Episode 06

177 46 41
                                    

╔═════ ∘◦ ✾ ◦∘ ══════╗

"Why be new when you can be you?"

╚═════ ∘◦ ❈ ◦∘ ══════╝

Episode 06


Why do we always need to change to be accepted in this crappy society?


"Tanna! Leanna! Thank you! Ang taas ko sa test!"

Miraclea greeted us with a big smile on her face and gleaming with happiness eyes. Tumatalon-talon pa siya sa tuwa.

"Naiiyak ako, shit! First time ko maka-perfect sa isang quiz! Kung hindi pasang-awa, bagsak ako lagi!" She wiped her tears with the sleeves of her jacket.

"Anong gusto niyo? Libre ko na kayo!" pang-aaya niya kaya ngumiti na lang kami at tumango.

Hindi ko alam pero bigla na lang kaming magkakaibigan tatlo at mas nakilala ko sila. I can understand their feelings now, and I'm starting to share some stories about myself with them too. It was overwhelming.

---

"For the second quarter, you will report about Newtonian Physics and you will show some of its examples in our class."

Nagpaliwanag ang teacher namin sa General Physics ng mga gagawin namin sa Second Quarter kaso bigla akong napangiwi nang marinig kong by partner na naman.

I hate groupings, really. Magiging sagabal lang sa gawa ko ang pag-iinarte nila. Ako lang naman talaga ang gagawa sa dulo. Most of them were really useless.

"Uy, Kaz! Grupo tayo! Isama mo na rin si Vim at Meyang!"

"Ma'am! Kami po ba pipili ng ka-grupo namin?"

Excited chattering of my classmates began to fill the room. Marami na agad ang nag-uusap na sila na ang magkakagrupo.

"Pst! Tanna! Partner tayo!" rinig kong sabi ni Clea kaya nilingon ko siya.

"Tayo ba pipili ng ka-group—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Ma'am.

"I have here a bowl with your surnames. Kung sino ang dalawa kong mapipiling pangalan, 'yun ang magka-partner."

I heard multiple groans and appeals from my classmates. Marami ang nagrereklamo at nagbubulungan na nakakairita ang teacher namin.

"First pair. . ."

Nagsimula nang magtawag ang teacher namin ng mga pangalan. Nakita kong ngumiwi si Clea nang isa sa mga makukulit na lalaki ang naka-partner niya. Mukhang hindi rin tumutulong sa paggawa at pabuhat lang.

"Tenth pair . . ."

Mayroon pang sampung tao na hindi pa natatawag kasama na ako. Nagulat na lang ako nang biglang tawagin ang pangalan ko. "Mesina and. . ." Sino naman kaya partner ko? Sana matino.

"Mesina and Acunia," sabi ni Ma'am kaya agad nag-woah ang iba kong kaklase. Sino naman 'yun?

"Yuck! Ba't ko ka-partner 'yang nerdie na 'yan?" narinig kong maarteng sambit ng isang babae sa bandang likod. I glanced at her direction and there I saw a the bully, Selena.

"Ma'am!" Biglang nagtaas ng kamay si Selena. I don't know where I heard her name pero nakilala ko na lang din siya dahil sikat siya sa pagtataray dito sa school.

"Yes, Miss Acunia?"

"Can we exchange groupmates? Ayo'ko po kay Nerdie," she said before flipping her hair and rolling her eyes. I just scoffed. Parang gusto ko, ah?

Capturing HueOù les histoires vivent. Découvrez maintenant