Ang Parang Tangang Hercules

27 1 0
                                    

Author's Note:

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagbabasa.

Matapos mag-usap ng Pekyan Team, napagdesisyunan po na ibalik ang dating Story 2: "Ako na Lang, Kasi Sila Ganoon" sa "Ay, Parang Tanga! Vol. 1" dahil may mga pangyayari at mga karakter dito na mahalaga sa finale. Dahil dito, umusog po ulit ang numbering ng stories 3-8. Kung gusto po ninyong mabasa ang Story 2, puntahan po ninyo ang Story 2 dito sa Wattpad. Available rin po ito sa YouTube playlist.

Ang Story 9: "Ang Parang Tangang Hercules" na po ang finale sa volume na ito. Doble ang haba nito kung ikukumpara sa mga nakalipas na istorya. Dahil dito, marami pong characters sa mga nakalipas na istorya ang featured dito. Mas maganda po, para mas mag-enjoy kayo, kung mababasa o mapapakinggan ninyo ang mga naunang kwento.

Gaya ng mga nakaraang stories, available po ang podcast ng finale sa YouTube. Maaari ninyong i-play ito habang nagbabasa.

YouTube: https://www.youtube.com/watch?v=e72VbJYGdZM&ab_channel=PedroPekyan

We hope you enjoy this one! Happy reading! 😊

***

Taong 2018

Bumiling si Pedro at pupungas-pungas na niyakap ang hangin sa kabilang banda ng kama niya. Napaigtad siya noong sumayad ang braso niya sa wala. Isang linggo na siyang nagigising sa pagyakap sa wala dahil isang linggo nang patay si Juana.

Umupo si Pedro at nilingon ang bahagi ng kama kung saan dating nakahiga si Juana. Akala niya naubos na luha niya kahapon noong ihugos ang ataol ni Juana sa hukay sa mausoleo nito, pero mali siya dahil parang waterfalls na naman ang dalawang mata niya.

Nag-ring ang alarm clock ng smartphone niya. Kinapa niya ito sa tabi ng unan niya para patayin. Nang makita niya ang nakangiting mga mukha nina Sheila at Pol sa lock screen niya, nagpahid siya ng luha. Kailangan niyang maging matatag para sa dalawang anak nila ni Juana.

Oras na para mag-jogging at bumili ng tinapay kay Dinna.

Naghilamos si Pedro. Nagsuot ng sando, shorts, at sapatos na pang-jogging. Magang-maga pa ang mga mata, nag-jogging na siya paikot sa Kalye 1159.

Nang pangalawang ikot, nakita niyang nagbukas ng tindahan si Dinna. Nang pang-apat na ikot, nakita niyang may mamang nakapang-magnanakaw na suot sa harap ng tindahan ni Dinna. Narinig ni Pedro ang sariling tibok ng puso niya nang tutukan ng baril ng mamang holdaper si Dinna.

"Holdap ito. Akin na lahat ng pera!"

Hindi alam ni Pedro kung paano siyang biglang nandoon na sa tabi ng mamang holdaper. Inagaw niya ang baril at piningot nang parang tanga ang mamang holdaper.

"Araaaaay! Masakit!"

"Ayos ka lang ba, Dinna?" tumingin si Pedro kay Dinna, hatak pa rin sa tainga ang mamang holdaper.

Tumango lang ang namumutlang Dinna.

"Ako nang bahala dito. Wag ka nang mag-alala."

Saktong kumalantog ang gate ng mga Tino at lumabas si Matt, naka-uniporme ng pang-pulis.

"Matt! Sinubukan netong parang tanga na 'tong holdapin si Dinna!"

Sa sobrang busy sa pamimingot at pagkaladkad sa mamang holdaper papunta kay Matt, hindi napansin ni Pedro na nakanganga si Dinna habang pinapanood kung paano ipinaaresto ni Pedro kay Matt nang parang tanga lang ang mamang holdaper.

***

Taong 2023

Linggo

Nakatitig sa kawalan si Pedro sa loob ng mausoleo ni Juana dahil, matapos siyang maghanda ng maliit na get-together para kay Juana sa 5th death anniversary nito, eat and run ang ginawa ng buong pamilya. Wala pang natutunawan, nagsilayas na. Tapos, wala pang bumati sa kanya ng happy birthday.

Ay! Parang Tanga! (w/ podcast)Where stories live. Discover now