Kabanata 1

771 11 4
                                    

"You are like a high mountain and I am just one of the rivers below you" 

Airian Skyler Perez's


KABANATA 1 


TANGHALI na at hindi pa naluluto ang kanin. Nakapagluto na ako ng ulam para sa tanghalian nila Amang.


"Maya. Tisoy." Tawag ko sa dalawa kung kababatang kapatid. "Bilisan niyo at mauna na kayo kila Amang, susunod ako pag naluto na itong kanin."


Kumuha sila ng bunga nang niyog. Masarap na kapares ang tubig ng niyog sa tanghalian.


"Nandyan na ate. Maya bilis mo't tinatawag na tayo ni Ate." Sigaw naman ng kapatid kung si Tisoy sa isa ko pang kapatid na babae.


"Marami bang nakuha n'yo?" Tanong ko.


"Marami ate. Itong si Maya ang bagal-bagal." Reklamo niya sakin ng kakadating lang ng babae kung kapatid. Hinihingal pa nga ito.


Tumawa lang ako. "Oh, s'ya sige na. Susunod na ako. Dalhin niyo na yang mga buko nila Amang."


"Copy." Natatawang sabi ng dalawa kung kapatid. Habang nag lalakad sila, naririnig ko silang nag babangayan. Napakamot ako ng batok ko. Ito talagang dalawa kung mag-sama parang aso't pusa. Laging nag babangayan.


Naghintay ako ng 30minutes bago maluto ang kaninan. Pagkaluto agad ko namang nilagay sa malaking lalagyan at nilagay sa isang bag kasama na dun ang mga ulam. Sinara ko ang bahay saka nag lakad papunta sa Flower Farm namin. Malapit lang ito sa rest house na pinagawa ni Amang i short para samin bahay, kaya hindi na ako nahirapan sa paglalakad. Nasa gilid lang ng Farm kaya magandang atraksyon din ang rest house sa mga turesta na pumupunta. Pwede ding mag over night dito sa Farm may mga cottage na available.


"Amang. Pasensya na at natagalan ang kanin at ulam." Napakamot ako sa batok sabay ngiti.


"Ang hin-hin na ng dalaga ko." Natatawang sabi ni Amang sakin. Si Amang talaga, mapagbiro.


"Si Amang talaga, oh." Tinulungan ako ni Amang sa dala ko. Nilapag n'ya ang dala ko sa mahabang mesa. Marami ng ibang ulam at kanin sa mesa. Ang saya ng gantong pag sasalo-salo. Ginagawa namin ito tuwing tanghali. Para kaming isang buong pamilya.


I miss Mamang. I really miss my Mother. Namatay s'ya nung 8 years old ako. Dahil sa malayo ang bayan samin dati at wala kaming masasakyan. Nakikita ko na lang na naghihingalo na yung Mamang ko. Nakikita ko na siyang nahihirapan, pero wala kaming magawa. Subrang hirap ng buhay namin dati. Kahit dalawang beses lang kami dati kumakain sa isang araw, nagpapasalamat na kami. Basta may laman lang ang 'tyan sa pagpasok sa paaralan at pagtulog. Pero hindi naging hadlang ang kahirap para sumuko si Amang. Nabenta ni Amang ang dalawang kalabaw at isang baboy para lang mabigyan ng magandang burol at mailibing ang labi ni Mamang sa bayan.


Dahil sa ayaw na ni Amang mangyari sa amin, ang nangyari kay Mamang. Kaya binenta na ni Amang ang dalawa niyang natitirang baboy para makaalis kami sa dati naming tinitirahan at makalipat sa bayan. Mahirap ang buhay namin sa unang dalawang taon namin sa bayan pero dahil sa kasipagan ni Amang sa pagkakayod, araw-araw. At pagkalipas ng tatlong taon, nabigyan ng magandang bunga ang lahat ng paghihirap ng Amang namin. Nakabili ng lupa't bahay si Amang sa bayan. At nag tayo din siya ng Flower Farm sa dati naming bahay na may kalayuan sa bayan. 20 hektar ang lupang tinatayuan ng Flower Farm namin. Iba't ibang bulaklak ang mga nakatanim dito.

Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Where stories live. Discover now