One Shot Story #14

2 0 0
                                    


"I LOVE YOU GOODBYE"


"congrats! Panalo kayo!" sigaw ko kay Josh habang palapit sa bench nito.


"haha salamat Trix ang galing mo kasi magcheer ei, kaya nadistract kalaban namin— a-aray naman!"


Angil nito matapos ko syang pingutin


" grabe ka ha, ako distraction? Sa gandang kong to pshh" 


Sabay flip ko ng hair then kindat sa kanya bago ko kinuha ang towel nya saka ko pinunasan ang pawisan nyang mukha.


"awiit, ang sweet naman ng bespar ko" 


"ewan ko sayo, talikod ka basang-basa ka ng pawis ei"


Ani ko sa kanya pero imbes na tumalikod tulad ng sinabi ko ay tinitigan nya lang ako. 


"in love ka na nyan sakin? Hahaha"


"aba lakas ah"


" ako na nga lang mag-aadjust tss"


Ako ang pumunta sa likod nya nang bigla syang tumayo kayat tumama yung ulo nya sa baba ko


"sheet nakagat ko ata dila ko putspa naman Josh ei! Bakit ba basta-basta ka na lang tumatayo dyan- ha-"


Natigil ang aking pagsasalita ng makita ko si Margaret na palapit sa kung nasaan kami.


"oh Margaret anong ginagawa mo—


"ako pa talaga tinanong mo Trix ha, ikaw ano ba ginagawa mo dito tapos na ang game ah" 


Tinitigan nya ko mula ulo mukha syang paa, ay- hanggang paa. Suot ko lang naman yung isa pang jersey ni Josh malaki sya sakin so i tied it up sa likod tapos naka jeans ako, oh anong masama sa suot ko makatingin to tsk.


"cheerer ako bakit ba tss"


"girlfriend ako so umalis ka tsk."


Nagulat ako sa narinig ko, parang kakahiwalay nya lang dito nung nakaraan ah, Madalas ko pa tong nakakasagutan tapos girlfriend nya ulit kamo? Pinipigilan ko ang aking sarili upang di maluha.


"Josh nananapak ako ng babae nagbibiro to right?" ngiting aso lang si Margaret habang nakatingin saakin.


" Ahm Trix sorry nakalimutan kong sabihin—


"nakalimutan? Sorry? Eh sabi mo sakin kahapon na- na ano mahal mo na rin ko! Josh ano yun? Anong ibig sabihin non!" 


Ayoko magmukhang mahina sa harap ng babaeng to pero di ko na mapigilang umiyak. 


" ano umasa lang ako sa wala ganun? Ganun ba yun Josh? "


Yumuko lang sya at tila nag-iisip ng dahilan.


"tss Babe intayin kita sa labas ha, linawin mo sa gagang yan ang lugar nya tsk." hinalikan nya sa labi si Josh kaya napaiwas ako ng tingin.


"Go explain " i wiped off my tears bago sya muling harapin.


"Alam mo Trix wala naman akong dapat i explain sayo, ang sabi ko diba gusto kita- 


" mahal ang sabi mo Josh! Mahal at hindi simpleng pagkagusto lang! Josh naman eh, ganun ba sya kahirap kalimutan? Ay mali, mali ata yung tanong ko... Ganun ba ko kahirap mahalin?"


Lumapit ka sakin at hinarap ako, nang may seryosong mukha 


" sinubukan kong kalimutan sya Trix! Sinubukan ko sa paraang—


"Ano sa paraang ako? Sa paglapat mo sakin bilang panakip sa butas at espasyong naiwan nya dyan sa puso mo?"


" Hindi sa ganun Trix ano ba—


" Paano ba Josh! Ako ba yung panandaliang gamot sa sakit na iniwan nya sayo? Isang pain reliever para di mo maramdaman yung sakit masyado? Isang—


Isang rebound ba Josh? Yun ba yung role ko sa istoryang to?"


" Di ba ginusto mo rin to? Alam mong mahal kita pero Trix mas mahal ko sya! Di ko sya kayang i let go! Kaya sana maintindihan mo hanggang dito lang ang kaya kong ibigay sayo mag best friend lang talaga Trix"


Dahan-dahan kong pinawi ang luha sa mga matang pagod na pagod na. Ang puso kong durog na durog na kaka mahal sa isang taong may mas mahal na iba and sad to say hindi ako yun.


"ok. I understand na kahit anong laki ng pagmamahal mo sa isang tao, kung may mas mahal syang iba ay balewala ang lahat. Masasaktan ka lang sa huli."


" But still Trix you know that I love you "


Napangiti ako sa sinabi nya. 


" Yeah I love you, but its a goodbye "


Tinalikuran ko sya at sa unang pagkakataon, pinili ko yung sarili ko. Isang pagpili na sa simula pa lang dapat ay napili ko na.


Dahil hindi lahat ng pagmamahal dapat ipaglaban. Hindi lahat ng laban kailangang tayaan at sugalan lalo na kung puso mo ang nakataya. Kailangang matutong mag let go, tumigil, maging masaya sa kasiyahan nyang hindi ikaw ang kasama.


'Self love muna. That's it for now, until I met the right one.'


End 

TOGETHER ( One Shot Stories )Där berättelser lever. Upptäck nu