Ako na Lang, Kasi Sila Ganoon...

41 0 0
                                    

Author's Note:

Ang istoryang ito ay dating Story 2 na pansamantalang inialis dito sa Wattpad. Ngayong natapos na po ang "Ay! Parang Tanga! Vol. 1", napagdesisyunan ng Pekyan Team na ibalik ito bilang Story 2 dahil may mga pangyayari at mga karakter dito na mahalaga sa finale.

Gaya ng mga nakaraang stories, available po ang podcast ng finale sa YouTube ni Pedro Pekyan. Maaari ninyong i-play ito habang nagbabasa.

YouTube: https://youtu.be/yR1bqnvkl2A

We hope you enjoy this one! Happy reading! 😊

***

Naka-earphone, umuuga-uga ang ulo, at papito-pitong pumasok si Darren sa HR Department ng DivineUsga Toilets Plant. Maliwanag ang buhay niya matapos ang dalawang linggong bonus na bakasyon. Wala namang gagawin kaya excited siyang pumasok. Naisip niya na maitutuloy niya ang paglalaro ng GGO kaso, pagdating pa lang niya sa kanyang mesa, inaabangan na pala siya ni Mang Usga.

Nawala ang pagka-chill ni Darren. Ano ang ginagawa ng Chief Operating Officer sa mesa niya? Matatanggal na ba siya sa trabaho?

"Mr. Demayos, ayan ka na pala. Maupo ka."

Mabilis na mabilis na sumunod si Darren, masuka-suka sa kaba.

"Dalawang linggo ka raw na may sore eyes?" tanong ni Mang Usga, hindi nakangiti.

"Sir, yung manager ko po ang nagsabi na magbakasyon ako, Sir. Hindi ko po ni-request yun, Sir."

"Alam nating dalawa na hindi ka nagka-sore eyes." Tiningnan ni Mang Usga si Darren nang parang tanga at nang hindi ito nakakibo, nag-wave off ng kamay si Mang Usga. "Tapos na yun. May ipagagawa ako sayo. Pero bago yun, alam mo ba kung ano nangyari habang wala ka?"

Bumukas sara ang bibig ni Darren nang parang goldfish na clueless sa fishbowl.

"Nag-resign si Yoso. Napolitika sya. Mag-recommend ka sakin ng papalit sa kanya. Mamili ka sa apat na tao ni Yoso." Binasa ni Mang Usga ang mga pangalan nina 'Francis Misan', 'Agga Akit', 'Duante Gabriel Kahoy', at 'Anthon Tino' mula sa listahang hawak niya. "Kilatisin mo ang apat nang mabuti."

"Sige po, Sir. Ako na po bahala, Sir. Kaya ko na po yan, Sir," parang tangang sagot ni Darren.

Tumango si Mang Usga at tumayo. "Ikaw ang napili kong mag-recommend kasi wala ka dito nun. Babalik na 'ko sa headquarters. Mr. Demayos, top priority mo 'to. Urgent 'to. I-email mo agad sakin yung recommendation at assessment mo sa apat na yan. Wag mo nang padaanin kahit kanino. Malinaw ba?"

"Opo, Sir. Unahin ko na po, Sir. Email ko po kayo agad, Sir." Tumango si Darren at nakahinga nang maluwag nang umalis si Mang Usga. Walang ilang segundo, kumulo ang tiyan niya sa gutom dahil tila natunaw na ang agahan niyang kikiam sa kaba.

Sumaglit siya sa canteen para bumili ng makakain bago mag-interview ng papalit kay Sir Yoso.


Matapos makabili ng makakain, dumiretso si Darren sa Conference Room. Nagkatapon-tapon ang kape niya dahil pagpasok palang sa madilim na silid, mukha ni Cheese, na naiilawan ng kanyang smartphone, ang nakita niya. Sa takot, napatili at napaatras siya. Nabuksan ng braso niya ang ilaw at naligwakan pa ng mainit na kape ang kamay niya.

Pumalatak si Darren sabay baba ng plato ng Brazo de Mercedes, kape, at biskuwit sa mesa. "Nakakagulat ka naman! Kala ko may multo!" Sumimangot siya nang makita ang natirang kape sa kanyang tasa. "Tingnan mo! Wala nang natira sa kape ko!"

Huminto si Cheese sa pagchi-Chirp at sinilip ang tasa ni Darren. "Grabe, Dar! May kalahati pa. Kung makapag- 'walang natira' 'to! Ang aga mo naman, Dar! Cup half-empty agad agad! Di ba pwedeng cup half-full muna?"

Ay! Parang Tanga! (w/ podcast)Where stories live. Discover now