06

1.5K 34 0
                                    

Limang araw na ang nakalipas pero hindi ko pa rin sya nakikita asan na kaya sya anghuling usap kasi namin yung kumain kami sa office nya at yun yung last na kita namin.

"Teka nga bat ko ba sya hinahanapn?" sabi ko sa sarili ko at tinutok ulit yung sarili ko sa ginagawa ko kanina. Nang bumukas yung pinto napatingin ako.

"Madam luch na po kumain na po kayo, yung po kasi anh bilin nya sakin" eto nanamn si casper pumasok lang ata toh para sakin eh ako na ata ang amo nito eh.

Pano ba naman kasi sa loob ng limang araw palagi syang nakasunod sakin at palagi akong pinapaalahanang kumain sa tamang oras keso eto daw utos ni Ashimori.

"Casper? Diba sinabi ko na sayo wag mo na akong tawaging madam Cali nalang" sabi ko at tumayo at kinuha yung wallet at phone ko atsaka inilagay sa bulsa.

Pag labas ko nakasunod padin sya sakin. Ang kulit nya talaga ilang beses ko nang sinabi na wag na akong susundan or bantayan pero dedma lang ang ganda ko kasi di pa din nya pinapakinggan mga sinasabi ko.

"Hmm? Casper? Si Ashimori? Kailan sya babalik? Atsaka bakit ikaw andito bindi nya kasama" sabi ko atsaka umupo at sinumulan kainin yung mga niorder namin.

"Hindi ko po alam kung kailan syababalik at ang sagot naman po sa isa yung tanong andito po ako kasi eto ang utos nya" sabi nya at bumalik sa pag kain. Nahihiwagaan talaga ako sa mag among toh.

"Casper? Umamin ka nga robot kaba?" sabi ko na ikinaubo nya kaya inabutan ko sya ng tubig at lumapit sa likod nya para himasin yun.

"Ano banaman yang Casper tatanong lang eh nakakamatay ba ang tanong ko at nabilaukan ka?" sabi ko at hinihimas pa din yung likod nya.

"Hindi po sa ganun nakakagulat lang po ang iyong tanong" sabi nya at tumayo na ng tuwid at nakatingin sa likod ko ako naman na dakilang may kuryusidad na talaga tinignan ko yung tinitignan nya.

Nanlaki yung mga magaganda kong mata nang mapagtantong si Ashimori iyo na napakadilim ng mukha. At walang ano ano lumapit samin at sinuntok si Casper.

"Gosh!" sabi ko at nakahawak pa sa bibig ko dahil sa pag ka gulat.

"Hala? Ok kalang Casper?" sabi ko at nilapitan sya para sana tulungan pero bago pa ako makalapit sa kanya hinila na ako ni Ashimori.

"Teka nga lang bat ba sinusuntok mo yung tao? Wala namang ginagawa yun sayo na masama ah" sabi ko na ikinatigil nya at tinignan ako nang masama. Guys seryoso kung noon nakakatakot na sya kasi walang reaksyon yung mukha nya ngayon sobrang nakakatakot talaga sya ngayon ko lang sya nakitang ganito nakakatakot.

"Anong relasyon nyo?" sabi nya na ikinasalubong ng kilay ko.

"Huh? Pinag sasabi mo?" sabi ko na naguguluhan padin.

"Wag mo nga akong ginagago Calixta kitang kita ko kung pano mo haplusin yung likod nya" sabi nya sa seryosong boses padin actually palagi naman syang seryoso.

"Hinimas lang yung likod kailangan may relasyon agad? Diba pwedeng nabulunan sya kaya ganun" sabi ko na kinakaliwalas ng mukha nya pero wala pa ding emosyong makikita sa mukha nya.

"Teka nga? Asan kaba galing? At limang araw ka nawala?" sabi ko na ikinangiti nya bipolar talaga sya nu.

"Bakit? Miss mo ko?" sabi nya sakin atsaka ako hinapit sa bewang ko. Hindi ko alam pero sa tuwing malapit sya sakin bumibilis ang tibok ng puso ko imposibleng mahal ko na sya nu ang bilis naman kung ganun baka dahil crush ko sya kaya ganun oo tama ganun nga crush lang hindi mahal.

"Ay crush!" Sabi ko ng bigla nyang pitikin ang noo ko.

Nanlaki ang mga magaganda kong mata ng marealize ko kung ano yung nasabi ko kaya napatakip ako ng bibig ko.

The CEO's secret [COMPLETE]Where stories live. Discover now