Kabanata 16

78 1 0
                                    

KABANATA 16


BUONG ARAW akong hindi makapag fucos. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari 1 week na ang nakalipas sumula matapos ang pagdadaos ng mga araw ng mga farmer sa bayan. Hindi din ako makapaniwala na hiningi talaga ni isang Almojela na magpaalam kay Amang upang makapanligaw siya. Syempre, pumayag si Amang. Kung ako? Iwan ko hindi ko alam. Dahil simula nang nalaman ko na isa siyang Amojela naging iba yung trato ko sa kanya.


Pauwi na ako at naisipan kung dumaan sa clinic ni Doc Wed.


"Good Afternoon, Doc."


"Hi, Sky. Ang aga naman ng uwian n'yo." Sabay upo ni Doc sa katabing sofa.


"Maagang natapos yung ginagawa kaya pinayagan na kaming umuwi. Kakapagod nga Doc." Napapikit na lang ako.


"Kaya mo yan. Ang bata-bata mo pa para sumuko." Naramdaman kung tumayo siya at mayamaya bumalik naman sa pagkakaupo. "Ito. Kainin mo yan. Alam kung comfort food mo yan." Napamulat ako ng makita ko kung ano ito.


Ice Cream. Double Dutch flavor.


"Kukunin ko talaga yan, Doc. Thank you." Inabot niya sakin at inabot ko naman. Sinimulan ko na itong kainin. "Thank you dito, Doc. Alam na alam mo talaga ang paborito ko." Nakangiting sabi ko sa kanya.


"Ako pa ba. Oh, s'ya ubusin mo na yan. Ayan cookies ubusin mo na din. Sa likod lang ako." Tumango naman ako at naiwang kumakain.


Hanggang sa naubos ko na ito at nagpaalam na din. Palabas na ako ng clinic ni Doc ng biglang bumuhos ang malakas na ulo.


"Nakakainis naman. Ang init-init kanina eh, tapos uulan bigla."


No choice ako kundi bumalik sa loob at manghihiram sana ng payong kaso naiwan daw sa sasakyan ni Doc yung payong niya kaya no choice ulit ako kaya humingi na lang ako ng supot para malagay ko yung laman ng bag ko dito para hindi mabasa. Sakto din na meron pa silang nakatago kaya may magagamit ako. Notebook, ballpen, wallet, at cellphone ay nilagay ko sa supot at binalik sa bag ko.


Nagpasalamat ako at lumabas ng clinic. Nasa ilalalim na ako ng malakas na ulan. Naglalakad pauwi. Subrang lakas ang pagpatak nito at masakit ang ulan kaya tumakbo. Huminto ako sa isang maliit na waiting shed na may taong nakasilong din dun. Sumilong muna ako dahil hindi ko na kaya ang sakit ng patak ng ulan.


Isa-isa nang nagsipag-alisan yung tatlong nakasilong at naiwan akong magisa dahil alam kung hindi ko parin kaya ang sakit ng ulan sa tuwing pumapatak ito sa balat ako. Mag gagabi na at hindi parin tumitila ang ulan.


Parang matutumba ako. Nanghihina yung mga tuhod ko. Nakakaramdam ako ng pagka-antok.


"Sky. Skyler..."


"SKY. SKY. Wake up. Please, baby." Pagmamakaawa ni Shane para gumising si Sky pero wala. Nasa hospital sila. Dinala niya ito dito dahil subrang taas ng lagnat niya. Galit siya dito dahil iniiwasan siya ng dalaga.

Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Where stories live. Discover now