One Shot Story #12

2 0 0
                                    


"LOVE YOU BUT IT'S TOO LATE "


I keep chasing you, since I met you at kailan nga ba ulit yun? Hayss I don't even remember kung kailan kita unang nakilala basta ang alam ko lang ay gustong-gusto kita.


"Martin papunta ka ng school?" nakangiti kong tanong sa kanya habang sinasabayan ko syang maglakad. 


'wala na bang ibabagal lakad nito? Ayssst'


" Di pa ba obvious? Sa tingin mo maghahiking ako ng naka uniform? Tsk. Bonak."


"aba't grr. Pilosopo hmp!"


Araw-araw halos ganun lagi senaryo namin sa daan. Bago pumasok sa School tsaka pag-uwi. 


" Di ka ba napapagod?" isang beses naitanong nya yan saakin ng pauwi na kami.


"huh?"


" wag kang tanga, Megan. " mahinahon pero parang kutsilyo ang kanyang mga salitang binibitawan.


" Kailan ka ba uuwi sa inyo?" 


"ano-o ahm..."


" Kung uuwi ka man sana-


"sana ano?" medyo seryoso ko ng tanong pabalik sa kanya.


"Sana ngayon na. Wag ka na rin sanang bumalik ako na bahala kay mama."


Sabay una nya ng paglalakad. Unti-unting lumandas ang luha saking mga mata. 


Dati tinatanaw lang kita. Pero ngayon kahit abot kamay na kita di pa rin kita magawang hawakan. Talagang ganito ka makapangyarihan ang pag-ibig. Kaya ka nyang pasayahin sa maikling panahon, kaya ka nya ring durugin ng panghabang panahon.


Mag-iisang buwan rin ako sa kanila. Di ko akalaing mapapamahal ako sa kanyang pamilya lalo na sa mama nya. Mabait sila saakin kahit di nila ko ganun kakilala pinatuloy parin nila ko sa kanilang tahanan. Ang nakakalungkot lang kahit anong gawin kong mabuti, para kay Martin mali ko lang makikita nya. Ayaw nya talaga sakin. Masakit man sakin ang umalis sa nakasanayan kong mundo ay para sa taong mahal ko at sa hiling nyang ako'y lumisan ay gagawin ko.


" uy Martin! Baon mo pala pinapaabot ni tita." nakangiti kong abot sa kanya ng packed lunch


Ngunit tiningnan nya lang ako mula ulo hanggang paa.


"may problema ba sa suot ko?" 


Napatingin din tuloy ako sa suot kong dilaw na bestida habang nakabraid ang aking buhok at nakasuot ng flipflops na green.


" Hindi ka ba papasok?" napangiti ako sa tanong nya, ngunit agad naging simangot ng maalala kung anong meron sa araw na to


" hindi na, uuwi na kasi ako. Tulad ng gusto mo, hindi narin ako babalik wag kang mag-alala nag-usap na kami ni tita. Salamat pala sa pagpapatuloy nyo saakin at-


"akin na yan" sabay hablot nya ng packed lunch nya. Dire-diretso ang kanyang paglalakad.


NAGDIRE-DIRETSO ako sa king paglalakad, at hilaw na napangiti ang bilis nyang sumuko, at tototohanin nya talaga ang pag-alis nya tsk. 


Dahil sa inis ko ay walang lingon-lingon akong tumawid sa kalsada pero sa di inaasahang pangyayare ay tumilapon ako agad sa kabilang parte ng kalsada, kasabay ng malakas na kalabog ng dalawang sasakyan. 


Napalingon ako sa taong pinagkukumpulan ng mga tao, kaso di ako makabalanse ng maayos 


"okay ka lang ba iho? May masakit ba sayo?" tanong sakin ng isang pulis at inalalayan akong tumayo


"ahh okay lang po" dahan-dahan kong nilapitan ang kumpol ng tao habang patuloy parin akong inaalalayan ni kuyang pulis.


' grabe noh dalawang sasakyan ang nakabangga sa kanya'


'siguradong patay yan'


'sayang ang gandang bata'


Nagpantig ang aking tenga saking mga narinig


"Megan?, M-megan?" tanging pangalan nya lang ang aking nababanggit.


Ang daming dugo, mulat pa ang kanyang mga mata, ang dating dilaw na bestida ay nagmistulang pula, maitim ang pagkapula nito dahil sa mga natuyong dugo. Ang kulay green nyang sandals ay kabiyak na lamang ang natira, marahil tumilapon ang isa. A-ang kanyang buhok na maayos na naka braid kanina ay gulo na. Sa pag oobserba napansin ko ang kanyang mga matang patuloy na may luhang lumalandas papuntang pisngi nya. Ang labing dating laging nakangiti sa unang pagkakataon ay nakaawang na lang at tila gulat ang namumutawi sa kanya.


Bakit? Ang sabi ko umuwi kana kasi baka hinahanap ka na sainyo. Baka nag aalala na yung mga mgagulang mo sayo. Na baka may naghihintay sayo. 


Sobra palang pagmamahal ang naramdaman mo para sakin, na di ko man lang agad nasuklian. Nagsisisi ako sa mga araw na lagi kitang nababara. Yung mga araw na dapat— Na dapat napakita ko sayo kung gaano ka kahalaga. Natakot ako eh natakot na baka pag umamin ako sayo saka ka umalis, na baka pag nasabi ko na sayong gusto rin kita bigla kang maglaho. 


"I'll never thought, you'll leave sa ganitong paraan".


Hanggat may panahon ka to confess gawin mo, umamin ka don't wait sa time na magsisi kang di mo man lang nasabi ang nararamdaman mo.


I'm Martin who did love you but then Its too late I'm late.


"Im sorry"


End.

TOGETHER ( One Shot Stories )Where stories live. Discover now