09

1.4K 25 0
                                    

Chapter 09

"So girl anong nangyari? Bat di ka umuwi dito kahapon hmm?" bungad sakin ni Yna nang makapasok ako ng loob ng ampunan.

"Hmm? Mahabang kuwento eh" alanganin akong ngumiti sa kanya.

"Edi mag simulan mo na mag kuwento nang matapos na jusko" naiiritang sabi nya sakin.

Di nya ako titigilan kung di ko pa sisimulan mag kuwento kaya kinuwento ko lahat sa kanya lahat lahat maski yung sa nakita kong pag baril ni Ashimori maski sa panaginip ko at maski sa ama nya at sa mga nadinig kong pag uusap nila.

"Nadinig mo lahat nang yun?" di makapaniwalang sabi nya sakin.

"Oo nag tataka nga ako kung sino yung Carlos na tinutukoy nila eh. Atsaka yung panaginip ko Yna parang totoong nangyari sakin yun pero di ko maalala lahat feeling ko meron pa akong di nalalaman eh" mahabang lintaya ko sa kanya.

"Kung ano man yang nalaman at nakita mo pls sana naman wag kang lalayo at wag kang makikinig sa iba tanging kay Ashimori lang pls Calixta" naguguluhang tinignan ko si Yna.

Anong ibig sabihin nya sa mga sinasabi nya may kinalaman ba sya? Kung meron ano? At bakit di nya sinabi sakin kung ano man yun

"Anong sinasabi mo Yna? Umamin ka nga? May alam kaba na di ko alam?"

"Kung ano man ang nalalaman ko Calixta sakin nalang yun ang masasabi ko lang na sana  kung malaman mo man lahat di mo ko ituring parang kaaway kasi cali para na kitang kapatid kaya pls kung ano man malalaman mo tangin si Ashimori lang ang papakinggan mo" sabi nya habang nakahawak sa kamay ko.

After nang pag uusap namin ni Yna umalis na sya sa kuwarto ko. Iniisip ko pa din yung mga sinasabi nya sakin.

"HAYYYYYSS NAKAKABALIW" nababaliw na sigaw ko atsaka ako pabagsak na humiga sa kama.

Di ko namalayan na katulog na pala ako at nagising ako umaga na kaya naman nag ayos na ako para pumasok sa hospital.

Pag ka baba ko nakita ko si Mother Linda na may kausap na lalaki at di ako pwede mag kamali kasi sya yung papa ni Ashimori anong ginagawa nya dito.

Nag tago muna ako kasi nag uusap pa sila di ko medyo madinig ang pinag uusapan nila basta ang nadinig ko lang ay ang pangalan ko na binanggit ng ama ni Ashimori.

Nang makaalis na ang Ama ni Ashimori atsaka lang sya lumabas sa pinag tataguan nya at normal na binati nya si Mother Linda atsaka lumabas ng ampunan.

Di ko alam kung anong nag udyok sakin para sundan ang sasakyan ng Ama ni Ashimori.

Sinundan ko ito hanggang sa makarating kami sa medyo mapunong lugar na tandang tanda ko pa dito, dito nang yari yung araw kung saan namatay ang mama at papa ko.

Nagulat ako ng may kumatok sa bintana ng sasakyan ko atsaka marahas na binuksan iyon atsaka ako hinila palabas.

"Teka anong ginagawa nyo?" natatarantang sabi ko.

"Calixta, Calixta" napalingon sya sa lalaking tumawag sa pangalan nya.

"Sino ka?" kinakabahang tanong nya.

Di ko makita yung buong mukha nya pero malakas ang kutob ko na ito ang Ama ni Ashimori dahil sa tungkod nito at sumbrero na palantandaan na sya din yung lalaki sa hospital na nabangga ko.

"Di mo ako matandaan?" tanong nya sakin na ikinakaba ko lalo.

"Siguro nga panahon na para malaman mo ang totoo ang totoong nangyari sa pag kamatay ng magulang mo" sabi nya sakin habang unting unting inaangat ang kanyang ulo.

The CEO's secret [COMPLETE]Where stories live. Discover now