pwedeng magbigay ng dugo. Akina ang kamay mo at ng mabuksan na natin. sabi ng kapre.

Hiniwaan ng kapre ang palad ni Mesy at pinatuluan ng dugo ang bato at bumukas ang lagusan. Namangha sila Mesy at Jane sa nakita. Mga nagkikislapang kristal ginto at diyamante ang makikita sa boung paligid. Naiwan sa labas si Jane at pumasok na ang tatlo.

Saan na ang daan ? tanong ni Mesy. E puro ginto, diyamante at kristal lang ang nandito.

Hinila ng kapre ang isa sa mga kristal at nagkaroon ng tubig sa gitna.

Dito tayo dadaan. sabi ng kapre.

Nagkaroon ng hagdanan at sabay sabay silang bumaba. Noong una ay nilamig si Mesy pero ng nasa ilalim na sila ay parang normal lang siya. At ang kinalabasan nila ay ang lugar ng mga kapre.

Nagulat ang mga kapre ng makita sila Mesy at Veronica. Naipaliwanag naman ito ng kasama nilang kapre kaya binigyan si Mesy ng hari ng mga kapre ng espesyal na sigarilyo. Pagkatapos ay pumunta sila sa mga lambana. Ganon din ang nangyari at binigyan din siya ng parang maliliit na kristal na isasaboy niya sa oras ng kagipitan.

At ng tumuloy na sila Mesy at Veronica sa mga babaeng mahahaba ang buhok. Sinindihan ni Mesy ang sigarilyo at nagpausok nalanghap ito ng mga babae at nakatulog.

Naitakas nila si Ryan na nanghihina at di na kayang tumakbo na nagpabagal sa kanilang pagtakas, kayat nakasalubong nila ang babaeng may gintong buhok.

Nanlisik ang mga mata nito at nagtaasan ang mga buhok para sugurin sila Mesy Ryan at Veronica.

Ate Mesy patay na tayo ngayon. bulong ni Veronica.

Kami na lang ang mamamatay e patay ka na, pero di mangyayari yon. sigaw ni Mesy.

Isinaboy niya sa mukha ng babae ang maliliit na kristal. At napasigaw ito na parang nasusunog sa mga maliliit na kristal. Kaya nagpatuloy ang tatlo sa pagtakas.

Ate Mesy hinahabol tayo ng buhok. Ayan na malapit na sa atin. sigaw ni Veronica.

Nakita nila ang tubig na parang swimming pool.

Talon! sigaw ni Mesy at tumalon ang tatlo. Lumangoy sila hanggang sa makita nila ang hagdanan.

Umakyat sila at nakita ang mga diyamante,kristal at ginto. Nakasara ang lagusan, kumuha si Mesy ng matalas na kristal at sinugatan ang kamay.

Pinadugo ang bato, bumukas ito at lumabas sila at nakita nilang nakasunod pa rin ang gintong buhok. At naipit ito sa pagsara ng lagusan.

Aaah! aaaah ! dinig na dinig nila ang pagsigaw ng babae at ang malakas na ingay na parang inihahagis na mga bagay.

Ryan ! Ryan! ........hu hu hu payakap ni Jane sa asawa na payat na payat.

Ate Mesy naputol yong buhok sabi ni Veronica sabay turo sa gintong buhok.

Dinampot ni Mesy ang naputol na buhok na ginto ng bigla siya nitong sakalin.

Aaaahhhh! sigaw ni Mesy. Agad na tumulong sila Veronica at Jane.Pilit nilang hinihila ang buhok na nasa leeg ni Mesy. Nagdasal si Mesy

Our Father
Who are t in heaven
Hallowed be your name
Thy kingdom come

Bigla na lang jumuwag ang gintong buhok at nahulog at siyay nagapoy ay unti unting nasunog .

Nagyakapan si Mesy at Veronica.

Ate Mesy di na ba makakalabas ang engkantong babaeng yon? tanong ni Veronica.

Sa ngayon di makakalabas yon pero pag nagipon na naman yon ng lakas, baka makalabas yon.
Diyos na lang ang bahala sa kanya . sabi ni Mesy.

Blag! isang malakas na ingay ang narinig nila mula sa kweba at naguunahan sila sa pagtakbo

MESY THIRD EYEWhere stories live. Discover now