Chapter 39

9.3K 417 38
                                    

RECKLESS
Chapter 39

"YOU CAN GO home for now, Lin Qian. Rui will send you home." sabi ko sa nanny ni Niel bago binalingan ang aking secretary. "You can go home, too but send her home first." na tinugon lamang niya ng isang tango.

That guy! Mas matipid pang magsalita kaysa kay Dash at Sean.

Nilapitan ko ang aking mag-ama. I don't know how to approach Dash. Ang huling pagkikita kasi namin ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan. I wanted to explain myself then pero tila mainit talaga siguro ang ulo niya noon kaya hindi ko na siya nagawang mahabol. And right now, I still wanted to explain myself but I'm just too tired and drain to do so kaya isang tipid na ngiti lamang ang naibigay ko sa kaniya habang isang tango naman ang kaniyang isinukli. Pagkatapos niyon ay hindi na niya ako muling tinapunan ng tingin.

And it's breaking my heart.

Niel started talking with his daddy animatedly. Masayang-masaya sila habang ako rito ay parang maiiyak na. Hindi naman ako dating ganito. Siguro, pagod lang talaga ako at stress sa dami ng problema sa company. Kung bakit kasi masyado nilang ginagawang big deal ang naudlot na engagement namin ni Sean, eh! Like what I've said, hindi kami babagsak dahil lamang sa hindi iyon natuloy o kahit ang ilang porsyentong nawala ay hindi sapat para bumagsak ang kumpanya.

Nang makatulog si Niel ay noon lamang ako nagkalakas ng loob na kausapin si Dash na noo'y nakatuon na sa kalsada ang buong atensiyon.

"How was your trip? Kailan ka pa dumating?" I really have no idea na susunod siya rito because I told him in my message that I will definitely come back to the Philippines.

"Kadarating ko lang. My luggage is still at the back. Your Aunt told me you're having a conference meeting kaya roon ako dumiretso." aniya at muling itinuon ang buong atensiyon sa pagmamaneho.

Napanguso ako. Ako pala ang ipinunta niya pero hindi naman niya ako pinapansin.

"How did you manage to contact my Aunt?"

"Through your father. And she was asking lots of question. You didn't tell her anything, did you?" bahagya niya akong sinulyapan bago lumiko sa isang intersection.

Hindi ko na sinagot ang tanong niyang iyon dahil obvious naman ang sagot.

At nagtataka man kung paanong alam niya kung saan ako nakatira ay hindi na ako nagtanong pa. Marahil ay sinabi na rin sa kaniya ni Auntie o ni Papa.

"Dito ka na tumuloy. The house is big enough to accommodate us." again, isang tango lamang ang inani ko mula sa kaniya na buhat ang natutulog na si Niel.

I lead him to Niel's room. Katabi iyon ng master's bedroom at may adjacent door sa loob para nakahiwalay man si Niel ay madali ko pa rin siyang mapupuntahan.

"This is his room. Ang katabi ay ang sa akin at ang sumunod ay mga guest room na. Malinis ang lahat ng iyon. Pumili ka nalang at bababa muna ako para maghanda ng hapunan. I'll be done in thirty kaya bumaba ka nalang." again, isang tango lamang ang isinagot niya.

I prepare some dishes na mabilis lang lutuin. Nakipag-unahan ako sa sinaing and voila! Naunahan ko siya. I know, para akong timang pero ito talaga ang libangan ko sa kusina.

Saktong patapos na ako nang makita kong palapit si Dash. Bigla akong na-conscious. Baka kasi hulas na hulas na ako kaya pasimple akong nanalamin sa harap ng refrigerator. Good thing, hindi pa naman ako masyadong hulasan.

While we were eating, tahimik lang siya pero ramdam ko ang tingin na ipinupukol niya sa akin kaya hindi ako makakain ng maayos. Nang hindi ako na ako nakatiis, I put down my chopsticks. Uminom ako at matapos magpunas ng labi ay binalingan ko siya. I put my full attention on him who's still eating as if I wasn't there.

RecklessWhere stories live. Discover now