Chapter 41

10K 351 48
                                    

RECKLESS
Chapter 41

I became so busy the following days. Pero hindi tulad dati na puro stress na lang ang nararamdaman ko dahil ngayon, iba na ang sitwasyon with Dashiel around.

Dashiel was the one taking care of Niel. Hindi ko alam kung gumagala ba sila outside the Hyatt Regency dahil sa tuwing uuwi ako'y naroon lamang sila sa bahay at kung ano-ano ang ginagawa. Sometimes, Niel would tell me about his day. May pagkakataon din na hindi ko na siya naaabutang gising dahil sa dami ng tinapos kong trabaho. Pero sa bawat gabing umuuwi ako, palaging naroon si Dash at naghihintay.

Since that wild morning, hindi ko na siya hinayaang sa silid ko matulog. Hindi sa pagpapakipot o ano pero sa tingin ko kasi, mas magandang may permiso pa rin kami ng mga nakatatanda.

No one from the Ty family knew that a certain Dashiel Telpace is the father of my child. Tanging si Auntie Aurea pa lamang pero hindi pa niya nami-meet ng personal si Dash. I don't even know if Auntie knew his face. Kaya para sa akin ay pangit pa rin tignan na magkasama kami sa iisang silid gayong hindi naman kami kasal.

Also, I don't consider ourselves living-in dahil ngayon lang naman ito habang narito siya sa China at para magkasama sila ng anak niya. Kahit sa Pilipinas, hindi naman kami nagsasama at isang beses pa lamang din akong nakatulog sa kanila habang siya sa amin ay hindi pa.

"You are late  again. Our son's already sleeping." ani Dash matapos akong gawaran ng halik sa pisngi. Kinuha rin niya ang trench coat ko at bag. Gusto kong matawa. He's like a house husband waiting for his working wife. Well, he really is minus the title.

"Dumaan ako kay Lolo." tanging sagot ko. Bumubuti na ang lagay ni Lolo at mas may lakas na siyang manduhan ako ngayon  na naman!

"And?" udyok niya habang nakasunod sa akin.

I glanced at him then walk towards the couch after taking off my shoes and putting it to the rack. Naupo ako at hinilot ang aking binti. Then Dash squat in front of me. Kinuha niya ang isa kong paa at minasahe pati na rin ang aking binti.

I closed my eyes and let him massage my legs.

Ang marahan at may tamang diing hagod ng mga kamay niya ay lubhang nagbibigay ng ginhawa sa nangangalay kong mga paa at binti. Pwede sigurong masahista itong si Dash dahil sa galing ng mga kamay niya.

"Stop moaning, Caramel. I'm not even touching you sensually." tila ay reklamo niya.

Of course! Magrereklamo ang isang ito dahil hindi talaga siya makapasok ng aking silid.

Bigla akong napadilat. "What?!" Am I moaning?

He pouted his lips and damn! Sa tanda niyang ito, posible pa pala siyang magmukang cute?

He sits beside me. Tapos ay ipinatong ang mga binti ko sa hita niya saka ipinagpatuloy ang pagmamasahe.

"You should stop wearing those high heels." komento pa niya. He looked at me and tucked some of my loose hair in my ear. "Okay na ba ang Lolo mo?"

Tumango ako at naalala ang napag-usapan namin. Sumasakit ang ulo ko kay Lolo. May sakit o wala, iisa lang ang epekto niya sa akin. But nonetheless, I still prefer seeing him rant on my face rather than seeing him hopeless in a hospital bed.

"Yes and he wants me to meet this certain person. According to Lolo, he will be our biggest investor but he wants something in return." hindi ko napigilan ang mapairap sa hangin.

"He's not even Chinese but Lolo wants me to date him!" naiirita talaga ako. I glance at Dash to see his reaction pero parang wala lang naman sa kaniya ang narinig. "If he wants to invest, eh, di mag-invest siya! Bakit kailangan pang isama sa deal na kailangan kong makipag-date sa kaniya?"

RecklessWhere stories live. Discover now