04

1.7K 35 0
                                    

Hindi ako nakatulog nang maayos kada pipikit ako naaalala ko yung mga nangyayari kanina sa tuwing palalim naman na ang pag kakatulog ko nagigising agad ako dahil sumasagi sya sa isip ko.

Kaya ang ending tulog manok ang nagawa. Malaking palaisipan padin kung ano ang koneksyon nilang dalawa sa isa't isa maaari din kilala ni mother linda si Ashimori kasi yung kasamang lalaki ni Ashimori nung nag kabangaan kami andun din sya.

So meaning yung lalaking yun ay body guard ni Ashimori pero bakit sila mag kakilala ni mother Linda?

Haayyy nakakabaliw ginulo ko yung buhok ko at tinignan ang orasan sa bedside table ko 5 na pala ng umaga kaya naman napag pasyahan ko ng tumayo at maligo napag pasyahan ko din na ako nalang ang mag luto.

Ililibang ko nalang ang sarili ko kesa pairalin nanamn ang kuryusidad ko may tamang panahon para sa kuryusidad ko tama.

Habang pababa ako ng hagdag papunta sa kusina. Di ko alam kung bakit ako biglang kinabahan at wala sa sariling napatingin sa pinto na ngayon ay bukas ng kaunti.

"Hindi ba na isara kagabi ito ni Mother Linda at nakabukas ngayon" kausap ko sa sarili ko at lumapit sa pinto upang isara iyon.

Isasara ko na sana ang pinto ng may mapansin akong mga anino papunta sa garden. Ako naman itong di baliw na umatake nanaman ang pag kakuryusidad lumabas at sinundan ang mga aninong yun.

Nang makapunta ako kung saan galing ang mga anino na nakita ko laking gulat ko kasi wala naman na sila.

"Di kaya? Multo yun? Or baka namalik mata lang ako" kausap ko ulit sa sarili ko at umiling.

Luminga pa ako sa paligid baka sakaling meron pang mga taong andun pero wala talaga kaya napag pasyahan ko nalang bumalik sa loob. Isasara ko na sana ang pinto ng biglang pumasok si Yna na hingal na hingal.

"Oh Yna bat hinihingal ka? Bat parang pagod na pagod ka din?" takang tanong ko sa kanya at tinignan sya mula ulo hanggang paa.

"Ah eh kasi nag jogging ako. Oo tama nag jogging ako kaya hinihingal ako" nakangiting sabi nya pero alam ko namang pilit yun.

"ikaw? Bat gising kana atsaka anong ginagawa mo dito sa harap ng pinto?" tanong nya sakin atsaka sya nag lakad papuntang kusina at kumuha ng tubig.

"Ah kasi naisip kong mag luto tas napansin kong nakaawang yung pinto kaya tinignan ko baka kung ano nang meron sa labas" sabi ko sa kanya na tinignan ulit sya mula ulo hanggang paa.

"Bat nanginginig ka Yna? Di naman malamig ang panahon ah" sabi ko ng mapansin ko ang panginginig nya sa pag kaka hawak ng baso.

"Ah syempre napagod ako kakajogging nukaba. Oh sya akyat na ako ah at mag papalit na ko ng damit" sabi nya at tumango nalang ako.

Seryoso ba syang nag jogging sya? Eh hindi naman sya na kapang jogging na suot eh sa halip nakapang tulog sya tas gulo gulo pa yung buhok nya napansin ko pa nga sa mukha nya na meron syang dugo sa labi nya eh. Yun ba ang sinasabi nyang nag jogging sya.

Hayyy una si Mother Linda at yung lalaking kasama ni Ashimori tas ngayon naman mga anino at si Yna na tingin ko nag sisinungaling.

Napailing nalang ako at napag pasyahan nang mag luto. Mabilis lumipas ang oras at nagising na ang lahat kaya naman napag pasyahan na naming kumain ng sabay sabay.

Habang kumakain kami naiisip ko nanamn yung sinabi kanina ni Yna sakin kaya di ko mapigilan mag tanong.

"Yna? Bat nga pala may sugat yung gilid ng labi mo kanina? Atsaka akala ko ba nag jogging ka? Eh nakapan tulog ka naman nun eh" sabi ko na ikinagulat nya pati na din ni Mother Linda at nang iba pang madreng andito.

"Ah baliw ganun talaga ako mag jogging nakapantulog, atsaka itong sugat sa gilid ng labi ko nasubsub ako kanina habang pabalik na dito sa bahay ampunan lam mo na tanga" sabi nya atsaka tumawa nanamn ng pilit.

Tumango nalang ako atsaka ngumiti. May mali talaga eh may mali dito kailangan ko malaman kung ano yun pero pano ko uumpisahan nakakabaliw namannn.

