One Shot Story #22

2 0 0
                                    


"KARMA MULA SA NAKARAANG SIGLO"


Ako'y mag-aaral sa isang akademya, na naglalayong maging handa ang bawat isa sa susunod na henerasyon. Nasa huling taon na ako ng aking pag-aaral nang may masaksihan akong isang pangyayaring 'di ko makakalimutan kailanman.


Balisa akong naglakad sa daang patungo sa tarangkahan ng akademya. Nais kong makaalis na rito at itulog na lang lahat na parang walang nangyari. Ngunit biglang sumulpot si Akira sa aking harapan at may pagtataka akong sinulyapan.


"Ash, saan ka pupunta? Bakit ganyan ang itsura mo? May nangyari ba?" sunod-sunod ang kaniyang tanong. Nabalot ako ng takot at pangamba. Si Akira lang ang mapagkakatiwalaan ko sa ngayon. Kaya't sinabi ko sa kanya ang aking nasaksihan sa likod ng lumang gusali ng akademya.


"Makinig ka Akira, aking isasalaysay ang lahat sa iyo." Isang tango lang ang sagot niya sa akin kaya't muli, kami'y tumungo sa lumang gusali ng akademya malapit sa kakahuyan.


"Araw ng Biyernes—


Naglalakad ako sa pasilyo patungo sa silid-aralan nina kuya Achilles at nobya nitong si Kea. Tuwing Biyernes kasi ay lumalabas kami, bago lang ako sa grupo kaya't gusto ko sanang mas mapalapit sa mga bago kong kaibigan. 


Masaya ko na sana silang lalapitan nang mapansin kong tila iba ang imahe ng babaeng kasama at kausap ni Kuya Achi. 


Nang akmang babalingan niya ang direksyon ko ay mabilis akong nagtago sa kabilang silid kung saan ay pasalamat na lang ako na bukas pa rin. 


Inilapit ko ang aking tenga sa pinto ngunit hindi ko gaanong marinig ang usapan sa labas kaya't sumilip na lang ako sa siwang ng pinto. 


Sa wakas ay rinig at tanaw ko na sila. Ang babaeng hindi ko mawari kung sino ay nakatalikod sa akin habang nakikita ko naman ang wangis ni Kuya Achi.


'Nasaan yung nobya niya? Si Kea?' naibulong ko na lang sa aking sarili.


"Ano ba! Tumigil kana! Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" 


Natutop ko ang aking bibig ngunit 'di pa rin napigilan ang sariling mapasinghap sa biglaang sigaw na iyon ni kuya Achi.


"Achilles naman, bulag at bingi ka ba? Gusto nga kita! Gustong-gusto!" Tila nagpupuyos naman sa galit ang babae.


"Nagbibiro ka ba? May nobya na ako. Huli ka na!" 


"Akala ko ba ay hihintayin mo 'ko? S-Sabi m-mo, 'd-di ba?" Ang mahinang hikbi ng babae ang nagparamdam sa akin ng kanyang lungkot at hinanakit.


"Wala ng ganoon ngayon, Sha. Aalis na ako," mahinahong ani ni kuya Achi. Ngunit nang akmang makakalayo na ito ay buong lakas na hinigit siya ng babaeng tinawag niyang 'Sha' at bigla itong siniil ng halik.


Nanlaki ang aking mga mata sa aking nasasaksihan, akala ko'y d'on na 'yon matatapos ngunit may isang taong dumating. 

TOGETHER ( One Shot Stories )Where stories live. Discover now