07

40 1 0
                                    

Chapter 07 | Caught in the act!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 07 | Caught in the act!

• • •

The next morning, hindi pa din ako matahimik sa nakita ko kahapon. I know hindi ko siya dapat paghinalaan. Pero, maiintindihan ko pa kung nagsabi siya ng totoo eh. Bakit kelangan niya magsinungaling saakin?


Magkasama kami ngayong dalawa sa canteen. Kaming dalawa lang dahil may inaasikaso ata yung tatlo.

Nagdecide akong iconfront siya habang naglalunch kami.

"Are you cheating on me?" bigla kong tanong kaya muntik na siyang mabilaukan.

"Nagjojoke ka ba?" natatawa nitong tanong.

Akala niya ata nagbibiro ako eh, so tumingin ako ng diretso sakanya. Seryoso ko itong tinitigan at maya maya ay na gets na niya.

Padabog niyang binitawan ang kutsara't tinidor.

"Seryoso ka, Nick? Habang kumakain talaga? Pwede namang mamaya mo itanong yan diba?" badtrip na tanong nito saakin.

Ang sakit. Kumakabog na dibdib ko. Nagalit siya. Ginalit ko siya.

"It's just that... yesterday.. nung tinawagan kita. Nakita kasi kitang naglalakad. Pero sabi mo sakin nanonood ka." malungkot na sabi ko sakanya.

"Oh? Nakita mo naman pala akong naglalakad eh, bakit kelangan mo pa akong tawagan?" badtrip pa rin na tanong nito saakin.

"The thing is, you lied to me. Sabi mo nanonood ka, pero may pinuntahan ka pala." paglilinaw ko dito.

"Tsk. Ano bang gusto mo, Nick? Maayos naman tayo ah." pagalit na saad nito.

Maayos KA. Hindi ako, hindi tayo. Ikaw lang.

"Masyado ka na kasing busy. Dagdag mo pa yung nakita ko kahapon."mahinahon kong pagpapaliwanag.

"Tsk. Hindi ako makapaniwala sa'yo, Monique. Anong gusto mo? Sa'yo lang ako? Syempre may mundo din ako. May buhay din ako bukod sa'yo." pagalit na nitong pagpapaliwanag.

Hindi na ako nakasagot. Alam ko na hindi ko dapat hilingin na saakin lang siya magfocus, kasi tama naman siya eh. May mga bagay din siyang inaasikaso bukod sa relasyon namin.

"Nawalan na ako ng gana. Pag isipan mo yang ibinibintang mo sakin." galit na sabi nito sabay tayo. Kinuha nito ang kanyang mga gamit at umalis.

At ito ako, naiwan. Mag isa. Sa Canteen. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Sobrang laking chismis nanaman nito.

Nanliit ako sa sarili ko. Awang awa ako sa sarili ko.


Three FingersWhere stories live. Discover now