Katulad ng nakasanayan ako na ulit ang nag hugas tutal mamayang 10 panaman ang pasok ko sa hospital habang nag huhugas ako lumapit sakin si Mother linda.

"Cali ija? Pwede ba kita makausap saglit" sabi nya naikinalingon ko

"Opo naman po tungkol po ba saan?" sabi ko at mabilis na tinapos ang pag banlaw sa nag iisang plato.

"Tungkol sa kagabi may nadinig kaba?" sabi nya sa seryosong boses.

"Kagabi po?" kunyare ay di ko alam ang sinasabi nya.

"Kagabi ba? May nadinig ka ba? Matagal kabang nakatayo doon?" seryoso pading sabi nya ngayon ko lang sya nakitang seryoso ng ganito.

"Ah wala po akong nadinig Mother Linda napadaan lang po ako kasi galing akong labas para itapon yung mga basura" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ah ganun ba oh sya sige mag asikaso kana at alam kong may pasok kapa" sabi nya na bumalik sa dating maamong mukha.

"Bakit po Mother Linda may dapat po ba akong malaman? O madinig?" di ko mapigilan itanong sa kanya.

"Wala iyon ija ang mabuti pa wag mong idaan sa kuryusidad mo ang lahat" sabi nya at tumalikod sa akin di pa man sya nakakalayo nag salita ulit sya.

"Wag mong pairalin ang ganuong sitwasyon baka kasi malagay sa wala ang lahat ng pinag hirapan nya" sabi nya at tuluyan ng umalis.

Naiwan naman akong gulong gulo. Ano ba talaga ang nangyayari hindi ko na maintindihan.

❤❤❤❤❤

Habang nag lalakad ako papasok sa hospital nakita ko sa di kalayuan yung body guard ni Ashimori kaya naman sa di pag dadalawang isip nilapitan ko sya.

"Sino ka? Bat ka andun sa bahay ampunan at bat mo kilala si Mother Linda?" tanong ko agad nang makalapit ako sa kanya. Akala ko magugulat sya pero di nag bago ang reaksyon sa mukha nya wala pa din iyong reaksyon.

"Tinatanong kita bat andun ka anong ginagawa mo dun bakit-" di ko natapos ang sasabihin ko ng may mag salita sa likod ko.

" Kung ako ikaw hindi ko na aalamin kung bakit" tinignan ko yung nag salitang mag nanakaw ng halik at tinignan sya ng masama pero tulad ng dati wala paring makikita sa reaksyon nya.

"At bat ko naman gagawin yun?" nakataas na kilay na sagot ko pero nilag pasan nya lang ako at nag lakad na syang sinundan nung lalaking kausap ko kanina.

Kailangan ko malaman kung bakit anong koneksyon nila sa isat isa andito na ko so wala ng atrasan toh.

"Teka Ashimori" habol ko sa kanya at lumapit sa harap nya.

"ikaw? Kilala mo ba si Mother Linda? Bakit nakita ko yang body guard kagabi sa bahay ampunan" sabi ko pero tulad kanina di nya ako pinansin at ng lakad ulit pero di pa pa sya nakakalayo nag salita ulit sya.

"Pls Calixta wag mong pairalin ang katigasan ng ulo mo ayokong mauwi sa lahat sa wala kaya pwede ba lumayo ka sa pagiging makakuryusidad mo" sabi nya at tuluyan na silang umalis.

Ano ba talagang meron bakit ganito bakit ang lakas ng kabog ng puso may nag sasabi sakin na alamin ko ang totoo meron din naman nag sasabi sakin na manahimik nalang at wag nang alamin kung may dapat nga ba akong malaman.

Sa pag lalakad ko di ko nakitang may tao pala akong makakasalubong at nag kabanggaan kami.

Nang mapulot ko na ang mga gamit kong nahulog sa sahig tinignan ko yung lalaking medjo may edad na at nakasalamin na may tungkod at may suot na sumbrero.

"Sorry po sir hindi ko po inasadya" sabi ko sa magalang na boses at yumuko para bigyan sya lalo ng galang.

"Sa susunod ija wag mo nang pairalin ang kuryusidad mo dahil sa oras malaman mo ikawawasak mo ito" sabi nya at umalis na kasama ang mga tauhan nyang nakapalibot sa kanya.

Ano ba talagang nangyayari? Bakit puro sila ganun ang sinasabi? May dapat ba talaga akong malaman? Na dapat di ko na subukan tuklasin para di ko ikawasak? Pero ano yun bakit ganito? Bakit parang sinasabi sakin na kailangan kong malaman kung ano man yun. Bakit?

To be continued... ❤❤❤❤

The CEO's secret [COMPLETE]Where stories live. Discover now