STORY 5

16 0 0
                                    

Palabas na ng simbahan si Mesy ng mabangga siya ng isang lalaki.
Nawalan siya ng balanse at napaupo.

Ano ba yan! di ka ba nakatingin? sigaw ni Mesy .

Pasensiya na Miss..........sagot ni Danny, habang inaabot ang kamay ni Mesy.

Pagkaabot ng  ni Mesy sa kamay ni Danny parang nakoryente siya at dumikit ang kamay niya sa kamay ni Danny. At parang nagkaroon ng tv sa paningin ni Mesy. Nakita niya ang lalaking si Danny na bagong lipat. At may babaeng nakatingin dito at abot  tenga ang ngiti.

At ng matutulog na si Danny, katabi nito ang babae at titig na titig. Ng magkaroon ng bisitang babae si Danny binasag nito ang mga baso. Nagtaka sila sa nangyari. At kahit saan magpunta si Danny lagi itong nakasunod.

Miss .... Miss ok ka lang? tanong ni Danny.

Pagdilat niya ang mukha ng babae ang nakatingin sa kanya na nanlilisik at pulang pula ang mata. Kaya napasigaw siya at naitulak ang lalaki.

Aaaaahhhhh! sigaw ni Mesy. Napatingin tuloy ang mga taong nasa paligid nila. Pag tingin ulit ni Mesy sa lalaki ay siya na ulit ang kanyang  nakita.

Miss okey ka ba talaga? tanong nito?

Tumango si  lang si Mesy at sumenyas ng okey na siya. Nag- pakilala ang lalaki at niyaya si Mesy sa malapit na kainan.

Ano bang nangyari sayo at napa- sigaw ka? tanong ni Danny.

Para kasi akong nakoryente ng madikit ang kamay natin at may nakita akong mga picture mo, tapos pagdilat ko mukha ng babaeng nanlilisik at pulang pula mga mata  ang nakita ko. sagot ni Mesy.

Ang weird mo naman, baka naglalakad ka ng gutom. sagot ni Danny.

Siguro nga sagot na lang ni Mesy.

Hatid na kita, baka kung anong mangyari na naman sayo. sabi ni Danny.

Hindi okey lang ako, baka sayo pa ako mapahamak. sagot ni Mesy.

Anong sabi mo? tanong ni Danny.

Ang sabi ko lumipat ka ng bahay, para walang aaligid aligid sayo.
O pano aalis na ako, ingat ka.
sabay tayo ni Mesy at naiwang nagiisip si Danny sa narinig.

Ng nasa dyip na si Mesy, napatingin siya sa katabi niya.
magandang babae na may mahabang buhok. Ng biglang manlisik ang mga mata nito at sinakal siya.

Aaaàaahhhh! sigaw ni Mesy at pagdilat niya ng mata ang babaeng katabi niya. Hawak ang mga kamay niya.

Huwag kang makialam, kung ayaw mong may mangyaring masama sayo.sabi nito.

Shock na shock si Mesy, gusto niyang sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig niya.
At narinig niyang magsalita ulit ang babae.

Miss....miss... anong nangyayari sayo. Kanina ka pa umuungol sabi nito.

Ng makauwi na si Mesy. Nakatulog siya sa sobrang pagod.
Hannggang sa managinip siya.

Nasa bahay siya ni Danny at nakita niyang isang laiaki at babae na magkaakap at nagtatawanan. Ng biglang may kumalabog sa pinto.

Blag!!

Gulat na napatayo ang dalawa at sa takot ng babae, mabilis itong tumakbo  palabas ng bahay.
Galit na galit na sinakal ng bagong dating na babae ang babaeng palabas.

Malandi, kire, mangaagaw ng asawa sigaw nito.

Inawat siya ng lalaki.

Ano ba  Andrea! tigilan mo na yan.sabi ng lalaki.

At ng di siya maawat sinikmuraan siya ng lalaki at binugbog.  Duguan na siya ng tumigil ito at umalis kasama ang babae.

Nagising si Mesy na takot para sa babae at pagtataka kung bakit ito napaginipan.

Isang linggo rin  ang lumipas ,
naglalakad si Mesy ng muntik na siyang mabangga ng motor.
Di niya maiwasang murahin ito dahil sa takot.  Pero ng  mag tanggal na ito ng helmet ay nagulat rin siya  .   Si Danny humi- hinge sa  kanya ng sorry. At niyaya nito sa bahay.

Dahil sa nangyari ay sumama na lang siya kay Danny . Inakala niyang makikita ang multong babae, pero ala naman siyang nakita.

Nagkwentuhan sila ni Danny at pinagmeryenda siya. Nagpaalam siyang mag cr. Sa paghawak niya ng doorknob ng cr, parang hinigop siya sa araw na iyon nakita niya ang lalaki sa mesa. Para  itong nagtatadtad ng karne.

Dahan dahan siyang lumapit at muntik na siyang mapasigaw. Si Andrea ang multong babae ang tinatadtad ng lalaki.

Sukang suka siya sa nakita gusto niyang tumakbo palabas ,pero parang nakadikit ang mga paa niya sa sahig.

Ng matapos ang lalaki sa ginagawa. Inilalagay niya sa timba ang katawang durog ni Andrea at ipinasok sa cr.

Wala sa sariling sumunod si Mesy. Ang attention niya ay nasa
lalaki at ibinuhos nito sa inodoro  ang katawan ni Andrea at ng bumara.. Binomba niya ito ng binomba.

Lumabas ng cr ang lalaki na parang walang nangyari at naiwan si Mesy na nakatulala sa nakita.

Bumaho ang cr amoy naaagnas na katawan ng tao.  Lalabas na sana siya ng may usok na lumabas mula sa inodoro at naghugis babae . Si Andrea.

Gaganti ako, lahat kayo ay papatayin ko ! sabi ni Andrea.
Takot na lalabas si Mesy, habang pinipilit buksan ang pinto pero di niya mabuksan.

At naramdaman niya ang pag- hawak sa paa niya at hinihila siya papasok sa inodoro.

Isasama kita dito sa sa loob para di na ko malungkot.  Hi Hi Hi!!!;!!

Nagsisigaw siya at  narinig yon ni Danny.

Pilit nitong binubuksan ang pinto
hanggang sa sipain na lang niya ito.At di siya makapaniwala sa nakita, hinihila ng babae si Mesy na ang katawan ay nasa loob ng inodoro.

Danny ! tulungan nyo ko! sigaw ni Mesy na nakahawak sa bakal.

Hinila naman ni Danny ang mga paa ni Mesy pero tumatawa lang ang babae.

Hi! Hi! Hi. Hi....................................

Danny iflush mo yong inodoro.
pabulong na sabi ni Mesy.

At ipinaplash ni Danny ang inodoro. Hinigop ang babae kaya nabitawan niya si Mesy.

Lumabas na ng cr ang dalawa.
Ikinuwento lahat ni Mesy kay Danny ang nangyari. Na kung di niya nakita ay di siya maniniwala.

At iisa ang naiisip nila ang tumawag ng pari. Nasa loob na sila ng bahay at nagdarasal papuntang cr ng bigla silang nagulat na parang pagsabog mula sa loob ng cr.

At ng buksan nila ang pinto ay nagkalat ang dumi. Bukod sa mga duming nagkalat ay kumalat din ang mabahong amoy.

Patuloy sila sa pagdarasal at lumitaw si Andrea mula sa tae na tawa ng tawa na pinagbabato sila ng tae.

Kahit na umiilag sila sa dumi, patuloy ang kanilang pagdarasal na lalong ikinagalit ni Andrea na nagpaulan ng maraming dumi.

Ng bendisyonan na ng pari si Andrea ay dahan dahan itong nanghina . Subalit mabilis nitong nahila si Mesy at galit na galit na sinakal ito.

Wag Andrea lalo ka lamang di matatahimik sa gagawin mo.
Pakawalan mo si Mesy at nangangako kami na bibigyan namin ng hustisya ang nangyari sayo.sabi ni Danny.

At pinakawalan ni Andrea si Mesy at binendisyonan na ng pari si Andrea at unti unting nawala si Andrea.

Masayang nagyakapan si Danny at Mesy.

Salamat Danny, salamat sa dios at di tayo pinabayaan. sabi ni Mesy.

Mahal tayo ng diyos at manalig ka sa kanya dahil di niya tayo  pababayaan sabi ng pari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MESY THIRD EYEWhere stories live. Discover now