03

58 2 0
                                    

Chapter 03 | Being a Saavedra

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 03 | Being a Saavedra

• • •


*Kaye's POV

I woke up with the sound of my alarm clock beside my bed. Pinatay ko ito at agad agad na bumangon.

Naligo na ako, nagtoothbrush at nagbihis. I wore my school uniform and put my lip gloss on.

Agad naman na akong bumaba sa dining room. Nilagpasan ko ang lamesa pero bigla akong tinawag kaya napahinto ako.

"Hindi ka ba mag aalmusal, Kaye?" tanong saakin ni Lolo.

Humarap naman ako sakanya na siyang nakaupo sa dining table. Nginitian ko ito at lumapit ako para halikan sa pisngi.

"Hindi na po lolo. I'll just take this." sagot ko sabay kuha ng apple sa lamesa.

"Umupo ka." utos ni Lolo saakin.

"Lo, kelangan ko na pon--."

"Kelangan ko pa bang ulitin ang sarili ko?" kalmado pero seryosong tanong saakin ni Lolo at tumingin ito saakin.

Wala na akong nagawa. Ibinalik ko ang apple sa lamesa at umupo na din ako.

Nagstart ng kumain si Lolo habang ako nakatitig lang sa lamesa. I don't really eat breakfast. Minsan lang, and wala ako sa mood kumain ng breakfast ngayon.

"Kumain ka." sambit nito at tumigil ito sa pagkain.

Tumingin ako kay Lolo sabay sabing "I'm not really that hungry, Lo."

"Hindi ka makakapag aral ng maayos. How can you excel in class with an empty stomach?" tanong nito saakin, at muli ay kumain ito.

Here we go again with the excel talk. Hindi man lang ako kinamusta. Pinapakain ako, hindi dahil masama sa kalusugan ang walang kain kundi dahil hindi ako makakapag excel pag gutom. Gets niyo ba yung logic? Sana gets niyo.

"Do we really have to do this now? I'm running late na, Lolo." pagrarason ko.

Well, okay. I'm lying. I still have an hour and walking distance lang ang school mula dito sa bahay.

"Atleast take the apple with you." sabi nito na siyang hudyat na pinapayagan na akong umalis.

Dali dali akong tumayo at kinuha ang isang apple.

Naglakad na ako papuntang pinto nang mapatigil ako. I opened my phone and sent a message:


To: Hon

Three FingersWhere stories live. Discover now