Chapter 5

71 9 7
                                    


There's still these thoughts in my head that kept telling me to run... just run... 'cause it's the only thing that I could do in this world full of demons.


"She's the dauther of Sir Marqueza, one of the officials of Teen Militia. She needs our help. Baka naman Von kahit bakasyon pwede kitang bigyan ng misyon?"


"But Sir-"


"Minus points ka sa'kin, tarantado." Pinagmulatan siya ng matanda bago napasandig ito sa kotse. Napakrus si Sir Rodriguez ng braso saka kinausap ulit yung lalaki na tinatawag niyang Von. Yung lalaking hindi ko inexpect na makikita ko ulit ngayon. "She's been chase by mafias and threatened by gangster. Charity really needs our help. Ikaw lang ang pwede kong maasahan rito."


Pasimple namang napalingon sa direksyon ko si Von. Napa-upo na lamang ako ng maayos sa kahoy na upuan na narito bago iniwas ang aking mga mata sa kanila. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-inom ko ng soft drink habang naka-straw na binigay sa'kin ni Sir Rodriguez. Lumabas na muna kasi kami ng matandang kasama ko kanina sa kotse niya para magpahangin kahit ang init-init naman rito. Nakita ko si Von in my peripheral view at mukhang ayaw niya pumayag sa gusto ni Sir Rodriguez. Para bang napipilitan lang siya rito.


"I know she's in the red line. Someone wants to kill her, right?" aniya.


Napatigil ako sa pag-inom ng softdrink bago siya tinignan na parang may nasabi siyang hindi ko inaasahan.


Don't tell me na sasabihin niya kay Sir Rodriguez na na-encounter ko na siya nong nakaraang araw tas dinamay ko sa mga problema ko dahil nakipagbarilan siya sa mga humahabol sa'kin. Kung sasabihin niya iyon, then sasabihin ko rin kay Sir na iniwan niya ako at the middle of nowhere habang gabi pa na wala man lang taong nandon sa lugar na 'yon. In that way para bang mababawasan ang pagiging ano ko. Basta ano. Ano bang pinagsasabi ko?


"Mukha ngang hindi siya sanay sa mundong kinakatayuan niya, Sir. She's willing to trust anyone just so she could survive."


"Ano?" nalilitong tanong sa kanya ni Sir Rodriguez.


"Wala po," agad na pagbabawi ng lalaki.


"Anong wala?" annoyed na tanong ni Sir bago tinapik ng malakas ang likod ni Von. Napa-alis si Sir Rodriguez sa pagkakasandig sa kanyang kotse bago tinignan ulit ng seryoso ang kausap. "This is your big mission, Von. Sa'yo nakasalalay ang buhay ng anak ng isang official ng school. If you decline this mission, humanda ka na lang sa mga consequences na dadating sa'yo."


Naglakad na palapit sa'kin ang matanda. Napatayo agad ako mula sa kinauupuanbko bago sinalubong siya. "Po?" magalang na tanong ko rito. I think kasi may sasabihin siya sa'kin.


"Anong plano mo pagkatapos nito, Charity? How will you find your father?" tanong ni Sir Rodriquez sa'kin.


"Ano po, pupunta ako-"


"Sabihin mo 'yan sa kanya, kay Nicholas Von." Turo niya sa kasamang lalaki na naee-estatwa na ngayon sa kanyang kinakatayuan. Inilipat ko ang aking mga mata sa Von na 'yon at nakita ko kung gaano kalabag sa kanyang kalooban ang ibinigay sa kanyang utos ni Sir Rodriguez.

Teen Militia: Angel With A Shotgun [Novel #2]Where stories live. Discover now