Episode 04

228 53 68
                                    

╔═════ ∘◦ ✾ ◦∘ ══════╗

"To forgive was to set the prisoner free and discover that the prisoner was you."

╚═════ ∘◦ ❈ ◦∘ ══════╝

Episode  04


Have you ever tried to forgive someone and understand their perspective?


"Tanniah! I bought you a lot of books to study! Check this out!"

If other moms were obsessed with dressing their daughters up, my mom is different. She's crazy at making me the number one in school by letting me read a lot of books.

"Mom, marami pa po kasi akong tatap—" I couldn't continue what I was about to say when she glared at me. I sighed heavily.

"Yes, sure. I'll check it later," I surrendered.

Ngayon na lang ulit kami nagsabay-sabay sa pagkain sa agahan dahil on-vacation si Daddy habang si Mommy naman ay nag-file ng leave. Almost half a year din kasi namin siya hindi nakita.

"How's your periodical test, Tanna?" Dad asked before sipping on his black coffee.

I gulped hardly. "Ayos lang naman po," kinakabahan kong sagot. 

Mahirap ang exams namin dahil malamang ay Grade 12 na 'ko pero alam ko namang hindi 'yun valid reason sa kanila. As long as the result is good, they don't care about the process. Gano'n naman lagi.

"Do you think that you can top it?" Dad asked seriously.

Tumango ako kay Dad kahit na medyo kabado. Tumango lang din siya bago sila naman ang nag-usap ni Mommy. Negative thoughts started forming again in my mind that's why I shook it.

Hinatid na 'ko ng driver namin sa school at pagkababa ko pa lang ay kita ko na ang dami ng mga estudyante na busy sa kani-kanilang mga buhay.

I paved my way through the corridors of the STEM Building when I saw that almost all the doors were still closed. I saw how the other students yawn, and some were cramming their assignments.

Hindi muna ako dumiretso sa room dahil may kailangan pa 'kong kuhanin sa locker ko. Madilim pa ang paligid at buti na lang ay naka-jacket ako ngayon.

Pagkarating ko sa locker part ng hall ay nagulat ako nang may isang taong nagdidikit ng kung ano sa locker ko. "Hey!" I shouted at the person who ran away.

Hahabulin ko pa sana siya kaso muntik na akong matalisod kung hindi lang ako napahawak sa railings sa gilid. "Bumalik ka rito!" sigaw ko.

Tiningnan ko ang kamay kong may maliit pang gasgas dahil sa pagkakahawak nito sa railings. Hinawakan ko ang medyo dumudugong parte at napapikit na lang ako sa hapdi.

Ang gandang umaga!

Dahan-dahan akong tumayo. Buti na lang ay wala masyadong tao sa gawi ng lockers dahil lahat ay naghihintay sa harap ng mga rooms ng first class nila.

"Sino na naman ang nagdikit ng kung ano sa locker ko?!" I asked before going near it and noticed the same type of sticky note in it. The first note said 'Comfort the Cautious'. Ano naman 'to?


'Absolve the Arrogant'


Napangiwi na lang ako dahil sa nabasa ko. Who the hell would waste their time, sticking a petty note on my locker, early in the morning?!

Mainit pa rin ang ulo, nilukot ko ang nakuhang note at nilagay na lang sa bulsa ko. Whoever that man or woman is, 'pag nahuli ko siya ay agad ko siyang isusumbong sa faculty.

Capturing HueUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum