Chapter 10

66 6 0
                                    


Have you?


Have you been lost? Or just been away from your home and comfort zone? I've been homesick for days. Walking through this tall dry grass makes me more weak and desperate too. I want to see my father so bad. I want to just go back home... treated like a princess and live in a mansion.


I saw him. I saw Sir Valentino outside the computer shop. The eagerness of him seeing me here is so obvious. Gustong-gusto na talaga nila ako makuha o di kaya payatin. They are so desperate to steal my father's money by using a smooth transaction of my permission. Well, too bad that I won't. I won't let them use me. Hindi ako papayag na mawala ang yaman na para sa akin. It's the only thing that I have... that I can show the whole world. Charity was just born rich and that's all. She's just nothing without his father.


"Tired?" tanong sa akin ni Nicholas. Napa-iling naman ako.


Naglakad kami ng ilang metro. Siguro lampas sa dalawang put metro ang layo. Patungo kami sa barn house na may wind mill sa taas. May mga cows and chickens na nakakalat sa labas. Papalubog na ang araw. Napakalayo na namin sa main road. Sa tingin ko kaming apat lang ang tanging tao rito. Bitbit pa namin ang mga gamit namin kaya dumagdag pa ang aming hirap. The barn house's door is open. Di na kami nahirapan na pumasok pa roon.


"Guess we're going to stay here," ani Vanessa. Napangiti siya bago lumapit sa akin. Napa-akbay ito sa likod ko without knowing na mas lalo akong nabibigatan sa ginawa niya. Hindi na ako nagreklamo pa. Nginitian ko na lamang ito pabalik. Bukod sa bag na dala ko ay pati na rin yung paper bags na binigay sa akin ni Nicholas.


Thank you talaga sa lalaking iyon dahil binilhan niya ako ng sapatos. Nagamit ko rin ito sa pagtakas namin. Bad thing is nangati ang lantad na legs ko dahil sa damuhan. Perks of being a runaway.


Sinindahan na lamang ni Scottie ang isang lamp na nasa gilid. Ganoon rin ang ginawa ni Nicholas. Lumiwanag sa paligid namin. Sumilip si Nicholas sa labas bago sinira ang kahot na pinto. Tinignan namin siya na parang hinihintay ang susunod niyang utos. Huminga ito ng malalim bago napameywang sa pagod. "Lantad na tayo sa mga tao."


"Kasalanan ni Vanessa," turo ni Scottie.


Tinignan naman siya ng katabi ko. "What? Ako? Ikaw nga yung panay invite sa akin na maglaro."


"Kahit na. Ikaw pa rin yung pumilit kanina na makipaghamunan doon sa chief. Kung umalis sana tayo ng maaga hindi magkakaroon ng purwisyo si Charity."


"Huh? Ako?" tanong ko. Napaturo ako sa sarili ko. "Okay lang ako. Actually, ako dapat mag-alala sa inyo."


Tinignan ako ni Vanessa na parang naiirita ito. Napasabunot siya ng buhok. "Ewan! Naiinis ako," aniya.


Agad naman pumagitna sa amin si Nicholas. "Scot, Vanessa, hindi maganda magsisihan ngayon. Walang may kasalanan rito."


"Ahh! 'Yan kasi si Kuya Scot, ako lagi sinisisi." Susugurin na sana ni Vanessa ang kanyang pinsan pero hinawakan namin siya ni Nicholas sa braso.

Teen Militia: Angel With A Shotgun [Novel #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon