Chapter 14

14.9K 285 27
                                    

"Gusto mo talaga malaman Rhia?" Namomoot na kwestiyon ni Ella kay Rhia.

"Oo gusto kong malaman Ella kung sino ang totoong nanamantala sayo at pumatay." Matapang na sagot ni Rhia.

"Noong gabi na 'yon dapat magkikita kami ni Pablo ngunit hindi siya sumipot. Naghintay ako sa kanya nang isang oras pero wala talaga siya. Naisip kong umuwi na lang ng bahay pero bigla akong may nakitang paparating na tatlong lasing na mga lalaki. Bigla nila akong hinarangan sa daan paalis ng burol. At pagkatapos may isang lalaki na biglang pumunta sa likuran ko at hinawakan bigla ang magkabila kong mga kamay para hindi ako makapalag. At nagulat ako sa mga sumunod na tagpo. Hinili nila ako sa isang madamong parte ng burol at d'on na nila sinimulan ang kahayupan na ginawa nila sa akin. At hindi ko matanggap na ang isa sa mga gumahasa at pumatay sa akin ay... si..."

"Sino Ella? Sabihin mo sa akin."

"Ang isa sa mga gumahasa sa akin ay si... si... si Tito Felix. Ang ama mo Rhia!' Bulalas ni Ella.

Napatanga naman si Rhia sa kanyang natuklasan. Hindi niya inaasahan ang sinabi ni Ella sa kanya. Ang isa pala sa totoong gumahasa kay Ella ay walang iba kung hindi ang ama niya mismo.

Pagkatapos n'on ay biglang may pumasok na malakas na ihip ng hangin sa bahay. Ang mga ilaw sa loob ng bahay ay nag bukas sindi, at ang mga upuan, lamesa, mga figurines at picture frames na nakadisplay sa bahay nila ay biglang nag sipag galawan ng kusa.

"Ano? P-p-paano nangyari 'yon? Hindi magagawa ni Papa 'yon sayo Ella!" Depensa ni Rhia sa kanyang ama..

"Paano mo nasabi na hindi magagawa 'yon ni Tito Felix sa akin Rhia? Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya punitin ang aking suot na damit, tanggalin nang pwersahan ang suot kong pangloob, at kung paano niya pangunahan ang iba niyang kasamahan sa panggagahasa sa akin! At ngayon hindi ka pa ba nagtataka kung bakit hindi pa din bumabalik ang Mama mo at ang Papa mo mula sa Maynila?"

"Hindi Ella..." Matipid na sagot ni Rhia kay Ella. Hindi pa din naman makapaniwala si Rhia sa mga rebelasyon na sinasabi sa kanya ni Ella. Nahihirapan siyang tanggapapin sa kanyang sarili na ang ama niya ang totoong pumaslang sa kanyang pinsan at bestfriend na si Ella.

"Dahil nagtatago na sila! Pagkatapos ninyo ilibing sa sementeryo ang kabaong ko inamin ng hayop mong ama sa iyong Mama ang ginawa niyang kahayupan sa akin! Kung kaya nang nalaman nila na namatayan sila Tito Roel sa Maynila ng kamag-anak, ay pumunta sila para makiramay pero ang totoo narinig ko silang nag-usap ng Mama mo. Sa oras na nagpunta sila ng Maynila magtatago na muna sila, dahil ng araw na inamin ni Tito Felix sa Mama mo ang ginawa niyang kahayupan sa akin nagkataon na pupuntahan naman ng Mama ko sila Tito Felix sa kuwarto nila para magpaalam na babalik na sila ng Maynila. Pero hindi sinasadya ni Mama na marinig sa labas nitong pintuan ng kuwarto ang mga magulang mo. Ang katotohan kung kaya ay bigla niyang binuksan ang pintuan ng kuwarto. Sinugod ni Mama ang mga magulang mo para sabihin na alam na niya ang totoo na hindi si Pablo ang salarin. Kung hindi ang hayop mong ama Rhia. Ngunit nang sinugod na ni Mama sa loob ng kuwarto ang mga magulang mo ay biglang tinakot ng hayop mong ama si Mama. Sa oras na isiwalat niya ang katotohanan sa lahat ay hindi magdadalawang isip si Tito Felix na patayin ang mga magulang ko!" Saad ni Ella kay Rhia.

"Kaya huwag ka na umasa Rhia na uuwi pa ng Sityo Villa Gonzalo ang mga magulang mo. Dahil sa mga oras na ito ay nagtatago na sila para hindi sila mahuli ng mga awtoridad!" Dagdag pa ni Ella.

"Sorry Ella. Hindi ko alam na ang Papa ko ang may kagagawan ng lahat. Kung hindi lang ako umuwi agad ng bahay ng gabi na nawala ka sana nailigtas pa kita." Napaluhod bigla si Rhia sa harapan ni Ella. Tila ba ay nakakaramdam siya ng panlulumo. Hindi niya lubos akalain na pati pala ang Mama niya ay nakipagsabwatan na din sa ama niyang totoong pumatay kay Ella.

"Balewala na ang paghingi mo ng patawad Rhia! At ngayon nakatakas na ang totoong may sala sa pagkamatay ko, sa mga oras na ito isinusumpa kong hinding-hindi na ako lalagay sa katahimikan. Hanggat hindi ako nakakaganti sa inyong lahat Rhia. Sa mga kaibigan mo at sa iba pang tao na konektado sa buhay mo Rhia! Hanggang sa kahuli-hulihan mong salinlahi! At yaman din naman na kapatid din kita Jenmark hindi kita idadamay sa paghihiganti ko. Maliban na lamang kung umibig ka sa isang babaeng konektado sa hangal kong pinsan na si Rhia!"

At pagkatapos bitawan ni Ella ang kanyang sumpa kay Rhia ay bigla na lamang siyang naglaho.

Lumipas ang mga araw at linggo simula nang huling pagpapakita ni Ella ay hindi na siya muli pang nagparamdam at nagpakita kanila Rhia, Jenmark, at Shanelle.

Natapos na kaya ang lahat? Paano naman ang sumpa na binitawan ni Ella sa matalik niyang kaibigan at pinsan niya na si Rhia?

Malalagay na kaya sa katahimikan ang kalooban nila Rhia?

Pagkatapos nang pangyayari na 'yon ay laging ipinagtitirik na ng kandila nila Rhia, Jenmark, at Shanelle sa simbahan ang kaluluwa ni Ella. At parating nagdarasal ng rosaryo si Rhia sa loob ng simbahan sa pag asa na tuluyan na nga siya na mapatawad ng pinsan niyang si Ella.

Sinubukan ni Rhia na i-contact ang mga magulang niya sa Maynila sa pagtawag sa mga cellnumbers nila ngunit mukhang nagpalit na sila ng bagong numero.

Hindi na alam ni Rhia kung kailan pa niya muli makikita ang mga magulang.

Ella (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang