Chapter 13

15.3K 298 20
                                    

Nang kinagabihan pagkatapos kumain ng hapunan nila Rhia ay nagpasama siya kanila Shanelle at Jenmark na pumunta ng bodega na nasa likod ng bahay. Kukuha sila nang mga ibang punda pamalit d'on sa mga lumang pundang nakalagay sa mga upuan at sofa nila sa may salas.

Pagpasok sa bodega ay napansin nila Rhia na walang switch ang ilaw. Kaya kinailangan pa nila bumalik ng bahay para kumuha ng flashlight.

Habang nasa loob na ng bodega sila Rhia at Shanelle ito naman si Jenmark ay biglang napahikab na sa sobrang antok. Nang biglang may naramdaman siyang matigas na bagay na naapakan ng kanang paa niya sa sahig.

Inilawan ni Jenmark ng flashlight ang sahig kung saan may naramdaman siyang naapakan. Nakita niya na may box pala siya na naapakan.

Nang nakita ni Jenmark ang kahon ay kinuha niya ito sa sahig.

Paglabas nila Rhia, Shanelle at Jenmark, napansin ni Rhia na may dala-dala na kahon si Jenmark mula sa bodega.

"O, ano 'yan Jenmark? San mo nakuha 'yan?" Tanong ni Rhia sa pinsan niyang si Jenmark.

"I just saw it inside the stock room. And I got curious about it so kinuha ko ang box na to." Sagot ni Jenmark kay Rhia.

Pagdating sa loob ng bahay sinabihan ni Rhia si Shanelle na lalabhan nila ang mga nakuhang punda ng unan mula sa bodega bukas. Para sa susunod mapalitan na nila ang mga lumang punda na nakalagay sa mga unan nila sa upuan at sofa ng salas.

Samantala, ito naman si Jenmark ay binuksan na ang kahon. Pagbukas ni Jenmark sa kahon ay tumambad sa kanya ang isang lumang ouija board. Nakita niya din na may nakalagay na isang lumang papel na may nakasulat: "PLAY IT ON YOUR OWN RISK."

Pinakita ni Jenmark kanila Rhia at Shanelle ang nakuhang ouija board, at niyaya ni Jenmark sila Rhia at Shanelle na maglaro nito.

"Are you out of your mind Jenmark! Why are we going to play this creepy thing?" Naiinis na tanong ni Shanelle kay Jenmark.

"Bakit natatakot ka? Sa bagay ouija board is only for brave people not for coward people like you tss." Sarkastikong sabi ni Jenmark kay Shanelle.

"Saka ano ka ba pinsan huwag ka nga nagpapaniwala sa ganyan klaseng bagay." Sabi naman ni Rhia sa pinsan niyang si Jenmark.

"Oh, come on guys! This is only just for fun. Huwag nga kayo masyado paranoid or else duwag lang talaga kayo hehe!" Saad ni Jenmark na may nakakalokong ngiti at tawa.

"Ba't naman ako matatakot Jenmark aber? Okay fine to end up this coward issue, sige let's play this ouija board and I tell Jenmark this is only a stupid thing and a really waste of time as if may makipag usap nga satin na ghost hmmp." Sabi naman ni Shanelle kay Jenmark sabay irap ng mga mata dito.

Pagkatapos nila Jenmark at Shanelle na magtalo sa paglaro ng ouija board ay sinimulan na din nila ang paggamit dito.

Ipinatong na nila Jenmark, Shanelle, at Rhia ang mga hintuturo nilang daliri sa baso na ginawa nilang medium ng ouija board. D'on na nagsimula sila sumubok na tumawag ng isang multo para makausap ito.

Biglang naisip ni Jenmark na tawagin ang kaluluwa ng yumao niyang kapatid kasi may nabalitaan siya sa iba niyang mga kaibigan sa Sityo Villa Gonzalo na nagpaparamdam daw ang half sister niya sa dati nilang bahay.

"Sino kaya pwedeng tawagin sa ouija board? Hmmn, alam ko na si Ella kaya? Balita ko kasi nagpaparamdam daw siya lately sa dating bahay natin. Baka may mensahe siyang gustong iparating sa atin. Is is true Rhia?"

"Oo totoo yun Jenmark pero lumipas na yun." Sagot ni Rhia habang nakasalong baba sa kanyang tuhod sa upuan.

"Sigurado ka ba na wala na ang kaluluwa niya? Na nanahimik na ito? Just to make it sure subukan natin na tawagin ang kaluluwa niya."

"You know what Jenmark you are totally insane!" Bulyaw ni Shanelle kay Jenmark.

"I'm not insane Shanelle! Bakit naduduwag ka na ba?" Tanong ni Jenmark habang nakangisi kay Shanelle.

"Hindi no!" Protesta naman ni Shanelle kay Jenmark.

"Paano kung hindi si Ella ang matawag natin na kaluluwa? Ano nangg mangyayari pagkatapos?" Nag-aalalang tanong naman ni Rhia kay Jenmark.

"I don't know Rhia. Everything will be answer once we already start this ouija board." Sagot ni Jenmark kay Rhia.

Pagkatapos nilang tatlo mag usap ay tuluyan nang sinimulan nila ang paggamit ng ouija board at pinatay nila ang buong ilaw sa bahay. Nag tirik din nang isang puting kandila. Sinimulan nila ito sa pangunguna ni Jenamark sa pagtawag ng kaluluwa sa medium nilang baso sa ouija board.

"Spirit of the glass... spirit of the glass... spirit of the glass tinatawagan namin ang kaluluwa ni Ella... spirit of the glass tinatawagan namin ang kaluluwa ni Ella... spirit of the glass tinatawagan namin ang kaluluwa ni Ella... nandito ka na ba?"

Nang biglang nakaramdam silang tatlo ng malamig na hangin na dumampi sa mga pisngi nila. Kinilabutan silang tatlo at nagkatitigan.

Maya-maya pa ay naramdaman nilang tatlo na gumagalaw na ang baso. Nakita nila na namatay bigla ang kandila ng ilang segundo at biglang sumindi ng kusa. Sa sobrang takot sa nasaksihan ni Rhia ay bigla niyang tinanggal ang kanyang hintuturong daliri sa medium at sumunod si Shanelle sa pagtanggal ng daliri.

Sa takot pareho nila Shanelle at Rhia ay bigla silang nagtilian, nang biglang may nakita silang aparisyon ng isang babaeng nakaputing bestida na nakalutang sa likuran ni Jenmark.

"Jenmark sa likod mo dali tumingin ka!" Bulalasi ni Shanelle kay Jenmark.

Dahan-dahan na tumingin sa likuran si Jenmark. At nanlaki siya sa nakita niya sa likuran niya. May nakita kasi siyang isang babaeng nakaputing bestida na lumulutang sa sahig. Bigla siyang napatayo sa kinauupuan niya at dali-dali na pumunta sa tabi nila Rhia at Shanelle.

"Oh my God, Jenmark I told you this is a stupid thing to do! Look what you have done!" Sisi ni Shanelle kay Jenmark na may halong takot sa sarili dahil sa babaeng lumulutang sa sahig.

"Nandito na siya... si Ella." Biglang bulong ni Rhia kanila Shanelle at Jenmark.

Nang biglang tumingin sa kanila ang kaluluwa ni Ella. Bigla itong nag salita na may halong iyak.

"Bakit, bakit, bakit ka sumuko sa paghahanap sa akin Rhia ng gabing nagkahiwalay tayo sa perya?" Wika ng kaluluwa ni Ella na umiiiyak kay Rhia.

"Huh, h-hindi kita maintindihan Ella." Sagot ni Rhia kay Ella.

"Kung hindi ka agad bumalik ng bahay noong gabing 'yon baka buhay pa ako ngayon!" Sisi pa ni Ella kay Rhia.

"Teka naguguluhan ako. Hindi kita maintindihan Ella. Bakit mo ko sinisisi sa pagkakawala mo ng gabi na 'yon?" Nagtatakang tanong ni Rhia kay Ella. Sila Jenmark at Shanelle naman ay napatanga lang sa tabi ni Rhia.

"Kung hindi ka tumigil sa paghahanap sa akin noong gabing 'yon, dapat buhay pa ako ngayon at kasama ko pa din ang taong aking pinakamamahal na si Pablo Gonzalo!" Giit pa lalo ni Ella kay Rhia.

"Teka naguguluhan ako sa sinasabi mo Ella." Nagugulumihan na wika ni Rhia

"Naguguluhan ka? Bakit Rhia nakalimutan mo na ba ang ipinangako natin sa isa't isa na walang iwanan? Na ano man mangyari lagi lang tayo magkasama? Akala ko ba bestfriends tayo! Pero anong nangyari sayo? Sumuko ka sa paghahanap sa akin ng gabing nawala ako. Umuwi ka lang agad sa bahay natin! At mas pinili pang matulog na lang sa kama!" Namomoot na saad ni Ella kay Rhia.

"Huh? Ella ang akala ko kasi noong gabi na 'yon ay magkikita kayo ni Pablo sa lihim na tagpuan ninyo sa burol. Kasi nga diba nasabi mo sa akin bago tayo pumunta ng peryahan, pagkatapos natin pumunta ng perya ay magtatanan kayo at luluwas ng Maynila ni Pablo. Kaya ang akala ko ay iniwanan mo na ako agad noong mga oras na 'yon."

"Oo dapat talaga magkikita kami at magtatanan ni Pablo pero, pero pagdating ko sa burol ay hindi siya dumating sa tagpuan namin, sa oras na pinag usapan namin. Hinintay ko siya pero walang Pablo Gonzalo na dumating! Imbes na si Pablo ang dumating iba ang dumating noong gabi na 'yon!"

"Huh? Sino?" Tanong ni Rhia kay Ella.

Biglang napaisip si Rhia kung sino ang ibang dumating sa tagpuan nila Ella at Pablo. Sino nga ba ang dumating? May kinalaman kaya ito sa panggagahasa at pagpaslang kay Ella?

Ella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon