12

1.4K 39 1
                                    

Chapter 12

Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Nasan ba ko? Tanong ko sa sarili ko muli akong pumikit atsaka inimulat muli ang aking mga mata.

"Gising kana pala, kamusta ang lagay mo?" napatingin ako sa nag salita.

Si Yna habang inaayos ang mga dala dala nyang prutas. At dun ko lang naalala lahat nang nangyari.

"Yung Papa ni Ashimori? Kamusta na?" tanong ko habang pinipilit na umupo.

"Ano kaba Cali wag ka nga munang gumalaw baka mapano ka" saway nya sakin habang tinutulungan ako makaupo.

"Nasa ICU yung papa ni Ashimori kaya wag kana mag alala sinabi naman ng doctor na magiging maayos din ang lahat eh."

Pag katapos nyang sabihin yun natahimik ang buong silid wala na ulit nag salita pa sa aamin. Maya maya pa pumasok si Mother Linda at kasunod nya si Casper.

"Kamusta na ang pakiramdam mo Hija?" bungad nya sakin na kinangiti ko lang. Habang si Casper ay tinignan lang ako atsaka nag iwas ng tingin.

Bakit sila ganito? Wala ba talagang mag sasabi sakin ng totoo na mag papalinaw sa utak ko bakit parang wala lang sa kanila yung mga nadinig at nakita ko na alam nila ang totoong kuwento sa mga likod nun.

"HAYYYYY. wala ba talaga kayong balak sabihin sakin kung anong mga nalalaman nyo? Nang sa ganun maginhawaan naman itong utak ko" tanong ko sa kanila atsaka ko sila tinignan isa isa.

"Sorry" panimula ni Yna atsaka sya lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit atsaka sya nag simulang umiiyak.

Hinayaan ko lang sya munang umiyak hanggang sa maging ok na sya. Humiwalay sya sakin atsaka ako tinignan sa aking mga mata.

"Sorry Cali kung nag tago ako ng sikreto sayo ah. Sorry kung di ako naging tunay sayo hindi ko naman entensyong gawin yun eh kasi para na kitang kapatid pero Cali maniwala ka yun lang yung paraan para mailayo ka sa pakay ni Papa sayo"

"Papa? Anong ibig mong sabihin?" kung tama ang pag kakaintindi ko sa na dinig ko.

"Oo Cali kuya ko si Ashimori kuya ko sya sa Ama. At ang aking Mama ay si" tumigil muna sya atsaka tumayo at lumapit kay Mother Linda.

"Si Mother Linda sya yung Mama ko"

"Ano? P-pa-pano?" Naguguluhan kong tanong s kanila.

"Panahon na para malaman mo kung sino talaga ako sa buhay mo ija." naguguluhan akong tumingin kay Mother Linda na ngayon ay nakaupo na sa kinauupuan kanina ni Yna.

"Matagal na akong may gusto kay Leandro sa Papa ni Ashimori pero sa kasamaang palad di nya ako gusto mag kakaibigan kami noon ng mama mo at ng mama ni Ashimori. Nang malaman kong ikakasal na ang Mama at Papa ni Ashimori napagdesisyon kong pumasok nalamang sa kumbento. At makalipas ng ilang taon lumabas ako ng kumbento para sana bumisita sa kanila pero ganun nalang ang gulat ko sa nangyari na inilayo ng Papa mo ang mag ina ni Leandro na kinasiklab ng galit sa puso nya. Nang araw na din na yun nalaman ko na kasali sila sa organisasyon. Na si Marco gustong sirain ang pag kakaibigan ng dalawa at ang Tatay mo Cali na silaw sa mga mabubulaklak na sinasabi ni Marco sa kanya. Nung araw na din na yun di ko maiwanan mag isa si Leandro kaya naman sinamahan ko sya at di ko akalain na may mang yayari samin." tumigil muna sya sa pag sasalita atsaka bumuntong hininga.

"Nung araw na yun nag sisisi ako dahil isa akong Madre pero ibinigay ko sa isang lalaki ang puri ko na hindi naman ako mamahalin na kahit kailan. Nang malaman sa kumbento na buntis ako nagalit sila sakin dahil nga sa Madre ako pero anong ginawa ko. Katagalan na tanggap naman na nila at araw araw ako humihingi ng kapatawaran sa itaas. Nangmalaman kong pinatay ng Ama mo ang Ina ni Ashimori lumabas ulit ako ng kumbeto at sinabi kay Leandro na may anak kami akala ko noon magiging masaya sya pero hindi pala. Dahil mas mahal nya talaga ang Ina ni Ashimori kesa sakin at sa anak nyang si Yna. Kaya lumayo nalang kami sa kanya at dun sa ampunan kami nanirahan sinabi ko lahat kay Yna noong nag kakaisip na sya. At nung araw na gumati si Leandro sa pamilya mo yun din ang araw na lumapit samin si Ashimori na kunin ka at itago sa Ama nya di ko alam pano nalaman ni Ashimori ang tungkol samin ni Yna pero kahit ganun sinunod ko ang gusto nya naalagaan at bantayan ka sa kamay ni Leandro."

Pag tapos ko makinig sa lahat ng ikinuwento ni Mother Linda niyakap ko sya ng mahigpit at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

"Salamat po maraming salamat po Mother Linda na kaya nyo po pala itinago lahat sakin kasi una palang gusto nyo na akong protektahan." umiiyak na sabi ko.

"Wag ka sakin mag pasalamt ija sinunod ko lang ang utos ni Ashimori sakin sya ang dapat mong pasalamatan kasi sya ang gumawa nito para sayo" nakangiting sabi nya sakin.

"So pano ba yan Cali? Di kana galit sakin or samin ah" napabaling naman ako kay Yna na nakatingin lang samin.

"Ano kaba Yna di ako galit nu ang gusto ko lang naman kasi talaga is malinawan ang mga gumugulo sa utak ko. Salamat sa inyo" sabi ko atsaka sya lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit din.

"Sakin Miss. Cali di mo ko papasalamatan?" napabaling naman ako kay Casper na kanina pa nakikinig samin.

"Huh?" naguguluhang tanong ko.

"Cali sya kasi yung bantay mo noon pa mula ng tumuntong na tayo ng collage lagi na syang nakasunod sayo kasi utos ni kuya" nakangiting wika ni Yna. Bigla akong may naalala noong collage pa ako.

"Wag mong sabihin na ikaw yung nag drive ng kotse na muntik nang ikamatay ng mga lalaking lasing na pinag tripan ako?" tanong ko sa kanya na kinatango nya.

"YIEEEEE. SALAMAT CASPERRR" masayang sabi ko at di ko alam na nakalapit na pala ako sa kanya atsaka sya niyakap ng mahigpit.

"Ayoko pang mamatay Miss. Cali eh" naguguluhan ko syang tinignan.

"Huh?" sabi ko habang yung mga kamay ko eh nakapatong pa din sa balikat nya.

"Casper tara na baka pag lamayan kanalang bigla eh" sabi ni Yna samin nakinatingin ko sa gawi nila at dun ko lang napagtanto na andito pala si Ashimori.

Di ko alam pero bigla nalang akong napalayo kay Casper atsaka sya nginitian na alanganin.

"Sa labas muna kami kuya ah kausapin mo na muna si Cali" sabi ni Yna habang hila hila si Casper na di makatingin kay Ashimori na masama ang tingin sa kanya, sakin?

"Oh sya sa labas na muna kami para naman makapag usap kayo" sabi naman ni Mother Linda.

Pag labas nila sa kwarto ko atsaka sya lumakad sakin papalapit atsaka kinuha ang kamay ko at pinunasan ng panyo nya.

"Masyadong madumi eh" sabi nya at seryoso ang mukha habang pinupunasan parin yung kamay at braso ko.

"Sorry" bigla kong sabi sa kanya na ikinatigil nya saglit atsaka ako tinignan tapos ay bumalik sa kanyang ginagawa.

"Mag pahinga kana baka bumalik nanamn yung taas ng lagnat mo" sabi nya habang hila hila ako pa puntang kama ko.

"Bakit tinulungan mo ko? Bakit di mo nagawang magalit sakin?" tanong ko sa kanya pag ka higa ko sa kama ko.

"Why would i? Dahil ang ama mo ang bumaril sa mama ko"

Yumuko ako sabay tango. Nagulat ako ng bigla syang lumapit sakin atsaka itinaas ang ulo ko patingin sa kanya.

"Bat di ko magawang magalit sayo? Simple lang kasi meron akong ikaw na alam kong sa sarili ko na di ko kayang wala ka" sabi nya sakin na kinagulat ko.

"Pero hindi tayo pwede, kasi pag balik baliktarin man ang mundo ako padin ang anak ng taong bumaril sa mama mo" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya.

Nakikita ko sa mga mata nya ang lungkot pero agad na wala yun. Atsaka ako tinignan sa mata.

"Just because the past is painful doesn't mean the future will be." sabi nya na kinagulat ko.

"Pero-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nyang ilapit ang labi nya sa labi ko.

"Shhhh. Just love me back the way i love you" atsaka ako ulit hinalikan.

Di ko alam pero ang swerte ko na kahit ang laki ng kasalanan ng Ama ko sa kanya na gagawa nya pa din akong mahalin na parang walang masakit na nakaraan.

❤❤❤❤❤

To be continued.😊

The CEO's secret [COMPLETE]Where stories live. Discover now