Episode 03

257 51 75
                                    


╔═════ ∘◦ ✾ ◦∘ ══════╗

"Nothing ever goes away, once it is posted online."

╚═════ ∘◦ ❈ ◦∘ ══════╝

Episode 03


Do people get tired of posting nonsensical arguments online?


"Next week will be your First Periodical Test. I-review niyo lang ang mga lessons na tinuro ko dahil I assure you that it will be easy."

Two weeks have already passed and we're stuck on a lot of school works and long tests. Isabay pa ang iba't-ibang performance activities na hindi mo naman magagamit sa totoong buhay.

"Pa'no kung wala siyang tinuro?"

"Mag-wa-wattpad na lang ako. Review-review pa, babagsak pa rin naman."

Maagang natapos ang klase so I'm left with all of my classmates there while they were chitchatting about something. I remembered that they talked about some current issues but I chose not to interfere with them because it will only mess up my quiet life.

Sometimes, it's better to play deaf than to keep intriguing about opinionated things.

Naglalakad ako patungo sa sunod kong klase nang biglang may humarang sa dinaraanan ko. I looked at her in disbelief because even after two weeks, she's still trailing after me.

"What's your problem?" I coldly asked.

Hindi naman ako natural na mataray. Sadyang minsan ay nakakairita lang magsabi nang paulit-ulit tapos parang wala namang mangyayari kasi dine-deadma ka lang ng pinagsasabihan mo.

Tinitigan ko lang siya dahil hindi talaga siya umaalis sa pagharang. She averted her gaze and looked down on her shoes. I can sense that she's on the verge of crying in front of me again.

"Pwede ba tayong. . . maging magkaibigan?" mahina niyang bulong. I furrowed my eyebrows. Bakit niya naman gustong makipagkaibigan? At bakit sa'kin pa?!

Nakita kong napapatingin na rin sa gawi namin ang ibang mga estudyante at wala akong nagawa kung hindi hayaan nalang si Leanna sa gusto niya. I pulled her to the stairs of the building so we can talk.

"Leanna. . . Sorry but I don't do friends. Mukha ba akong friendly na tao?" I tried to be as calm as possible but there I saw her eyes. It was full of tears again. Napahilamos na lang ako sa mukha ko sa inis.

Sino ba namang hindi maiinis kung lagi kang haharangin kapag naglalakad ka sa hallway para makipagkaibigan? I mean, who does that? Si Leanna lang.

She looked at me with teary eyes. Of course, no one deserved to be humiliated like what I did to her but at least. . . she should at least respect my decisions. 

"A-alam ko naman. Sige. . . kahit hindi na lang kaibigan. . . Basta ayos lang sa'yo na sumunod ako kasi gusto ko talagang magpasalamat sa'yo. It may not be a big deal to you but for me. . . it's a matter of life and death. Your help, I mean. . . S-sorry. . ." huling sabi niya bago pinunasan ang luha sa mata niya at umalis.

I can't help but heave a heavy sigh. Parang na-guilty pa ako dahil sa sinabi niya. Bakit ba ang daming gumugulo sa buhay ko nitong mga nakaraang araw?

---

I studied day and night dahil dalawang araw na lang at periodical exams na. I have this habit to stay up late before exams even if it will exhaust me later on.

Capturing HueWhere stories live. Discover now