Kabanata 26

63 2 0
                                    

KABANATA 26


"SHANE MARTIN ALMOJELA." Sigaw mula sa loob nang mansiyon ng mga Almojela. Hindi kalayuan ay naririnig na niya ang sigaw ng kanyang Ina.


At nang makapasok ito ay kanya bumaling ang lahat ng tao sa sala. Hindi na nagulat si Shane sa nakita niya. Nag sama na naman ang dalawang pamilya.


"Maupo ka! Ano itong naririnig ko, ha? Martin, alam mo ba yang pinapasok mo?" Galit na sunod-sunod na tanong ng kanyang Ina.


"Yes of course."


"Martin!" Tigas na saad na kanyang Lolo. Bumaling naman ang tingin ni Shane sa kanyang Ama na nakaupo lang sa gilid. He knows his Dad. Hindi ito sumasali sa usapan pag karapatan ko ang pinag-uusapan.


"Ilang ulit ko na pong sinabi na hindi ako mag papakasal sa anak ng mga Chavez." Humarap si Shane sa magandang dalaga na nasa tabi ng kanyang Ina. "Patawad pero hindi ikaw ang mahal ko. Kaya hindi ako magpapakasal." Sabay akyat ni Shane sa kanyang silid.


Nang makapasok si Shane sa kanyang silid ay wala na itong narinig na ingay muna sa baba. Pinasadya niya talagang gawing sound proof ang kwarto niya. Kinuha ni Shane ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at tumawag sa kasintahan.


Nakadalawang ring na ito bago sinagot ang tawag.


"I just got home." Sweet na saad ni Shane.


"That's good. Pahinga kana. I know napagod ka," sabay bigay ng kiss ng kasintahan sa kabilang linya. "and thank you. I love you."


Hindi na pigilan ni Shane na magbigay ng ngiti sa mga labi nito.


"Anything for you baby. I love you so much."


Hindi na tumagal ang usapan nila.


"Sleep well. Good night." Saad ni Shane.


"Good night." Sabay baba ng tawag sa kabilang linya.


Nilapag na ni Shane ang cellphone niya at pumasok na ng banyo para maligo. 


Pumasok ito sa walk in closet niya sa kwarto at nag bihis pero tanging bakser lang ang suot nito. Binagsak ni Shane ang katawan sa kama. Napatingin ito sa kisame at iniisip ang magandang mukha ng dalagang mahal niya.


He will do everything just to show how he love Sky.


NAKALIPAS na ang ilang buwan na pananatili ng dalawang kambal at si Tat. Ngayong araw ang balik nila sa UK. Dahil nag kasakit daw ang Daddy nila kaya kailangan nilang bumalik agad.


"I will miss you, guys." Niyakap ko ng mahigpit ang tatlo.


"Balik kami pag okay na ang Daddy." Nakangiting sabi ni Tat.


"Yes, we will come back." Saad naman ni Dollar.

Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Where stories live. Discover now