Kabanata 21

79 2 0
                                    

KABANATA 21


NAGISING si Sky na basang-basa ang buong mukha. Nanginginig ang buong katawan niya. Alam niyang panaginip lang ang lahat nang iyon pero bakit ang totoo. Umupo s'ya sa kama niya at iniisip ang panangip na'yon.


Napatingin si Sky si pinto ng biglang bumukas ito. Kahit nakapatay ang ilaw sa loob ng silid niya kitang-kita n'ya parin ang taong nasa pinto dahil sa ilaw sa labas. Nang makalapit si Shane sa kanya ay hindi napigilan ni Sky na mapahagulhol.


"Shhhhh. It's okay. It's just a bad dream." Pagpapatahan sa kanya ng nobyo.


Hanggang sa unti-unti inihiga ni Shane si Sky.


"Anong oras na? Hindi ka ba umuwi?" Tanong ni Sky.


"It's already one in the morning. Nakatulog ka ng pauwi na tayo dito, kaya hindi kita maiwan-iwan. Matulog kana ulit. Dito lang ako sa tabi mo." Hinalikan ni Shane ang nuo ni Sky.


Napailing na lang si Sky sa sinabi ng nobyo.



"May gusto ka bang kainin?"


"Chicken at pizza." Mahinang sambit ni Sky.


Mahinang natawa ang nobyo sa sinabi. Inalalayan s'ya nitong bumangon at sabay na silang lumabas ng silid. Nang makababa sila ay naupo lang si Sky sa sala at ang nobyo lang ang gumagalaw. Kahit sa pagkuha ng tubig ay hindi ang nobyo ang kumukuha nito.


Maya-maya na din ay mag nag door bell tatayo na sana s'ya ng pigilan siya ng nobyo. 


"Ako na." Sabay lakad nito papuntang pinto. Pagbalik nito may dala-dala na itong dalawang bag malaking paper bag sa kaliwang kamay at dalawang pizza sa kanang kamay. Tinitigan lang niya ang nobyo at nginitian lang siya ng lalaki.


Nilapag ng nobyo ang inorder nito at isa-isang nilabas sa paper bag. Siya naman ay binuksan ang pizza at kumuha ng isa para kainin. Sarap na sarap ito sa pagkain.


"Enjoy?" Tanong ng nobyo sa kanya. Tumango na lang si Sky. "Here. Milktea." Sabay abot ni Shane sa nobyang kumakain ng pizza.


"Thank...you."


Hinalikan lang s'ya ng nobyo sa nuo at hinayaan lang nitong kumain ang nobya.


"Baby." Tawag ng nobyo kay Sky.


Bumaling naman ito sa nobyo.


"I know that," Napahinto si Sky sa pagkain at umupo ng tuwid at humarap sa nobyo. "bago palang tayo, but I want you to meet my Parents. Ipapakilala kita as my girlfriend, I know the things between my family and your family. I love you. I see us, I see you as my future."


"Shane."


"I'm not like my Mother, baby."

Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Where stories live. Discover now