PART FIVE: THE UNFORESEEN CATASTROPHE

136K 9.3K 11.7K
                                    

"BAKIT BA AYAW NINYO MANIWALA SA 'KIN?!"

Amidst the wild crowd, loud music, and smell of different alcohols, I looked at my friends with an annoyed with face.

"Nakita ko nga talaga si Courtney, Avery, at Traise ngayong araw lang!"

They all laughed again, all were red-faced. Nasa loob kami ng isang club na inarkila ng batch namin at ngayo'y halos sabog na ang lahat.

"Sis," sabi ng isa. "Maniniwala kami 'pag sinabi mong nakita mo rin si Taylor."

"Tyler 'yun, gaga!"

They laughed again.

"Paano ko 'yun makikita eh deds na 'yon?! Eh 'di imposibleng paniwalaan n'yo 'ko?"

"Exactly," sabi ng isa.

I bit my lower lip out of frustration at ininom nalang ang alak sa baso at napangiwi.

"Ano ba 'to? Ang tapang!"

"Ewan," sabi ng isa. "Pinaghalu-halo lang nila 'yan."

We all watched our batchmates getting wasted one by one.

"Tignan mo 'yun si Ibasco," sabi ng isa. "Anim na pala anak n'yan pero nung college 'di manlang nagsasalita. Basta talaga tahimik, mahilig."

We all laughed.

"Ayun si Perez," sabi naman ng isa. "Prof natin mama n'ya sa Rizal n'ung first year, 'di ba? Naaalala n'yo ba nang sabihan akong 'di raw ako makaka graduate at mabubuntis daw dahil malandi? Tignan mo anak n'ya, ayan, mas naunang mabuntis sa 'kin."

"Eh expert ka na ata, teh," sabi ng isa.

"Oo nga. Either expert ka na sa safe sex o baog ka lang talaga."

We all laughed harder to the point that we can no longer breathe.

As I watched my friends, I got to reminisce how we met.

First class noon at pinag groupings kami ng prof namin based on bakit namin pinili ang Political Science as our course. Nang mag groupings, kaming apat ang mga naligaw lang at 'di talaga alam ano kukuhanin.

'Yung isa, cool daw kasi pag may Attorney before her name.

'Yung isa, gusto lang daw maranasan ang 'Objection Your Honor.'

'Yung isa naman, na motivate lang daw dahil sa nabasa n'yang law series.

At ito ako na last minute lang pinindot ang Political Science sa admission test dahil nakaka talino pakinggan.

I can say that they were one of the few reasons how I survived college.

"Wait! Wait!" sabi ng isa. "Alam n'yo 'yung viral mash up ni Ate Gay?"

"Oo alam ko 'yun," sabi ng isa. "'Yung Nandito ako ni Ogie Alcasid at Till I Met You. Wait, kakantahin ko ha!"

She cleared her throat.

"Nandito ako~this feeling seems to grow more, everyday I love you more each day~ 'wag kang mag-alala may nagmamahal sa'yo~ 'Till I Met You~"

Kung ang mas malakas ba ay 'yung tawa namin o 'yung tugtog sa loob ng club ay hindi ko na alam.

"May isa pa! May isa pa!" sabi nito. "Tama na 'yan inuman naaaa~ forget mo na ang problema~"

"Buwisit ka!" sabi ko habang gumugulong sa lapag katatawa.

"Ako HAHAHAHA may HAHAHAHA  entry HAHAHAHA ako," sabi ng isa.

"Ubusin mo muna ang tawa mo, gaga!"

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon