Chapter 8

74 9 4
                                    



Third Person:


"May pumunta ba sa inyo na babae? Ganito ang itsura," tanong ni Tycob Alfonse sa clerk ng motel. Pinakita niya sa nagbabantay ang litrato ni Charity. "She's a teen, 5'2 to 5'3 lang ang taas. Maputi at payat.


Napatango naman agad ang clerk. "Opo, kaka-alis lang nga po nila kaninang umaga."


"Fuck," mahinang mura ni Tycob.


"Ano po?"


"Wala." Napaharap ang ginoo sa kanyang mga tauhan. "Malapit lang tayo sa kanya. 'Di 'yon tatagal ng tatlong araw."


"Pero tatlong araw na since nawala siya," pahayag sa kanya ng babaeng assistant niya, si Merceline. Para itong namumutla na habang pinagmamasdan ang ginagawa ng kanyang boss. "Nakakapagtaka lang dahil tumagal siya ng tatlong araw. We have a team at hinahanap siya nito. Do you think kakampi talaga ni Charity ang kasama niyang lalaki n'on?"


Para namang natigilan ang matanda dahil sa sinabi ng kanyang assistant. Binalingan niya ang taga-bantay ng motel at tinanong ito agad. "May kasama pa bang iba ang babaeng 'to na nagcheck-in? O mag-isa lang siya."


Kinukutuban man ang taga-bantay sa mga taong biglang pumunta sa kanilang lugar ngunit sinagot pa rin niya ang mga tanong nila. "May kasama siyang dalawang lalaki at isang babae. They are all teens, I guess. Ang babata pa nilang apat na pumunta rito. Bakit po? Nagtanan ba ang mga 'yon?"


Para namang masuka si Merceline sa tinanong sa kanila ng clerk. "Tanan? That's pathetic. Ang babata pa ng mga 'yon. Hindi ganoon si Charity," pahayag niya sa kanyang boss.


Binalingan lang siya ni Tycob. "May ideya ka ba kung saan sila pumunta?" tanong nito ulit sa taga-bantay.


Napa-isip muna ito bago umiling. "Wala eh. Pero nakasakay sila sa dalawang motor. Tig-isa yung dalawang lalaki. Tas yung babaeng hinahanap niyo naka-angkas sa lalaking maputi, matangos ang ilong at medyo masculine ng konti ang katawan."


Napa-oww naman si Tycob Alfone at tinignan si Merceline with this meaningful stares. Para bang sinabi ng mga mata nito na tama ang kanyang hinala, na kasabwat ni Charity ang binata na naengkwentro nila noong nakaraang araw.


"How? Why? What's the reason?" tanong na lamang ni Merceline nang makalabas sila sa motel ng kanyang boss. "Paano nakakuha si Charity ng tutulong sa kanya? I thought she don't have any friends rather than Joanna and Charmaine."


"Hindi ko rin alam so stop asking me," pikon na sagot sa kanya ni Tycob. Padabog na pumasok sa kotse ang matanda habang hinihintay sila ng iba pa nitong tauhan na umandar.


Umupo sa passenger's seat si Merceline bago nilabas ang kanyang phone. Chineck niya ang messages na naroon bago pina-andar ng kanyang boss ang kotse nila. "Oww, I recieved a message from Sir Valentino."


"What is it?" Tycob. Napahithit siya sa kanyang sigarilyo bago inistir ang stirring wheel.


Teen Militia: Angel With A Shotgun [Novel #2]Where stories live. Discover now