PART SIXTEEN: "THE SOFT BOY AND THE WILD BEAR"

142K 11K 30.5K
                                    

"ANO, SLEEPING BEAUTY KA GHORL?"

Walang anu-ano'y bigla akong napadilat nang may sumigaw sa tainga ko nang napakalakas. Napangiwi pa nga ako at bahagyang napamura.

Tawa ng lalaki ang maririnig. Unang tumama sa paningin ko ay ang ilaw sa kisame kaya bahagya akong napapikit uli.

"Bangon na, 'di ka mayaman," dagdag ng lalaki.

Tiningnan ko ito at ngumisi ito lalo. Nang magtagma ang paningin namin ay bigla kong na-alala ang nangyari kinagabihan.

"Let your heart be available for someone who sees not just the star but the entire galaxy in your eyes," he said. "Let it be available for me..."

I gulped.

Ang awkward.

Ngumisi s'ya lalo.

"You blacked out," sabi ni Casper. "After mo makichismis sa usapan nila Judge Blake at Aubrielle, you ran away like Cinderella, not to mention na dugyot version ka, and then you stopped, and you blacked out."

Kumunot ang noo ko. Hindi naman ganoon ang alam kong nangyari?

"At may tama na rin ako kaya hindi na tayo pinauwi nina superior," sabi ni Casper. "Kaya pinatuloy muna nila tayo sa staff room."

At doon ako napabalikwas ng bangon at napamasid sa paligid. Oo nga, nasa staff room nga kami?!

"WE SLEPT TOGETHER?!" I exclaimed.

Kabigla n'yang sinampal ang noo ko.

"Umagang umaga nang-uumay ka, inday," sabi niya.

Tinitigan ko s'ya.

"Casper... nag-usap ba tayo kagabi?" tanong ko.

"Tungkol saan?" tanong niya.

I shrugged.

"Ewan," I said. "Like...about...stars... or... panaginip lang 'yon?"

Seryosong tiningnan n'ya ako sa mga mata at bahagyang ngumiti.

"I'm glad you remembered it..."

Kumunot lalo ang noo ko.

"Huh?"

"Sabi ko, ang suwerte mo na-aalala mo panaginip mo. Ako kasi paggising, wala nang na-aalala, bingi."

"So, panaginip lang 'yon?" tanong ko.

"Opo," pang-iinis ni Casper. "Tungkol saan ba pinag-usapan natin?"

Tiningnan ko s'yang muli at bumalik nanaman sa akin ang lahat. Like how he looked in my eyes deeply, how he smiled weakly, and how tears built up in his eyes.

"Ewan," pagsisinungaling ko. "Nalimutan ko na."

Tumawa lamang si Casper.

"Anyway, ba't bihis na bihis ka?" pag-iiba ko ng topic.

"May hearing ako," sabi niya. "Umuwi ako kanina at pinapasabi ng papa mo na umuwi raw kayo ni Aubrielle. Ngayon college admission test ng pinsan n'yo. At fiesta sa buong lugar kaya may event sa office. Make sure to wear blue or gold."

"Si Aubrielle?" tanong ko at bahagyang kinabahan. "Umuwi ba?"

"I'm here, bitch," sabi ng boses na nagmumula sa ibabang kama.

Ngumisi si Casper.

"Akala mo na-take out ni Andrius, 'no?" bulong nito na nang-aasar. "Sige, aalis na ako. Paalam!"

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon