09

29 0 0
                                    

Chapter 09 | Fuck Everyone Else

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Chapter 09 | Fuck Everyone Else

• • •

So, we separated ways kasi magpapaalam kami sa kanya kanyang magulang namin. Ipapaalam ni Kaye na kung pwede kami patulugin sa bahay nila for "research" purposes. They have 2 houses btw. One is yung sa lolo niya, and the other one is yung sa tita niya. Dun kami sa bahay ng tita niya iinom at matutulog.

"Good afternoon, Lolo." bati ko kay Lolo na abalang naglalaro ng solitaire sakanyang lamesa sa may sala.

Lumapit ako dito at nagbless.

"Good afternoon, apo. Kamusta school?" tanong saakin ni Lolo.

Kamusta? Lo, sinaktan nila ako. Lo, pinaikot nila ako. Kung pwede ko lang isumbong lahat sa'yo eh. Kaso ayoko. Mas gusto ko na lang sarilihin ang problema ko.

"Okay naman po, Lo." nakangiting sagot ko dito.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko para magbihis. Nag ayos ako, para naman mukha akong presentable pag nakita ako ng pamilya ni Kaye.

Inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko, pati ang school bag at uniforms ko, kasama na rin ang pantulog ko. Text na lang ni Kaye ang inaantay ko at ready to go na ako.

Habang nakaupo ako sa kama at nag aantay, biglang pumasok si Mama. Tumingin ako sakanya at nginitian niya ako kaya ngumiti ako pabalik.

Umupo ito sa tabi ko. Nakangiti lamang ito habang hinahaplos ang buhok ko.

"What's wrong?" tanong saakin ni Mama.

"There's nothing wrong, Ma." pagdedeny ko dito at umakto ako na parang ayos lang ako.

Tinitigan niya ako na parang hindi siya naniniwala sa sagot ko.

I chuckled.

"Wala nga, Ma." natatawang paglilinaw ko.

Tinuro niya ang salamin sa kwarto ko.

"Pumasok kasi ako dito kanina, at napansin ko na wala na mga litrato niyo ni Fred sa gilid ng salamin. Nakita ko na lang sa basurahan." sabi ni Mama saakin, na siyang nagtanggal ng ngiti sa labi ko.

"Ano kasi ma, ang childish pala ng ganon." pagrarason ko sakanya.

Ni hindi ako makatingin ng diretso kay Mama.

"Kaya ba ginupitan mo buhok mo?" dagdag na tanong nito saakin.

Napatingin ako sakanya sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam sasabihin ko. Gusto ko magsinungaling, gusto ko lusutan. Kasi just like what I said, mas gusto kong sinasarili ang problema ko kesa ishare sa pamilya ko

Three FingersTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang