Kabanata 5

138 5 0
                                    

KABANATA 5


"IKAW!" Gulat na sabi ko.


"What did you say?" Taas kilay nitong tanong.


Bwesit talaga to. Manira ng araw.


"Sinusundan mo ba ako? Alam mo naiinis na ako pagmamakuha mo. Umalis kana nga." padabog na alis ko. Pagkatapos kung mag bayad padabog akong lumabas. Pagkasakay ko ng Jeep agad akong tinanong ni Kaede.


"Anong nangyari?"


"May nakita lang ako Ipis. Tara na."


"Okay." Sumunod naman ito at agad pinaandar ang jeep. At nang makadating kami ng Farm nag pasalamat ako sa kanya at dumiresto na sa Rest House.


"Amang, andito na ako." Tawag ko.


"Wala ang Amang dito, Ate." Sabi ng kapatid kung si Tisoy.


Gabi na ah. "Nasaan ba ang Amang? " Sabay lapag ng binili ko.


"May sumundo po sa kanyang, pulang sasakyan kanina."


"Sinong sumundo?" Hindi naman umaalis si Amang pag gantong oras na. Kinakabahan talaga ako.


"Hindi namin alam, Ate."


"Sige. Dito lang kayo. Wag kayong aalis ng Farm hangga't hindi pa ako o si Amang dumadating. Pasasamahan ko kayo kay Manang Cha."


"Sige, Ate." Sabay nilang sabi. Lumabas naman ako at dumeristo sa gate ng Farm. Nag palakad lakad ako habang nag hihintay sa dadaan na tricyle.


"May dadaan pa kayang tricyle sa gantong oras?" Tanong ko sa sarili ko. "Amang naman kasi." Nabutan na ako ng alas otso ng gabi sa kakahintay ng tricyle pero wala paring dumadaan. Kinakagat na ako ng mga gutom na lamok. Mahirap talagang maghintay kasi minsan lang may dumadaan ng tricyle papunta dito. Napaupo ako sa may labas ng gate habang naghihintay ako.

"Sky?"


Tumayo ako. "Kaede."


"Anong ginagawa mo dito? Gabi na. Pasok na tayo." Pag aaya niya sakin.

"Nag hihintay ako ng dadaang tricyle pero wala talaga."

"Huh?"

"Kasi nang dumating ako ng Rest House wala si Amang. Ang sabi ni Tisoy.... may sumundo daw na pulang sasakyan. Kinakabahan ako, Kaede. H-hindi naman umaalis ng ganitong oras si Amang, Ngayon lang. Kaede." Namumuo na ang mga luha ko sa dalawang mata ko.

"Pulang sasakyan.... Hintayin muko dito. Kukunin ko lang ang motor ko." Sabay alis ni Kaede. After 5 minutes may narinig ako tunog ng makina ng motor. It's a Black Ducati. Wow. Just, wow!


"I like it." Sabi ko ng pumara ito sa harap ko.


Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Where stories live. Discover now