Mang Inde, Maawa Ka!

51 2 2
                                    

***

Author's Note:

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagbabasa.

Gaya ng mga nakaraang story, available po ang podcast ng short story 4 sa YouTube. Maaari ninyong i-play ito habang nagbabasa.

https://www.youtube.com/watch?v=m6dvO6zP6sA&ab_channel=PedroPekyan

Happy reading! 😊

***

"Hoy! Pssst!" may sumigaw nang pabulong sa panaginip ni Gabby. Napagtanto niya na hindi panaginip iyon nang tusukin siya sa tagiliran ni Sheila.

"Ay!" napasigaw si Gabby at nagising nang tuluyan. Nakita niya katabi na niya si Ginoong Tino at nakatingin na sa kanya ito nang parang tanga siya.

"Binibining Antacot! Bakit ka natutulog sa klase ko?"

Nangaykay si Gabby. Tatlong araw na siyang nakukurat gabi-gabi kasi alam niyang namatay si Mang Inde dahil sa kanya. Kung hindi siya nahawakan nito, siguradong buhay pa ito. "Uh, sorry po, Gi-ginoong Tino."

"Paumanhin po, Ginoong Tino. Binibining Antacot, ikaw ay natutulog na nga, nag-iingles ka pa sa Filipino. Nasaan ang takdang aralin mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Gabby. Nakalimutan na niyang may assignment siya.

"Hindi mo ginawa ang iyong takdang aralin?"

"Nakalimutan ko po. So- pa- paumanhin po, Ginoong Tino."

"Binibining Antacot, walang takda, walang marka," umiling si Ginoong Tino at bumalik sa harap ng klase.

Ipinagpatuloy ni Ginoong Tino ang pagtatalakay ng Pang-abay sa klase. Walang isang minuto, hindi napansin ni Gabby na napikit na naman siya.

"Gabby! Nakatingin na naman sayo si Ginoong Tino," bulong ni Junior.

Napaigtad si Gabby.

"Binibining Antacot, ano ang nangyari sa prinsesa?" tanong ni Ginoong Tino, nakakunot ang noo.

Nag-umpisang magtawanan ang klase.

"Pang-abay," bulong ni Justice.

Napatanga si Gabby at namutla. "Uh, abay po sa kasal nung prinsipe po?"

Napahilamos ng mukha si Justice. Naghagalpakan na ang klase.

Napailing si Ginoong Tino. "Binibining Antacot, Pang-abay ang pinag-uusapan natin. Hindi abay sa kasal. Walang prinsesa at lalong walang prinsipe. Walang kinasal. Natutulog ka na nga sa klase ko, nag-iimbento ka pa ng sagot sa tanong ko. Tumayo ka hanggang matapos ang klase nang magising ka. Makinig ka nang mabuti para may matutunan ka ngayong araw."

Nang matapos ang Filipino, nakahinga nang maluwag si Gabby. Pwede na siyang maupo. Kaso, hindi pa sumasayad ang palda niya sa upuan, sabi ni Ginoong Tino, bago lumabas ng classroom, "Binibining Antacot, mag-usap tayo sa labas."

Paglabas na paglabas ng classroom, hinarap ni Ginoong Tino si Gabby. "Binibining Antacot, hindi ka dating natutulog sa klase. May problema ka ba?" may pag-aalalang tanong ni Ginoong Tino.

Nagulat si Gabby. Akala niya pagagalitan siya ni Ginoong Tino. Napatango na lang siya dahil ibig na niyang maiyak.

Nag-alala lalo si Ginoong Tino. "Binibining Antacot, ano ang nangyari?"

Natuyo ang bibig ni Gabby at naumid ang dila niya. Alam niyang siya ang may kasalanan sa nangyari kay Mang Inde, pero hindi pa rin niya ito maamin nang malakas.

"Binibining Antacot?"

"Ako pong may kasalanan kung bakit po nakuryente si Mang Inde," kiming sagot ni Gabby.

Ay! Parang Tanga! (w/ podcast)Where stories live. Discover now