PART THIRTY-FOUR: THE FINAL TWIST

164K 10.3K 23.5K
                                    

TRIGGER WARNING: The following scenes contain violence and sexual assault. They are needed for the story to fully develop. The author does not glorify them in any means. Reader discretion is advised.

'His Dreams. They were never wrong...'

Maka-ilang ulit na tinitingnan ng bata ang mga salita na naka-ukit sa hawak-hawak niyang stuffed toy. Isa iyong teddy bear na animo'y nangungusap ang mga mata.

Nagpalinga-linga siya at siniguradong walang ibang makakikita sa kanya. Hinawakan niya ang mga salitang naka-ukit at bumuntong-hininga.

"Heinz! Heinz!"

Halos mapatalon siya sa magkahalong takot at gulat na agad na bumalot sa katawan niya.

Ang boses na iyon...

"Nandito ka lang pa lang bata ka!" galit na salubong sa kanya ng isang babaeng naka-suot ng mamahaling damit. "Hindi ba't ang sabi ko, 'wag kang malikot?!"

Hindi siya makapagsalita ngunit ramdam niya ang biglang panginginig ng tuhod niya.

"Ma..." bulong niya. "N-Naglibot lang po—"

"Did you find him?"

Pareho silang napatingin sa pinanggalingan ng boses. Nang makita niya ang galit sa malamig nitong mga mata ay halos manlumo siya.

Agad siyang nagtago sa likod ng ina at ayaw harapin ang ama.

"D-Don't hurt him," nangangatal na sabi ng kanyang ina.

"Of course I won't," sabi nito at tiningnan nang masama ang babae. "We're in public."

Napahawak siya nang mariin sa damit ng ina.

"Fix your child and let's finish off this goddamn family picture."

Ramdam niya ang tensyon sa paligid. Nang magtama ang paningin nila ng ama ay muli siyang nagtago sa ina. Binigyan siya ng isang matalim na tingin nito bago ito tuluyang naglakad papalayo. Nang mawala ito sa paningin niya ay tiningnan naman siya ng kanyang ina.

"See that?" sabi nito. Ini-ayos nito ang damit at ang buhok niya.

"Family picture lang 'to, Heinz. Don't disappoint mommy, okay?"

Heinz was confused at first but he just nodded.

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Where stories live. Discover now