Chapter 21

10.3K 383 36
                                    

RECKLESS
Chapter 21

"Cook some breakfast for us. I'll just take a shower."

Naghikab ako at sinunod siya. Hindi ko pa rin maisip kung paano niya ako napapayag na magbayad ng 'utang' ko raw sa ginawa ko noon. Para akong nabudol-budol nitong si Dash. Diyos ko! Gabayan po ninyo ako.

I prepared some breakfast tapos sabay na kaming kumain.

"Ako na'ng magliligpit." Sabi ko matapos naming kumain. Nakakahiya naman na nakikain na nga ako tapos siya pa ang magliligpit.

"Natural. Ikaw ang babae, eh." Tinalikuran na niya ko after niyang iparinig iyon. "After mo diyan, maglaba ka na. Hand wash lang. Then you can start cleaning the whole unit."

Sinabi niya iyon, rather, inutos habang naglalakad papasok sa isang silid na may nakasabit na maiit na karatulang 'study'.

Ang gulo ng unit niya! Parang dinaanan ng bagyo dahil nagkalat ang mga libro at kung ano-anong papel. At iyong kuwarto niya ang pinakamakalat! Iyong mga pinaghubaran niya, kung saan-saan nakakalat! Mabuti na lang talaga at malinis ang bathroom and kitchen niya dahil kung hindi, baka sinunog ko nalang ang unit niya.

"Bakit ba kasi ako pumayag na magpa-alila sa menopausal na iyon?!"

Ibinato ko ang basahang hawak at pinunasan ang pawis bago nagmartsa papunta sa study room ng impaktong retarded na si Dash. Halos ibalibag ko pabukas iyong pinto pero ang bwisit, hindi man lang nagulat. Para bang inaasahan na niya ang reaksyon kong ito.

"Kung katulong pala ang hanap mo, ikukuha kita kahit ilan pa! Aba! Hindi ako nagpakahirap mag-aral at magtrabaho sa China para katulungin mo lang! Impakto ka!" Sabay talikod ko sa kaniya.

"Where are you going?"

Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Uuwi!" Pasinghal na sagot ko.

Tumayo siya mula sa swivel chair niya at nakapamulsang lumakad palapit sa akin.

"Why? Are you done cleaning?"

He closed the distance between us in a split seconds, stopping right in front of me, invading my personal space. He leaned down so our eyes would meet. I hate how beautiful his eyes were; I hate how perfectly beautiful his face is.

"Oo." Matigas kong sagot kahit na hindi pa naman talaga ako tapos maglinis.

"Okay then," umayos siya ng tayo pero iyong mga mata niya ay nanatili sa akin. "Magluto ka na ng lunch natin. I'm hungry."

"Ayoko!" Hinubad ko na rin ang suot kong apron at nagmartsa palabas. "Magluto ka mag-isa mo!"

"I'll eat you, then."

Doon ako natigilan. Bigla akong napalingon sa kaniya para lamang salubungin niya ako ng halik na halos ikapugto ng hininga ko.

Kaninang dumating ako sa unit niya matapos akong ipasundo sa driver niya ay nadatnan ko siyang nakatapis lang ng tuwalya. His broad shoulder were showing, so as his flat stomach and that v-line I never thought would send sensual image on my mind in a split seconds were also showing.

Parang sinadya niya talaga kanina na i-shock ako tapos ay minandohan na niya ako.

"Breathe, Cara. Breathe." He whispered.

Nang rumehistro sa utak ko ang ginawa niya ay automatic na umangat ang palad ko at dumapo sa pisngi niya. The stinging pain in my hand felt nothing compared to the hurt in his eyes.

"I'm sorry. I didn't mean to." Sabay abot ko sa mukha niya gamit ang dalawa kong palad at hinaplos ang parteng nasaktan. "Sorry. Ikaw naman kasi." Dugtong ko pa at wala sa sariling hinawi ang ilang buhok na tumabing sa noo niya.

RecklessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang