Bonus: Chapter 1

3.8K 90 17
                                    

30 years after...

        "Hey Chad dali lumapit ka dito!" Utos ni Leslie sa boyfriend niyang si Chad.

        "O, ano ba kasi yun? Nag aayos ako ng mga gamit natin sa kotse eh." Tanong ni Chad kay Leslie.

        "Tingnan mo yung bahay. Mukhang walang tao at abandonado na. Ba't hindi na lang muna tayo diyan magpalipas ng gabi. At saka madilim na din sa daan papuntang bayan kung maghahanap pa tayo ngayon dun ng motel na pwedeng tulugan." Ani ni Leslie.

        "Kaso Leslie tresspasing yan gusto mo."

        "Come on Chad. Only this night. Saka bukas naman aalis na din tayo ng Villa Gonzalo pabalik ng Manila." Pakiusap ni Leslie sa boyfriend niya.

        Di naglaon ay napa payag din ni Leslie si Chad na mag sleep over muna sa bahay na nakita nila sa tapat ng kotse ni Chad kung saan ito pumarada upang ayusin ang mga ibang gamit nila sa compartment.

        Naka pasok agad sila Chad at Leslie sa loob ng bahay dahil hindi pala naka saradong mabuti ang kandado nito.

        Pagpasok nila sa bahay tumambad sa kanila ang mga lumang kasangkapan dito. Pero hindi na din nila masyado inusisa ang mga kasangkapan na ito dahil pagod at antok na din sila sa pinuntahan nilang kaibigan na nag daos ng kaarawan sa Villa Gonzalo.

        Hating gabi na at mahimbing ng natutulog ang magkasintahan na sina Chad at Leslie. Ngunit biglang naalingpungatan si Leslie. Bigla kasi siyang nakaramdam ng panlalamig sa kwartong tinulugan nila.

        Lumabas muna si Leslie ng kwarto dahil hindi na niya matiis ang lamig na nararamdaman niya dito. 

        Paglabas ni Lelsie sa kwarto biglang may narinig siyang kaluskos mula sa ikatlong palapag ng bahay.

        Sinundan ni Leslie ang tunog ng kaluskos na ito hanggang sa dinala siya ng tunog na ito sa isang attic sa bahay.

        Pumasok si Leslie sa attic. Pagpasok niya dito tanging liwanag lamang ng buwan na nagmumula sa bintana ang nagbibigay liwanag sa kanyang paningin sa dilim ng attic.

        May napansin si Leslie na naka kuha ng kanyang atensyon. Isang kahon na may dyamanteng kumikinang-kinang habang tinatamaan ito ng liwanag na nagmumula sa buwan sa labas ng bintana ng attic.

        Lumapit si Leslie sa maliit na kahon na to na naka patong sa isang lamesa. Nang nasa tapat na siya ng kahon ay biglang nakaramdam si Leslie ng isang malakas na ihip ng hangin na nagmumula sa naka bukas na bintana ng attic.

        Biglang may narinig si Leslie na bumulong sa kaliwang tainga niya na boses ng isang babae na nagsasabing,

        "Kunin mo na yan... kunin mo na yan... iyong-iyo na ang kahon na puno ng dyamante na magbibigay sayo ng yaman sa buhay mo na niminsan hindi mo pa natatamasan..."

        Nang narinig ni Leslie ang boses na yun ay biglang parang nawala siya sa sarili. Pakiramdam ni Leslie ay lumulutang siya sa alapaap. At nagmdali siyang kinuha sa ibabaw ng lamesa ang kahon na puno ng dyamante at bumalik na sa kwarto kung saan naman mahimbing pa din na natutulog si Chad.

        Kinabukasan ng sumapit na ang umaga ay nilisan na din agad nila Chad at Leslie ang abandonadong bahay na tinuluyan nila.

        Habang nagmamaneho si Chad ng kotse sa express way, napansin ni Chad si Leslie na may tanan tanan na isang maliit na kahon na napapalibutan ng kumikinang-kinang na mga dyamante. Tinanong niya si Leslie kung saan niya nakuha ito.

        "Leslie saan mo naman nakuha ang kahon na yan?"

        "Nakuha ko lang to kagabi sa attic dun sa bahay na tinuluyan natin kagabi. Ang ganda noh." Tugon ni Leslie kay Chad.

        "Ano kinuha mo yan dun? Pangnanakaw ang ginawa mo Leslie!" Gulat na sabi ni Chad kay Leslie.

        "Oh, boo... hoo... Don't be so paranoid my dear boyfriend, Chad. Eh, ano naman kung kinuha ko to sa attic ng bahay. And besides abandonado naman na yun diba. Ibig sabihin wala ng magaglit na ibang tao kung kunin ko man tong kahon na ito."

        "Kahit na. Mali pa din ang ginawa mo."

        "Well, sorry Chad pero its mine already. And what's already mine, will permanently be mine FOREVER."

        Hindi na nakapag salita pa si Chad sa girlfriend niyang medyo spoiled brat. Pinabayaan na lang niya si Leslie.  Ayaw na din niyang palakihin ang issue tungkol dun sa kahon na puno ng dyamante na kinuha ni Leslie sa abandonadong bahay sa Villa Gonzalo.

(Please VOTE and COMMENT thanks.)

Ella (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