Kabanata 8

119 4 0
                                    

KABANATA 8


"KAPE." Lapag ko ng tasa sa center table sa sala. Umupo naman ako sa katabing sofa nito.


"Thanks." Kinuha niya ang tasa na may lamang kape at ininom. "About the 3 things that you want me to do. You can tell me now." 


"Wala na yun. Kalimutan mo na." Sabay tayo ko. Hindi nag ako nag paalam aayakat ako. Iniwan ko siyang naka upo habang umiinom ng kape.


Nagtataka ako sa sinasabi at ginagawa ko. Nagiging mabait na ba ako sa mga demonyo? Kainis.


Bumaba ako ng naka pangbahay at nakatali ang buhok. Sakto din na humihina na ang ulan. Naabutan ko si Kuyang pogi, Shit. Nagtakip ako ng mata yun nga lang may butas at kitang-kita ko na wala siyang damit pang itaas 


"Anong ginagawa mo? Mag suot ka nga ng damit mo. Bilis." Pagalit na sabi ko.


"Exercise. Naiinitan ako," Sabi ni Shane.


"Bilisan mo."


"Done." Sabay ayos niya ng damit niya. 


"Wala ng ulan. Umalis kana nga." Tulak ko sa kanya papuntang pinto. Binuksan ko ito at inabot ko ang payong niya sa kanya sabay tulak sa kanya palabas. Nang makalabas siya sinara ko ang pinto at  napasandal muna ako sa pinto at napahinga ng malalim.               


"Skyler." Mahinang sampal ko sa pisngi ko. Napailing na lang ako at pinatay ang ilaw sa sala at tuluyan ng umakyat para makatulog na. 


"Pasok." Pasigaw na sabi ko dahil naglilinis ako ng cr sa baba. Kakatapos lang kasi maligo ng dalawa kung aso, kaya maraming balahibo na naiwan sa sahig. 


"Kain na." Pag-aaya sakin ni Dos. Dahil pareho kaming hapon ang pasok at maaga din siyang pumunta ng bahay ay inutosan ko na lang siyang bumili ng pagkain dahil tinatamad akong magluto. 


"Malapit na." Kaya binilisan ko lang ang paglilinis. 


"Sky." Tawag ni Kaye, "Hindi ko naabutan si Manong magtataho — hi." Napangiti na lang ako ng napatigil si Kaye sa sasabihin niya. Napatitig na lang ako sa dalawang nagkatitigan. 


"Hoy, Dos." Sabay hampas ko sa pwet niya. Napatawa na lang si Kaye sa ginawa ko. 


"Masakit." Reklamo nito. 


"Laway mo. Matutunaw si Kaye sa ginagawa mo." Nakangiting sabi ko. Napayuko naman si Kaye sa sinabi ko. 


"Kumain ka na nga." Sabay bigay sakin ng plato. 


"Sandali." Kinuha ko ang  tuwalya na nakasabit sa likod ng upuan at nilagay sa balikat ko. Naghugas ako ng kamay bago kumain. Habang kumakain kami nakikita kung patingin-tingin si Kaye kay Dos. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pagkain. 

Probinsyana Girl (Calinog Series #1)Where stories live. Discover now