Chapter 14

11.4K 416 83
                                    

02/23/19


RECKLESS

Chapter 14:

Naalimpungatan ako sa pagdantay ng mainit na bagay sa akin. When I woke up, the light was dim and I am sleeping beside Dash!

Natutop ko ang bibig ko dahil muntik na akong mapasigaw.

Kagabi, natapos ang pagtatalo namin na siya ang mahihiga sa kama dahil sobrang taas na ng lagnat niya. I told him not to disturb me when I lay down on the couch. Noong una ay nagtutulug-tulugan lang ako hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako talaga. And now, I was sleeping on the same bed with him!

Sinilip ko ang ilalim ng kumot. Intact naman lahat ng damit ko at ganoon rin siya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Hinipo ko ang noo ni Dash at napabuntong-hininga dahil hindi na siya ganoon kainit. Parang sinat nalang.

Akmang aalis ako nang humigpit ang yakap niya sa akin. Isinubsob pa niya ang mukha sa leeg ko na talagang nagpakilabot sa buo kong pagkatao. Hindi ako nakagalaw lalo na at halos ang kalahati ng katawan niya ay nasa akin na.

Nakatitig lang ako sa ceiling habang kinakalma ang tibok ng puso ko.

Palagi nalang akong ninenerbiyos kapag nasa malapit itong Dashiel Telpace na 'to kahit wala naman siyang ginagawa sa akin.

I looked at him.

Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit na halos magdikit na ang mga mukha namin at isa lang ang masasabi ko: sobrang guwapo ng lalaking ito. Ang laki pa niyang tao.

I remembered two years ago when one of their male models got injured, sapilitan siyang hinatak ng Auntie Bianca niya para maging substitute.

Pinagtatawanan siya noon ni Ran and I was there pero hindi ko siya matignan sa stage because it was an underwear fashion show and although he is also a model, not just here in the Philippines but also internationally, he never did something like showing off too much skin and I've never seen him almost naked. At tulad ng iba niyang ginawa, naging successful rin ang fashion show na iyon.

Bahagya akong tumagilid paharap sa kaniya para mas mapagmasdan ko siyang mabuti. Hinawi ko ang buhok niya at doon ay muli kong nakita ang peklat na gusto kong itanong kung saan niya nakuha. Maybe from an accident? I wanted to ask him but do I have the right? Masyado siyang pribado maging ang pamilya nila ay ganoon rin. They even have their own bodyguards!

Come to think of it. Pwede naman kaming humingi ng tulong at magpa-drive sa bodyguard niya pero bakit hindi niya ginawa?

"Dash," tinapik ko siya sa pisngi at nang hindi siya magising ay piniga ko ang ilong niya. Madali naman niyang nahuli ang kamay ko at hinatak iyon payakap sa katawan niya. Nanlaki ang mga mata ko!

"Hoy!" Sabi ko pa habang nakasubsob na ako sa katawan niya.

"Bukas nalang, Cara. Let's take a rest first." At hinigpitan pa niya ang yakap sa akin.

I don't know why but I feel comfortable in his arms. At bakit nga ba ako nagpapayakap sa kaniya?

Sinubukan kong kumawala pero habang ginagawa ko iyon ay lalong humihigpit ang yakap niya.

"Stop struggling and just sleep."

"Eeeh! Bitawan mo na kasi ako." Medyo napanguso pa ako because my voice lacks of conviction. Mas parang naglalambing pa nga.

"Sleep or I'll kiss you." Halos bulong nalang iyon and it sound so sexy. Iyon ba ang tinatawag na sexy bedroom voice?

"Kasi naman —"

Nanlaki ang mga mata ko ng gawaran niya ako ng mariin ngunit mabilis na halik sa labi na inulit niya pa dahil pinagtutulak ko siya. Pagkatapos noon ay hinigit niya ako papunta sa ibabaw niya at niyakap lang ako ng mahigpit. Damang-dama ko ang init ng katawan niya dahil doon.

RecklessWhere stories live. Discover now