Kanina Ka pa, ha! Nakakapikon Ka na!

39 2 0
                                    

Author's Note:

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagbabasa.

Binasa po namin lahat ng comments nyo. Natuwa po kami at lalo kaming ginanahan na ipagpatuloy ang paggawa sa story collection na ito. Thank you, thank you! :D

Kami po ay nagbakasyon at may mga naging ganap kaya medyo natagalan ng konti ang labas ng, "Kanina Ka pa, ha! Nakakapikon Ka na!"

Gaya ng mga nakaraang story, available po ang podcast ng short story na ito sa YouTube. Maaari ninyong i-play ito habang nagbabasa.

YouTube: https://youtu.be/Csns58jlMo4

We hope you enjoy this one! Happy reading! 😊

***

"Totoy D. Beta."

"Hindi Totoy, Alpha. Hindi ako Beta!"

"O, heto, hawakan mo 'to. Pumunta ka dun. Dun, o, dun! Tumayo ka nang diretso."

Nag-click ang camera

Susuray-suray na lumapit si Alpha sa nagkukuha ng mugshot niya. Natalisod siya sa wala bago dumukwang sa computer. "Oy, bakit mukha akong... Totoy? Hindi beno si Alpha D. Beta. Ako na dyan! Ako na ang magse-selfie-"

"Hoy! Mugshot 'to, hindi profile picture sa Chirper! Bumalik ka dun! Sige pa. Sige pa. Dumiretso ka nang tayo! Humarap ka dito! Dito!"

Sumunod si Alpha at inililis ang kanyang T-shirt, mabuwal-buwal na pinakita ang abs. Ang bungo nito ay nagsi-swimming pa rin sa whiskey ni Armando.

Nag-click ang camera Hindi hinagip ng pulis kahit anino ng abs na pine-flex nito.

"Harap, harap sa kanan!"

Nag-click ang camera Agad na kinunan ng pulis si Alpha, dahil nagbabanta na ang braso nitong mag-flex.

"Kaliwa! Humarap ka sa kaliwa!"

Nag-click ang camera

"O, sige, tapos ka na."

"Teka, heto *hic* nakuha nyo ba yung mga...? *hic*"

"Hoy! Okay na. Nakuha na. Tapos na. Yung susunod? Nasan na yung susunod?"

Isa-isang tinawag ang mga nag-rambulang kasama ni Alpha na sina Pred de Alamin, Rude C. de Palamang, at Armando Nakabangon.

***

Noong nakaraang linggo...

Hindi na makilala ni Pred ang tatlong kababata niya. Taon-taon silang nagkikita-kita at taon-taon, may flex. Laging may isang winner at may isang pinaka-loser. Sa tingin niya, ngayong taon, hindi na si Armando ang pinaka-loser, siya na.

Nakatanga na lang sa group chat si Pred, binabasa ang chat.

Rude C. de Palamang: ano kelan tayo?

Armando Nakabangon: pde ko khit kelan, meron na tayong inumin

Alpha D. Beta: Ako rin, game, kahit kelan basta wag lang umaga. Nagtetraining ako nun. Mali naman na uminom tayo ng di man lang ako nagjogging

Rude C. de Palamang: nasan si pred? hoooyy, kelan tayo?

Armando Nakabangon: @Pred de Alamin

Alpha D. Beta: @Pred de Alamin

Rude C. de Palamang: @Pred de Alamin

Pinagtata-tag siya ng tatlo. Nang mag-ping nang tatlong beses ang smartphone ni Pred, nag-umpisa siyang mag-type. Tapos, huminto siya kasi hindi niya alam ang sasabihin.

Ay! Parang Tanga! (w/ podcast)Where stories live. Discover now