Chapter 13

58 6 0
                                    

Joanna Larraine Marqueza:

"Wanted. Wanted. Wanted. Wanted!"

Bigla na lamang inihampas ni Sir Tycob ang mga papeles na hawak-hawak sa desk na nasa harap niya. Konti na lang ay mapunit na niya ito. He look so stressed. Habang ako naman ay nakatayo rito, tarantang-taranta. Naguguilty ako habang nakikita silang ganito. It's actually my fault kung bakit nakawala si Charity. So I need to suffer habang ibinibigay nila sa akin all the blame. I know na ilang days nang sinasarili ni Sir Tycob ang galit niya sa akin. Ngayon parang gusto na niya akong murahin at sampalin.

"Ano nangyayari diyan?" Then my Dad came inside the meeting room. Nakakunot ang noo at mukhang pikon din. Hindi ko alam kung magiging safe rin ako knowing na nandito siya o hindi.

"Dad," bati ko rito. Napalingon siya sa akin bago ako pinasadahan ng kanyang mga mata.

"Ano pa bang ginagawa mo rito, Joanna? Umuwi ka na," aniya.

Di naman ako makasagot sa kanyang tanong. Nagulat na lang ako nang biglang tumabi sa akin si Jasper. "Sorry, Sir. Sinama ko po kasi siya sa paghatid ko ng papeles kay Dad. Pasensya na po. Sasamahan ko na lang po si Joanna pauwi sa inyo."

Maglalakad na sana kami paalis ni Jasper nang bigla kami pinahinto ni Dad. "Di, huwag na. Ako na bahala," aniya. Agad naman ako hinawakan ni Dad sa braso. "Mamaya mag-uusap tayo Joanna. Pinalipas na kita ng ilang araw. Now you need explaining to do," bulong niya sa akin.

Napalunok na lang ako sa kaba. I then faced Jasper at sa pamamagitan ng aking titig, hinihingian ko siya ng tulong. Napa-iling na lang ito sa akin. Sinesenyasan ako na kailangan ko iharap ang aking consequences.

Napabuntong hininga na lang ako nang marealize ang aking kahihinatnan. Dad is kinda scary sometimes. Lalo na't bihira lang siya magalit. But right now, he seems really angry. Super, na baka mapatay pa niya ako sa inis.

"Promise, hindi ko pinatakas si Charity!" agarang paliwanag ko sa kanya. "Siya, siya yung pumilit sa akin," I said.

"Joanna, huwag kang mag-eskandalo rito," Dad.

Napa-atras na lamang sa kinakatayuan si Jasper dahil sa usapan namin ni Dad.

"Eh totoo naman! She held me hostage. Sir Alfonse is lying! Si Charity yung nag-insist na sumakay sa kotse ko," I added. Napalingon na sa aming direksyon si Sir Alfonse at kitang-kita sa kanyang mukha ang gulat.

Surprise? This is how I lie.

"Joanna, sabihin mo na ang totoo," ani Jasper sa gilid. Pati siya nakakunot na ang noo ngayon.

"That's not how most of the witness describe the scene, Joanna," Dad. "Halika nga rito. Nasosobrahan ka na!" Muntik na ako mapasigaw sa sakit nang hawakan nang mahigpit ni Dad ang aking braso. Halos ibaon na niya ang kanyang kuko sa balat ko. Diniinan niya para hindi ako makatakas.

"Dad! Ano ba? I am innocent. Tigilan mo na ako. I don't have any explaining to do. You know how I hate Charity-"

Hindi ko na matapos ang sasabihin nang biglang lumitaw sa pinto ng dadaanan namin sana ni Dad ang isang lalaki. Tall, snob and always serious- Keannu.

"Sir Marqueza, Sir Alfonse. Pasensya na po pero may gustong ibalita at ipakita sainyo si Dad. Pinapatawag po niya kayo sa main office," kalmado niyang pahayag sa mga 'to without even caring na kinakaladkad na ako ng sarili kong ama kanina.

Unti-unting lumuwag ang pagka-hawak ni Daddy sa akin. Doon ko siya tinignan saglit. Nang masigurado kong wala na sa akin ang atensyon niya ay agad akong nagpumiglas at hinablot kay Jasper ang susing hawak-hawak niya. Tumakbo agad ako palabas ng office. Nabangga ko pa nga si Keannu sa kanyang balikat but I didn't show any care about it. Dire-diretso akong tumakas.

Teen Militia: Angel With A Shotgun [Novel #2]Where stories live. Discover now