05

70 2 0
                                    

Chapter 5 | One Drunken Night

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 5 | One Drunken Night

Warning: This chapter and a lot more upcoming chapters may contain a lot of swearing and bad words. Please read at your own risk.


• • •

"Hoy, ayos ka lang?" bumalik ako sa realidad nang yugyugin ni Bella ang balikat ko.

Pagka mulat ko ng mga mata ko ay mahina kong sinampal ang sarili ko para magising ako.

Andito kami ni Bella sa may canteen. Hindi naman kasama yung tatlo for whatever reason.

"Ah, oo." mahina kong sagot dito at unti unti ay nararamdaman ko nanaman ang pagpikit ng mga mata ko, mabuti na lang at ginalaw ulit ako ni Bella.

Sobrang inaantok ako, ang sakit ng ulo ko at hinang hina ang katawan ko. Naalala ko nanaman yung kagabi. Natatawa ako, pero masyado akong pagod para tumawa kaya ngumiti na lang ako.

Nakatingin lang ako sa malayo, nagmumuni muni. Kinocompose ko ang sarili ko.

"Alam mo ba kung nasaan yung tatlo? Kanina pa sila wala at hindi din sila pumasok sa klase natin." pagpuna ni Bella.

Tumunog ang phone ko. Tamad na tamad kong kinuha ang phone ko para makita ko kung sino ang nagtext.

From: Holy Hoe

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Para bang bumalik ang energy ko. Pota? Sino to?

Agad kong binuksan ang message para makita ko ano ang tinext nito saakin.

Auntie! Meet me at the library. ASAP.

Auntie? Auntie..Auntie? Ah oo, fuck.

"Wala akong pakealam. Mauuna na ako." paalam ko kay Bella at dali dali akong umalis.

Nanghihina pa ako, at nahihilo. Pero pinilit kong makarating sa library agad agad. Pagkapasok ko ay nakita ko si Kaye at Charmaine sa dati naming spot. Agad ko siyang pinuntahan at umupo ako sa harap niya.

"Oh, coffee mo." alok nito saakin.

Agad ko namang kinuha ang kape at dahan dahan ko itong ininom. Hindi ko naman inubos, tumikim lang ako.

Tinatawanan niya ako dahil sa itsura ko. Kung nakikita niyo lang ako, baka pagtawanan niyo din ako. Sobrang haggard ko. Inaantok ako. Para akong may sakit at lahat lahat na.

"Oh, bat ka tumatawa?" seryoso kong tanong sakanya.

"Para ka kasing zombie, auntie. Hahaha." matawa tawang sabi ni Charmaine.

Three FingersWhere stories live. Discover now