01

2.9K 52 0
                                    

"Doc? Kamusta po yung lagay ng anak ko?" bungad na tanong sakin ng ginang na s'yang ina ng batang inoperahan ko.

"ok naman na sya di naman ganun kalalim yung natamo nyang sugat mula sa noo nya" nakangiting sabi ko.

"salamat doc" sabi nya sakin bago ako umalis upang pumunta sa doctor's room.

Pag kapasok ko pagod akong umupo sa aking upuan at sumandal sa aking upuan at pumikit. Masyado kasi akong napagod kasi madaming pasente ngayong araw, actually araw araw naman pero iba ngayon eh nasa 5 yung inoperahan ko at lahat yun sunod sunod at wala pa akong pahinga kaya laking pasasalamat ko ng matapos na ang lahat.

"Doctor! Calixta Carlos!" napabalikawas ako ng madinig ko ang boses ni Yna na isa sa kasama ko dito sa doctors room.

"Bakit ba?" bagot na bagot kong sagot sa kanya at tinignan sya ng masama. Eh sa pagod ako eh gusto ko mag pahinga duhhh.

"Wala lang" sabi nya sabay tawa at umupo sa kanyang upuan.

"Srly? Yna? Ginulo mo ko sa pag papahinga ko tas sasabihin mo wala lang? Eh kung batukan kita jan at sabihin ko ding *wala lang*"

Sabi ko at inirapan sya, ngumiti lang ang gaga sa ginawa kong pang irap.

"Dejoke lang yayayain sana kita kumain sure kasi kong di kapa kumakain eh kanina kapa nasa operating room" sabi nya na nakangiti.

Sabagay gutom narin ako, pero mas gusto ko talagang matulog pero nagugutom ako hayyy. Kakain na nga lang muna ako atsaka pag tapos babalik dito para mag pahinga at umuwi para wala ng istorbo.

"Sige tara tutal gutom na din ako eh tas balik tayo dito pag tapos para aayusin ko muna itong mesa ko at uuwi na"

"Wow! Planadong planado ateh ah!"

"Syempre pagod na pagod kaya ako atsaka gusto ko na talagang mag pahinga kaya tara na bago pa mangdilim ang paningin ko at akalain kong kawayan kang nag lalakad" sabi ko na kinairap naman nya.

Nailing nalang ako at nag lakad na kami palabas ng hospital na pinag tratrabahuan namin.

Ilang taon na ang nakalipas pero yung sakit dito sa puso ko hindi parin mawala lalo na pag naaalala ko kung pano nawalan ng buhay ang aking mga magulang.

Si Yna ay kasama ko sa ampunan na lumaki noong mga bata pa kami palagi syang anjan sa tabi ko palagi nya akong sinasamahan kahit hindi ko sya kinakakausap ng mga panahon na yun kasi para sakin lahat ng taong nakapaligid sakin ay sasaktan ako.

Pero iba sya pinaramdam nya sakin na di ako nag iisa at palagi syang andito para sa tabi ko.

Kaya naman di kalaunan naging mag kaibigan kami sabay kumain sabay pumunta ng school at sabay din maligo para na kaming mag kapatid.

Parehas kami nag aral ng medesina kasi gusto naming mapagaling at maalagaan ang mga taong may sakit. Napagtapos kami dahil sa scholarship na natanggap namin.

Kahit doctor na kami nasa may bahay ampunan parin kami na katira kasi para samin dun na ang bahay namin at ang mga madre na kasama namin na silang naging mga ina at ama samin mga batang naging mga mabubuting kapatid samin.

"Ano ang sayo?" napatingin ako kay Yna na may hawak ng menu andito na pala kami di ko manlang napansin.

"Hmmm. Strawberry shortcake atsaka strawberry shake nalang" sabi ko at sinabi nya na yung order namin sa waiter.

"Pag tapos natin dito may duty kapa?" tanong nya habang nag hihintay kami sa order namin.

"Kaya nga nag plano ako diba na mag papahinga kasi wala na akong duty" sabi ko na kinairap ko.

"Ay sanaol ako kasi mamaya pa tapos ko eh"

"Bat anong oras kapa ba?"

"Mamaya pa kong 8 tapos eh"

Tumango nalang ako at di na nag salita dahil dumating na yung order namin at nag simula ng kumain.

After namin kumain bumalik kami sa aming doctors room para maiaayos ko na yung gamit ko at umuwi na nang makapag pahinga na.

"Cali, una na ko ah may duty pa ko eh ingat ka pag uwi" sabi nya na kinalingon ko.

"Oo ingat ka din ah pag uwi mo mamaya"

Sabi ko na kinatango nalang nya. Habang nag aayos ako napatingin ako sa kamay kong may bracelet. Napangiti ako ng lihim kasi naalala ko nanamn sya kahit nanlalabo ang paningin ko nun naaaninag kong gwapo sya at sa tansya ko mas matanda sya sakin ng dalawang taon.

Ilang taon na nakalipas pero kahit minsan di ko manlang sya nakilala o nalaman ang pangalan nya nagising nalang ako na nasa ospital na at may madre na sa harap ko at sinabing dadalhin nila ako sa ampunan pag magaling na ko.

At sinabi din nila na yung batang lalaki daw ang tumulong sakin kaya buhay pa ako ngayon kaya nga gusto ko syang makita at pasalamatan manlang. Pero bigo ako kakahanap sa kanya ayaw nya ata talaga mag pahanap sakin kaya ganun.

Habang papunta ako sa parking lot nakatingin padin ako sa kamay kong may bracelet na galing sa kanya.

"Kung nasan kaman thank you kasi dahil sayo andito pa ako at humihinga sana naman mag kross ang landas natin at makilala kita"

Sabi ko na nakangiti habang ang tingin ay nasa bracelet na suot ko pa din. Kahit nag mumukhang tanga sa harap ng iba wala akong pake basta gusto ko ngumiti bakit ba masama ngumiti duhhh.

Malapit na ako sa sakyan ko ng biglang may bumangga sakin kaya lahat ng lamanNg bag ko nahulog kasi naman tanga ako na nakalimot kong isara ang zipper.

"Ano ba naman kasi yan di manlang tumitingin sa dinadaanan" sabi ko habang pinupulot ang laman ng bag ko.

Matapos kong mapulot lahat atsaka lang ako tumingin sa kanya at makalaglag panty ang gwapo nya shet packbet bat ang gwapo? Yung mga mata nyang grey ilong na matangos makapal na kilay at buhok na itim na itim na nakataas.

"Aray!" angal ko nang pitikin nya yung noo ko.

To be continued....❤❤❤

The CEO's secret [COMPLETE]Where stories live. Discover now