Episode 01

613 75 169
                                    

╔═════ ∘◦ ✾ ◦∘ ══════╗

"A smile is a curve that sets everything straight."

╚═════ ∘◦ ❈ ◦∘ ══════╝

Episode 01


How can someone smile as if they were bearing no hardships in this cruel world?


"STEM ang kinuha niyo tapos magrereklamo kayo na ang hirap?!"

Malakas na sigaw na naman ang bungad sa'min ng teacher namin sa Pre-Cal. Nagliligpit na ako ng gamit ko para sa susunod na klase. For sure, our teacher's sayings will consume our subject time again.

Dumaan sa tapat ko ang professor namin at nagulat ako nang bigla niyang hinampas ang desk ko na parang punong-puno ng galit sa mundo.

"Bakit kayong mga Senior High ang daming drama sa buhay? Rant sa Social Media pero 'di naman talaga nag-aaral! 'Yung totoo?!" She continued walking, and I just sat, still dumbfounded. Anong problema niya?

I know that she was not talking about me because I keep my life private and lowkey. Hindi ako madalas magsalita at kahit na kinakausap na 'ko, bastos man pero madalas ay wala akong sinasabi.

"Araw-araw na lang may misa si Ma'am. Parang 'di dumaan ng pagkabata."

"'Yun nga, eh. Tapos magtatanong kung time na pero 'pag nag-reklamo sasabihin bastos."

I lightly smirked at what my seatmates said. I have nothing against those kinds of teachers because my only goal is to study. But those were the facts. A given. 

After some discussions and sermons, our teacher dismissed us for our next class which is General Biology. Nagsimula na 'kong magligpit ng gamit at sinabit na ang side bag sa balikat ko.

I hummed a song while walking down the hallway. I observed how each student is struggling with their life. All of us looked haggard and stressed like zombies who were struggling to pass the requirements. We're in Senior High School, anyway.

I was walking towards the locker part of our building when I heard loud giggling and shouts of a tease from somewhere. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong may kumpol ng mga lalaki na nagtutulakan papunta sa gawi ko.

Oh! I know them. Their feelings were too obvious when I have said last time that I'm not interested in something romantic. I can't explain my feelings in words. Basta nakakairita.

"Uy, 'yung crush mo! Ang duwag naman, p're! Lapitan mo na!" sigaw ng mga tropa no'ng lalaki na hindi ko kilala. Binilisan ko ang lakad dahil ayo'ko nang maabutan pa nila.

No way, I don't want my time to be wasted again. Noong nakaraan ay may nagbigay pa sa'kin ng bulaklak kahit hindi ko naman kilala. People are creepy nowadays.

Lumingon ulit ako sa gawi ng mga lalaki at nakita kong wala na sila doon kaya napabuntong-hininga ako habang naglalakad pa rin nang mabilis. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang bigla akong makabangga ng isang tao.

"Hoy! Gagi!"

Muntik na 'kong mapaupo sa lakas ng impact at nakita ko siyang napaluhod ang isang tuhod dahil sa biglaan naming pagkabanggaan. I saw how furrowed the eyebrows of the man in front of me was. Dumb, Tanniah!

"I'm sorry. . . What happened?" I asked before slowly supporting myself to stand up.

Napa-tsk siya bago tumayo na rin at inayos ang DSLR na nakasabit sa leeg niya. That's when I realized that... Oh my gosh! Nasira ba ang camera niya dahil sa pagkabanggaan namin?

Capturing HueWhere stories live. Discover now