08

36 1 0
                                    

Chapter 08 | The Painful Truth

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 08 | The Painful Truth

• • •


Umuwi akong umiiyak, nasasaktan tuwing iniisip yung mga nadiskubre ko.

Dumire diretso ako sa loob ng kwarto ko, padabog na isinara ang pinto sabay lock dito. Umiiyak akong umupo sa kama.

Galit na galit ako. Hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil nasaktan ako, o umiiyak ako dahil sobra yung galit ko. Pwede ding pareho.

Sobrang lalim ng iniisip ko. Hindi ko na alam kung sinong natitirang kakampi ko. Yung mga taong inakala kong kakampi at kaibigan ko, niloloko lang pala ako. Kaya pala grabe nila pagtakpan si Fred tuwing wala siya at tuwing pinaghihinalaan ko siya. Nakakatulog pa sila ng mahimbing knowing na may niloloko at pinapaikot sila.

Tumingin ako sa paligid ng kwarto ko. Nakita ko ang mga litrato namin ni Fred na magkasama na nakadikit sa gilid ng  salamin. Nakakasuka.

Dali dali akong tumayo at isa isa kong pinagtatanggal ang mga ito. Nang matapos kong makuha ang lahat ng ito, pinunit ko ang mga ito. Sobrang galit ako. Ang sakit.

Nahagip ng mga mata ko ang gunting sa ibabaw ng study table ko. Tinitigan ko ito ng masama. Maya maya ay kinuha ko ito. Iniangat, at nanlilisik na tinitigan. Galit na galit ko itong hinawakan.


• • •


*Kaye's POV

The next morning...

"Goodmorning!" bati saakin ni Ivan na nanggaling sa likudan ko.

Right, ano nanaman bang kelangan nito?

Umupo ito sa tabi ko na nakangiti. Halata sa pagmumukha ko ang pagkadismaya. Matalik ko namang kaibigan si Ivan, pero galit pa din ako sakanya dahil sinabi niya kay Mrs. Sarmiento yung tungkol kay Monique.

Andito ako ngayon sa English Park. Fina finalize ang project namin ni Ivan while waiting for Charmaine and Monique.

"Galit ka pa rin ba?" malungkot na tanong nito saakin. Siguro napansin niya na hindi ko siya kinikibo.

Maya maya ay may ibinigay ako sakanyang folder.

"Oh ayan. Tapos ko na yan, ilang beses ko na ding binasa yan." masungit na sabi ko dito at iniabot sakanya ang project namin.

Inilabas ko na lang ang phone ko para may magawa ako at para maiwasan ko din ang kausapin si Ivan.

"Balita ko may bago ka na ulit kaibigan bukod kay Monique ah." paglilibang nito sa usapan.

Three FingersWhere stories live. Discover now