Ang Milagrong Natamasa ni Mang Panata

56 3 1
                                    


***

Author's Note:

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagbabasa.

Gaya ng mga nakaraang story, available po ang podcast ng short story 5 sa YouTube. Maaari ninyong i-play ito habang nagbabasa.

YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=m6dvO6zP6sA&ab_channel=PedroPekyan

Happy reading! 😊

***

Tatlong beses pinagpupukpok ng martilyo ni Junjun ang memory card.

Nangangaykay siyang umupo sa tabi nito. Hindi siya makapaniwala na pinag-isipan niya pa kung sisirain niya ito o hindi. Bata pa lang siya, pinangarap na niyang maging journalist, pero hindi ganitong uri.

Ano ang sasabihin ng tatay at nanay niya? Kung ang mga ito ang nasa posisyon niya, siguradong wala sa mga ito ang nagdalawang-isip bago basagin ang memory card.

Hindi alam ni Junjun kung gaano katagal na siyang nakatulala nang mag-ring ang cellphone niya. Pagtingin niya sa screen, nakita niyang tinatawagan siya ni Mr. Maximus Valentino.

Huminga nang malalim si Junjun bago sagutin ang cellphone. Hindi niya alam kung ano sasabihin sa Editor niya. Ang alam niya, hindi niya ire-reveal sa madla ang ipinagkatiwala ni Starlet sa kanya.

"Sir, good- good afternoon po."

"Junjun, nasaan na yung article? Nasan ka na? Sabi ko kahapon i-email mo sakin bago mag-7 ng umaga! Ala una na!"

"Sir, sorry po pero hindi ko po maisusulat yung istorya. Nag-promise po kasi ako kay Starlet na hindi ko isusulat yung istorya."

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa linya bago narinig ni Junjun ang halatang-halatang nagtitimping sagot ng Editor niya. "Junjun, paglabas mo ba ng opisina ko kahapon nahulog ka sa hagdan? Bakit ka nangako ng ganun?"

"Sir, naging pribado po kasi yung interview. Na-touch po ako sa mga sinabi nya. Nagkaiyakan pa nga po kami, e. Pagkatapos po, nakiusap sya na 'wag kong sabihin kahit kanino yung napag-usapan namin kaya nag-promise po ako."

"Junjun, nag-promise ka rin sakin ng exclusive." Minasahe ni Mr. Valentino ang sentido niya. "Ganito na lang. Kung hindi mo kayang isulat, ako na magsusulat! Ipadala mo na sakin yung recording."

"A, Sir, pinagpupukpok ko na po ng martilyo yung memory card para wala nang makaalam ng pinag-usapan namin," sabi ni Junjun habang nakatingin sa memory card na durog-durog.

"Junjun, nag-promise ka kay Starlet pero pano naman yung promise natin sa followers natin? Dapat mamayang gabi na yung release ng exclusive na yun!"

"Sir, naisip ko po palitan ko na lang yung istorya."

"Magsusulat ka ng bago? Tungkol saan? Kay Starlet din ba?"

"Ay, hindi po, Sir. Ibang istorya po. Wala pong kinalaman kay Starlet."

"Junjun, walang magbabasa nun. Tungkol kay Starlet ang pinangako natin."

"Opo, Sir, pero hindi ko po talaga kayang isabog ang mga sikreto ni Starlet para sa likes. Nangako na po ako. Sinira ko na po yung memory card. Wala na po akong sasabihan ng kahit anong pinag-usapan namin. Sir, please, bigyan nyo po ako ng chance. Papalitan ko po, Sir."

Natahimik si Mr. Valentino nang matagal-tagal at napabuntong-hininga nang parang tanga lang. "Junjun, nandito na naman pala tayo. Wala na naman pala 'kong magagawa. Sige, gawin mong unique at blockbuster yang ipapalit mo kasi kung hindi, Junjun, wala ka nang trabaho."

Ay! Parang Tanga! (w/ podcast)Where stories live. Discover now